Simula nung nangyari sa office ng Don ginawa ko ang lahat maiwasan lang na magtagpo ang landas namin. Isang linggo na ang nakalipas at hindi ko nakikita ang Don. Pabor naman iyon sa'kin kasi mas panatag yung loob ko kapag wala siya sa paligid.
Nawala na rin yung marka sa leeg ko makalipas ang ilang araw. Ewan ko bakit ang bilis pero bigla nalang nawala yung marka.
Paakyat ako ngayon sa rooftop ng mansion kung saan may swimming pool at mini bar saka may iilang table na pwedeng tambayan. Inutusan kasi ako ni Manang Lena na linisin yung swimming pool kasi walang masyadong gumagamit doon.
Dim lang yung lights sa rooftop at may iilang maliit na lights na nakapulupot sa mga railings. Pumunta ako sa isang maliit na room kung saan yung cleaning tools ng swimming pool.
Malamig yung simoy ng pang gabing hangin na tumatama sa balat ko. Sabi kasi ni Manang Lena dapat ngayon ay malinis na itong swimming pool kasi bukas ay may darating na bisita at baka dito tumambay.
Lumipas ang ilang minuto at natapos ko na rin na kunin yung mga dahon na lumulutang saj swimming pool. Habang hawak yung net ay pumunta ako sa railings kung saan bandang likod ng bahagi ng mansion.
Kitang kita ko ang kagubatan sa likod ng mansion mula dito sa taas. Yung bilog din na buwan. Humangin ng malakas kaya napapikit ako para namnamin yung hangin.
Napadilat ako nung may naramdaman akong presensya sa likod at mainit na hininga na tumatama sa batok ko.
"Hmm... can I taste your blood?" He whispered in a husky voice.
Napapitlag ako dahil nag vibrate yung boses niya sa likod ko. Nakita ko ang maskulado at maugat niyang mga kamay sa magkabila ko na tumukod sa railings. Dahan dahan akong humarap sa taong kumulong sa'kin sa kanyang mga bisig.
Ang lakas ng tambol ng dibdib ko nung makita ko ang abuhing mga mata na madilim na nakatitig sa'kin. Ano ginagawa ng Don dito?!
Tumaas ang isang sulok ng labi niya nung makita niya ang takot sa mukha ko. Napansin ko ang buhok niya ay basa at saka naka white t-shirt lang siya at pantalon sa ibaba.
Kanina pa ba siya dito?
Nalilitong sambit ko sa utak ko.
"Uh-huh." Biglang sabi niya na nagpa laki ng mga mata ko.
So kanina pa nga siya dito!? Pero bakit hindi ko siya nakita?
"'Cause you're stupid enough to didn't notice me." Sabat niya.
"A-Ano?" Gulantang na tanong ko.
Bakit alam niya yung sinasabi ko sa utak ko?
"Don't you remember? Vampires can read minds darling."
Saka ko lang na alala. Oo nga pala, bampira pala itong nasa harap ko. Isang bampira pala ang Don.
"I-Itigil mo 'yan!" Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas na sumagot sa kanya.
He chuckled. "And why would I?" He said in a mocking tone.
Lumunok ako. "Kasi y-you're invading someone's privacy." Buong tapang na sagot ko.
Bigla siyang tumawa sa sinabi ko. Tawa na parang nang-iinsulto. Nakatitig lang ako sa kanya habang tumatawa siya. Lumilitaw ang perpekto at puting ngipin niya habang nakangiti ang mga labi. Humulma din ang isang dimple sa kabilang pisngi niya.
Mas lumabas yung dimple niya kasi tumatawa siya ngayon. Kapag kasi nagsasalita siya bumabakat lang ng kaunti.
Bigla siyang tumigil sa pag tawa at naging seryoso yung mukha niya na parang hindi siya tumawa ilang segundo ang nakalipas.
YOU ARE READING
The Devil's Maid
VampirosHe was ruthless and cold, feared by everyone but fearing no one. That's how they described their Don to Flory Jaine Sarmento when she started as a maid at his mansion. A week passed, yet she hadn't met him. Her curiosity grew due to the widespread f...
