Chapter 11

216 4 0
                                    

Agad silang napatahimik sa sinabi ni Mr. Sir President sa tabi ko. Nakanguso silang nagtuturoan sa isa't isa.

"Si Lark kasi oh, ang landi." Turo ni Nico sa lalaking nagyoyosi na si Lark pala.

"Hindi ako malandi. Pakitang tao iyon. Kayong dalawa ni Jackson ang may kati sa itlog." Sagot ni Lark at bumuga ng usok sa kanila.

Binalingan ko ng tingin yung nasa tabi ko na humihithit ng yosi. Napa ubo ako at nag tanong.  "Mr. Sir President, anong ginagawa natin dito? Nasaan ang playroom mo?" Bulong ko.

Hindi niya ako binalingan ng tingin at humithit lang ng yosi. "This is my playroom." Walang ganang sagot nito.

Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Ito yung tinutukoy niyang playroom?! Tangina akala ko pa naman yung playroom na pang bata.

"And that's my toy I was talking about that I want to play with you." Sinundan ko yung tinuro niya. Yun yung lalaking nakagapos at dugoan. Naliligo na ito ng dugo kaya hindi ko masyadong maaninag ang mukha ngunit nung nakita ko ang tatto nito sa may bandang dibdib ay agad akong napasinghap.

Siya yun, yung lalaking muntik ng gumasaha sa'kin at pumatay na akala ko na si Michael! Anong ginagawa niya dito? Diba patay na siya?

"P-Patay na dapat siya..." Hindi mapakaniwalang sabi ko.

"He's vampire. Vampire cannot die easily." Aniya.

Bampira din pala siya. Biglang naalala ko na tinawag din pala niya akong Elizabeth noon. Agad akong napabaling sa kanya.

"Kilala din ba niya yung lola ko, Mr. Sir President? Tinawag din kasi niya ako ng Elizabeth."

Binalingan niya ako at tumango. "Nung kami pa ni Elizabeth. May isang tao ang gusto siyang kunin sa'kin. He's so obsessed with her. He's my one and only enemy. Derick Robinson. He thought that she was you kaya siguro nagpapadala na siya ng mga tauhan niya para kunin ka." Paliwanag niya.

Laglag panga ako sa kanyang sinabi. Ang dami na talagang nag-aakala na ako si Lola. Kung bakit ba kasi kamukhang kamukha ko siya.

"Now. Let's play my toy." Lumapit siya sa lalaking nakagapos.

Binugahan niya ito ng usok sa mukha kaya na alimpungatan. Kinakabahan ako habang nakatingin sa lalaki. Bumabalik kasi sa'kin yung mga nangyari nakaraang araw.

"Open your eyes damn eyes asshole." Aniya Mr. Sir President.

Dumilat nama yung lalaki at ngumisi. Dumapo yung tingin niya sa'kin at mas lalong lumawak ang ngisi niya.

"Bakit tinanggap mo pa yan? Natikman ko na yan ah?" Nang-aasar na sambit nito.

Nag igting ang panga ni Mr. Sir President. Natakot ako kaya napa atras ako. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

"Shut up! Where's Derick!?" Galit na sabi ni Mr. Sir President.

Hindi umimik yung lalaki at tumawa lang. Kumuyom yung kamao ni Mr. Sir President at kinuha yung yosi niya at idinikit sa balat nung lalaki.

"You tell me or I'll burn every inch of your skin using this cigarette?" Banta ni Mr. Sir President saka mas diniinan yung yosi sa balat niya kaya napahiyaw siya sa sakit.

"Ayan kasi eh..." Natatawang sabi ni Nico.

"Sabihin mo na kasi." Hithit ng yosi ni Lark.

"Gusto niyo pop corn?" Alok ni Jackson na may hawak na pop corn.

Teka saan niya nakuha yung pop corn?

"Arghhhhh! Wala kayong makukuha sa'kin kasi hindi ko sasabihin sa inyo lahat kahit patayin niyo pa ako!" Nahihirapang sigaw nung lalaki.

The Devil's MaidWhere stories live. Discover now