Chapter 8

218 3 0
                                    

Naalimpungatan ako nung narandaman ko ang malamig na tumama sa likot ko. Dahan dahan akong dumilat. Inilinga ko yung paningin sa paligid. Nasa banyo ako, at naka higa sa bathtub. Nakatulog pala ako habang buhat ako ng Don? Nag angat ako ng tingin sa kanya. Nakatalikod siya sa'kin kaya hindi ko kita ang mukha niya.

"Clean yourself. Make sure you remove his germs on your skin." Malamig niyang sabi na walang lingon sa'kin at saka naglakad sa pinto at lumabas.

Napatulala ako. Duming dumi ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa'kin kapag hindi siya dumating. Pinahid ko ng luhang tumulo sa pisngi ko at nagsimulang linisin ang sarili ko. Kinuskos ko myung balat ko. Wala akong pinalampas, lahat kinuskos ko.

Nung matapos na akong maligo ay nakaramdam ako ng kalinisan sa katawan ko. Tumayo ako at lumapit sa pinto. Tatawagin ko na sana siya para humingi ng damit ngunit agad akong napatigil nung makita ko yung isang itim na t-shirt at isang boxers na nakatupi sa sink. Kasama na duon ang tuwalya na puti. Agad akong nagbihis at sinuot yung t-shirt at boxers. Nagmukha itong dress dahil lampas tuhod ko yung itim na t-shirt. Naamoy ko yung mabangong amoy ng Don sa sarili ko dahil gamit ko yung shower gel niya.

Dahan dahan akong lumabas ng banyo. Nakita ko siyang nakatalikod sa'kin at naka upo sa kabilang parte ng kama. Naglakad ako palapit sa kama at umupo duon. Nilamon ng nakakabingi ngunit comportableng katahimikan ang paligid.

Hindi ko alam kung paano sisimulan na magpasalamat sa kanya. Ibinaling ko yung paningin sa kanya, wala pa rin siyang pang itaas at tanging yung itim na slacks lang yung suot niya pang ibaba. Tahimik siyang tumayo at hindi ako binalingan ng tingin na nagtungo sa cr.

Pagkalabas niya ay may hawak na siya na med kit. Lumapit siya sa'kin at umupo sa paahan ko. Tinignan ko yung dibdib niya, wala na doon yung malaking hiwa. Kumalabog rin yung puso ko nung pinasadahan ko ng tingin ang tatto niya sa braso hanggang dibdib niya. Isa itong itim na ahas na parang naka pulupot sa braso niya hanggang balikat habang yung ulo ay nasa dibdib at naka labas yung dila.

Kinalibutan ako habang nakatitig sa tatto niya. Para kasing totoo. Nakakatakot tignan. Ngayon ko lang ito napansin at nakita dahil sa tuwing nakikita ko siya ay naka suot siya palagi ng long sleeve. Wala siyang imik na kinuha yung isang binti ko at ginamot ang iilang mga sugat doon habang ako ay nakatitig lang sa kanya habang ginagawa niya iyon.

Tumikhim ako para mawala yung bara sa lalamunan ko at humugot ng malalim na hininga bago nag salita.

"Salamat... dahil dumating ka." Panimula ko.

Malakas siyang bumuntong hininga habang blanko yung ekspresyon na kinuha yung isang binti ko.

"You don't have to thank me. I killed him not for you, but for someone..." He sighed. "They're still hunting Elizabeth until now. And they thought she was you... 'cause you really look like her."

Kumunot yung noo ko at lumakas ang pintig ng puso ko. Ang dahilan pala kung bakit gusto akong patayin nung nakakatakot na lalaki kanina ay dahil akala nila ako si Elizabeth? Sino nga ba si Elizabeth? Nalilito ako. Kamukha ko yung lola ko at Elizabeth ang pangalan niya, hindi kaya siya ang tinutukoy nila?

"A-Ang tinutukoy m-mo ba na Elizabeth... ay yung l-lola ko?" Nanginginig kong tanong.

Hindi siya sumagot. Kita ko na umigting ang kanyang panga.

"Elizabeth ang p-pangalan ng lola ko... at kamukhang kamuka ko siya. S-Siya ang tinutukoy m-mo diba?" Kinagat ko yung pang ibabang labi ko.

Hindi niya ako sinagot. Tumayo lang siya habang nakatalikod sa'kin. "Follow me." Aniya at naglakad palabas ng pinto.

Wala sa sariling tumayo ako at sumunod sa kanya. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Sobrang dami ding mga katanongan sa isip ko na tumatakbo. Kumunot yung noo ko nung ma-realize ko na papunta kami sa pinaka dulo ng hallway kung saan yung pinto na tanging ang Don lang ang pwedeng pumasok.

Pinihit niya ang pinto at binuksan. Humakbang siya papasok sa loob. Nagdadalawang isip pa ako kung papasok din ba ako o hindi. Kalaunan ay pumasok nalang din ako sa loob.

"Anong ginagawa natin d-dito?" Pinasadahan ko ng tingin ang paligid. Puno ito ng alikabok na parang matagal na panahon nang hindi ginagamit o nililinis.

"Nandito lahat ng sagot sa mga katanongan mo." Malamig niyang sabi habang nakatayo sa gitna ng kwarto at nakapamulsa.

Inilibot ko yung paningin sa paligid. Napatulala ako sa luma ng mga gamit. Nagsimula akong maglakad at tinignan tingin ang mga gamit sa paligid. Nakatingin lang siya sa'kin habang ginagawa ko iyon. Hanggang sa mapunta ako sa harap ng isang malaking painting.

Nanginginig ang mga labi na tinitigan ko iyon. Napahawak ako sa labi ko. Kinalibotan ako dahil parang nanalamin lang ako sa sarili ko. Kamukhang kamukha ko yung babae sa painting. Nakangiti ito ng matamis at kita ko sa mga mata niya ang kasiyahan.

Hinawakan ko yung pisngi ng babaeng kamukha ko sa painting. Patuloy sa pagluha ang mga mata ko na parang may parte sa puso ko ang nangungulila. Sino 'tong babaeng 'to? Bakit kamukha ko siya?

"The Elizabeth we meant is the woman in that painting. That's... your lola." He paused. "The woman I loved more than anything else..." He whispered.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ko maigalaw ng maayos yung katawan ko dahil sa nalaman. Nasa harapan ko ang painting ng lola ko. Habang nasa gilid ko naman ang lalaking mahal ang lola ko.

Napawak ako sa vanity table sa gilid ng painting para kumuha ng suporta. Nanlalalabo ang mga mata ko dahil sa luha.

"P-Paano? Paano nangyari..."

Nakatagilid siya sa'kin habang nakatingin siya sa painting na parang doon naka depende yung buhay niya. Nasa loob ng bulsa ang mga kamay niya at kitang kita ko na nakakuyom ito. Naka igting rin ang kanyang panga at sobrang lamig ng kanyang abong mga mata.

"I met her when she was twenty. She's so beautiful, kind, innocent... and lovely. I loved her so much. Naka plano na ang lahat. Family, house, everything. Plano kami ng plano, ang hindi ko alam sa iba niya pala tutuparin lahat." He chuckled bitterly and then looked at me. "Plano namin 'yon eh, bakit sa iba niya tinupad?"

Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi niya. Noon palang pala, nagmamahalan na sila ng lola ko nung dalaga pa ito. Kinalibotan ako dahil kaharap ko lang pala ang lalaking nakasama at minahal ng lola ko nung dalaga pa ito. Ang tagal niya na palang naninirahan sa mundong 'to.

Pero ano yung sinasabi niya na sa iba tinupad ni lola? Ano ang ibig niyang sabihin?

Tumikhim ako. "A-Anong nangyari?"

He scoffed. "She left me. Sumama siya sa ibang lalaki. Nabuntis siya... pero hindi ako ang ama. So unfair right? Kami ang nag plano pero ibang lalaki ang nakatupad." Puno ng pait habang binibigkas niya ang mga salitang iyon.

Kumawala ang mga luha sa mata ko. Paano nagawa ni lola yun sa kanya?

"Tatanggapin ko naman yung bata... kasi ganon ko siya ka mahal. But she choose to left me. Because of that damn thing! Because of you! She left me because of you!" Lumapit siya sa'kin at tinignan ako ng puno ng galit sa mga mata. "I loath you so much. Kapag nasa harap kita kumukulo yung dugo ko sa galit. Kapag nakikita kita, naalala ko ang pagkakamali ni Elizabeth!" He burst his anger then walked away leaving me alone in this room.

Napadaosdos ako sa sahig dahil sa panghihina. Tila nawalan ako ng lakas sa mga sinabi niya. Hindi matigil ang tulo ng mga luha ko dahil sa sakit ng puso ko. Hindi ko alam na ganito pala ang nangyari. Sana hindi ko nalang inalam.

The Devil's MaidWhere stories live. Discover now