Napatulala ako habang naiwang mag isa sa gitna ng kusina. Para akong natulos sa kinatatayuan dahil sa sinabi ni Mr. Sir President. Bakit niya sinabi 'yon? Para saan pa?
Ipinilig ko nalang ang ulo ko at saka isinawalang bahala ang kanyang sinabi. Ilang minuto din ang nakalipas at dumating na din si Manang Lena at Mary. Todo ang irap ko habang patungo ako sa kwarto ni Mr. Sir President.
Papalitan ko na kasi yung bedsheets at kurtina ng kwarto niya. Wala naman akong choice kaya kahit ayaw ko ay sinunod ko nalang. Pinihit ko ang pinto at saka dahan dahang pumasok sa loob. Hindi na ito madilim katulad ng dati. Ang liwanag na ng loob ng kwarto dahil naka bukas na ang mga kurtina.
Sinong nag bukas nito? Diba ayaw ni Mr. Sir President na binubuksan yung kanyang kurtina?
Nasagot lang yung mga tanong ko nang makita ko ang nakakairitang babae kanina sa kusina na kakalabas lang ng cr. Napa taas yung kilay ko nung makita ko yung suot niya na robe. Bakit niya suot yung robe ni Mr. Sir President?
Sa sobrang laki nito sa kanya ay nagmukha siyang lumpiang panis. Hindi naman sa nilalait ko siya pero ganon lang talaga yung nakikita ko sa kanya. Tinaasan din niya ako ng kilay nung makita niya akong nakatayo sa gitna ng kwarto.
"What are you doing here?"
Naglakad ito papalapit sa kama saka umupo at nag cross arm habang tinitignan ako ng matalim.
"Maglilinis. Halata naman diba?" Pabalang kong sagot sa kanya.
Maarte siyang suminghap dahil sa sagot ko.
"How dare you to talk to me like that! Ganito ba ang mga maid dito? Mga walang manners!"
Hindi ko lang pinansin yung pagheherastikal niya at ginawa ko nalang yung dapat na ipinunta ko dito. Sinimulan ko na palitan yung mga kurtina ng walang imik.
"Hey! I'm talking to you!"
Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy nalang sa ginagawa ko. Naramdaman ko na lumapit siya sa'kin. Tinignan ko siya ng walang gana.
"Hindi pakikipag usap sayo ang ipinunta ko dito." Walang ganang sabi ko pagkatapos kong palitan yung bedsheets.
Narinig ko siyang suminghap sa gilid ko.
"You're really a disrespectful bitch!" Singhal niya saka tinuro ako. "I knew it. Nag seselos ka sa'kin because Vonn is with me last night! Am I right?"
Kumunot yung noo ko saka hinarap siya. "Pardon? Kinakausap mo ba ako?" Tinaasan ko siya ng kilay. Napaka sinungaling nitong deputa nato. Mismong si Mr. Sir President nga ang nag sabi na wala siya sa kwarto buong gabi kaya hindi sila magkasama.
"Are you deaf? Of course yes!"
"Ah talaga ba? Akala ko kasi takas ka sa mental at nagsasalitang mag-isa."
Suminghap siya saka hindi makapaniwalang tinignan ako. "Oh my god! Did you just said that I'm crazy? Ew! Look at yourself nga, sinong mas mukhang baliw sa atin huh? it's you! You're just a cheap ugly maid who's dreaming Vonn to love you back!" Singhal niya.
Biglang kumulo ang dugo ko at kulang nalang sampalin ko na 'tong babae sa harap ko. Tumango tango ako habang kalmado siyang tinignan.
"Sandali lang ah? Parang ikaw nga sa ating dalawa ang nangangarap na makuha ang atensyon ng Don. At saka parang awa mo na tigilan mo 'yan. Nagmumukha kang tanga." Umiling iling ako.
"Wait what? Are you insane? You're the one who's being a delusional here! Vonn loves me since before!"
"Oh paano mo naman nasabi aber?"
Ngumisi siya ng malapad at hinawi ang buhok niya. "He gave everything to me. Everything that I want! That's how he show his love to me." Confident niyang sabi.
Tumawa ako. "Talaga ba? Mahal ka na niya dahil lang sa binibigay niya lahat ng gusto mo?"
Maarte siyang umirap. "Of course duh. How about you? Did he ever make some effort for you? I bet he wouldn't."
"Ang babaw mo naman masyado. Binibigay nga lang ng isang tao lahat ng gusto mo mahal ka na agad? Paano kung naawa lang siya sayo dahil mukha kang walang pambili diba?"
"Excuse me? I can buy anything that I want with my own money! You're just jealous kaya sinasabi mo 'yan. Palibhasa kasi he's not buying what you want."
"Huy excuse me din. He's not buying what I want nga pero binibigay niya naman yung atensyon niya sa'kin na siyang pinaghihirapan mong makuha!" Lihim kong kinurot yung sarili ko dahil sa sinabi.
Hindi naman talaga totoo yung sinabi ko. Hindi naman talaga ako binibigyan ng atensyon ni Mr. Sir President. Bakit niya naman ako bibigyan ng atensyon diba gayong galit siya at naiinis sa'kin? Siguro lahat ng mga ginagawa niya sa'kin dahil lang sa inis at galit niya sa'kin wala ng iba. Kaya ko lang naman sinabi yung para ma inis 'tong babaeng sarap sampalin sa harap ko.
"Delusional! Vonn loves me because he gave everything for me!"
"Talaga? Binibigay niya nga lang ang gusto mo mahal ka na agad? Bakit, sinabi niya ba? May sinabi ba siya? Kaya ka nasasaktan eh. Ang lakas mong mag assume sa mga bagay na hindi pa naman kompirmado."
Nakita ko ang galit sa mga mata niya dahil sa sinabi ko. Halatang tinamaan siya sa mga salitang pinakawalan ko. Totoo naman kasi, sinasaktan niya lang ang sarili niya dahil sa ginagawa niya.
"How dare you!" Naiiyak niyang sabi at sinugod ako ng isang sampal.
Hinawakan ko ang pisngi ko. Ramdam ko ang hapdi sa pagkakasampal niya. Nag tagis ang ngipin kong sinampal din siya pabalik sa magkabila't kanan niyang pisngi. "May lamok." Sambit ko.
"Sinadya mo 'yon! How could you!?"
"Oh galit ka kasi totoo yung sinabi ko?"
"I am not!"
"Sinungaling!"
"At least maganda!"
"Mahal ka ba?" Tinaasan ko siya ng kilay habang naka ngisi.
"O-Of course he is!"
"Kung mahal ka nga niya bakit hanggang ngayon hindi pa rin niya sinasabi sayo?"
"Vonn is not that kind of man na showy sa feelings niya that's why! He didn't do it in words, he only do it in actions." Aniya halatang naiinis na.
"Talaga ba? Paano ka nakakasigurado? Baka nag a-assume ka lang diyan ah?" Sambit ko sa pekeng concern na tono.
Tumaas ang sulok ng kanyang labi. "He needs me. I got something that he needs. Without me, he can't get it that's why I'm important to him." Pinal niyang sabi saka hinawi yung buhok niya.
Sasagot pa sana ako nung biglang bumukas yung pinto at bumungad ang isang matangkad na lalaki na may abo na mga mata at gwapong mukha. Si Mr. Sir President.
"V-Vonn..."
Kumunot yung noo ko at bumaling sa babaeng nasa tabi ko na ngayon ay parang unggoy na naluluha habang nakahawak sa pisngi. Anong ginagawa nitong babaeng 'to? Pa awa lang ganon?
"She slapped me twice... it hurts." Aniya sa basag na boses. "I was just asking her if I can help her with that sheets but she refused and told me that I'm plastic daw at inaagaw kita sa kanya..." Pumiyok yung boses niya.
Gusto kong masuka sa nakikita ngayon. Nangangati yung kamao ko na tumama sa deputa niyang mukha. Binalingan ko si Mr. Sir President na naglalakad palapit saming pwesto. Nag tama yung mata namin at wala akong nababakas na emosyon sa mukha niya.
Nung makalapit siya sa harap namin ay saka siya nagsalita habang ang tingin ay nasa akin. Yung mga titig niya ay sobrang talim na parang tumatagos sa buto ko.
"Why the heck did you do that?" He hardly asked.
YOU ARE READING
The Devil's Maid
VampireHe was ruthless and cold, feared by everyone but fearing no one. That's how they described their Don to Flory Jaine Sarmento when she started as a maid at his mansion. A week passed, yet she hadn't met him. Her curiosity grew due to the widespread f...