Chapter 12

101 2 0
                                    

Patagal ng patagal ay unti unti na rin akong nasasanay sa mga nagaganap dito sa mansion. Lalo na yung kababalaghan na ginagawa ni Mr. Sir President sa kanyang playroom, hindi ko pa rin limot kung paano siya mag laro.

Kinaumagahan habang patungo ako sa kusina nakasalubong ko si Mary na humihikbi habang naka upo sa hagdanan ng second floor. Nilapitan ko siya at umupo sa tabi niya.

"Bakit ka umiiyak? May nangyari ba?"

Patuloy pa rin siya sa pag hikbi kaya mas lalo akong nag alala. Ano ba ang nangyari sa kanya? Sinaktan din ba siya ni... Mr. Sir President?

"Wala... miss ko lang yung pamilya ko." Aniya at ngumiti pero alam kong may problema talaga sa kanya.

Hindi nalang ako nanghimasok pa at nag tanong kung ano ba talaga ang problema dahil mukhang ayaw niyang sabihin. Sabi niya mauna nalang daw ako at susunod nalang siya dahil may gagawin pa siya.

Nung pumasok ako sa kusina agad na bumungad sa'kin yung tatlo. Wala pa kahit isang maid dito o 'di kaya si Manang Lena man lang. Nag kakape ang dalawa habang si Nico naman ay kumakain ng sandwich.

"Hi beautiful!" Bati ni Nico saka kumagat.

Ngumiti lang ako dito saka kumuha ng baso para uminom ng tubig.

"Finally! Wala na ring asungot! I can finally ask your name!" Sumuntok sa ere si Nico saka naglahad sa'kin ng kamay. "Hi I'm Nicholas Louis, and you?"

Kahit nahihiya ay tinggap ko yung kamay niya. "Flory Jaine. Flory nalang." Ngumiti ako ng tipid.

"Ay nako, 'wag kang maniwala diyan sa kanya Flory. Ang totoo talagang pangalan niya ay Nicole at hindi Nicholas!" Singit ni Lark at humagalpak silang dalawa ni Jackson ng tawa kaya napa tawa na rin ako. "I'm Larkin Montevaldes. Baby nalang tawag mo sa'kin." Aniya at kumindat.

"Ako naman si Jackson Carl. Pogi nalang." Ngumisi si Jackson.

Ngumiti ako ng tipid sa kanila.

"Ayan! Ang kakapal ng mga itlog ninyo! Ang gaganda ng introduction ninyo tapos yung sa'kin binaboy niyo lang!? Seriously Nicole? Hindi na kayo na awa? Alam niyo bang inabot si Mom sa pag iisip ng pangalan ko mahigit limang araw, three hours and fourteen seconds? Tapos alam niyo din ba na sa sobrang pogi ko ay nag suggest lang naman ang mga presidente ng iba't ibang bansa ng magiging pangalan ko? Tapos bababoyin niyo lang ng ganon ganon!? Nasaan ang konsensya!?" Hindi makapaniwalang speech ni Nico habang pinagtuturo kami isa isa.

Hindi pinansin ng dalawa si Nico at saka lumapit sila sa'kin.

"How's your sleep?" Tanong ni Lark.

"Okay lang naman." Ngumiti ako ng tipid.

"Pasensya na pala kagabi." Sabat ni Jackson.

"Mga wala kayong hiya! Hindi na kayo naawa! Mapagsamantala! Binaboy niyo ang pangalan ko! Aalis ako mamaya. I'll file a case na gwapo abuse article 143 ikaw lang sapat na! Wala na kayong takas kahit gawin niyo pang attorney ang avengers!"

Bumuntong hininga ako. "G-Ganon ba talaga kayo palagi?" Nag aalangan kong tanong.

"Well, yes kapag may nagtaksil o nagkasala doon namin pinaparusahan sa playroom. Lalo na kapag tungkol kay Derick. Tsk, yung gagong yun talaga." Iling ni Lark.

Tumango tango ako. "Katulad din ba kayo ni Mr. Sir President?"

"Mr. What?" Natatawang sabi ni Jackson.

"Mga walang hiya! Mga plastic! Mga bitch na peke! Mang bababoy! Huwag na kayong lumaban sa'kin sa oras na makapag sampa na ako ng kaso dahil kapag ako na ang nag sampa ng kasong gwapo abuse ay walang na talagang pag-asang makakatakas kayo! Kukuyogin kayo ng mga gwapong katulad ko para ikulong!"

The Devil's MaidWhere stories live. Discover now