CHAPTER 39

19 3 0
                                    

Reize Ciel Idivane

" Why does it seem like you're thinking so deeply?" Nag aalala nyang sabi sakin.

Hindi ko sya sinagot.

"Please, talk to me... it kills me seeing you like this" Dadag pa nito.

"Akala ko kasi hindi na ulit tayo magiging ganito e" Saad ko at agad naman tumulo luha ko.

"Shh.. I will not leave you, I will always be here for you, okay?" Pag papatahan nya sakin at pinunasan yung luha ko.

Agad nya naman ako niyakap at niyakap ko ito pabalik.

Grabe ang sarap talaga pag andyan yung mag c-comfort sayo 'no yung masasabi mong nasa tamang tao kana talaga.

Namiss ko yung ganitong moments namin dalawa ni Dylan  yung masaya lang kami walang iniisip yung kami lang talaga.

" Let's buy some ice cream, my treat" yaya nya sakin at pumayag naman ako.

Lumabas na kami at bibili kami ng ice cream sakto nag c-crave pa naman ako sa ice cream ngayon.

Nagulat ako ang laki ng binili nyang ice cream tapos dalawa pa.

"Ang dami nito mauubos ba natin 'to?" Tanong ko at tumawa naman sya.

"Of course" Sagot nya sakin at bumalik na ulit kami sa bahay.

Andito na kami sa bahay at kumuha nadin ako ng spoon para makakain na kaming dalawa.

" Just eat a lot so you won't be sad again, I don't want to see you sad, okay?" Tingin nya sakin at tumango naman ako.

Kumain na kaming dalawa ni Dylan grabe sarap talaga ng cookies and cream tsaka double dutch na ice cream.

WHAT ARE WE DOING THIS FOR? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon