Months passed at mas naging normal para sa aming dalawa ni Oliver ang connection na namumuo sa amin. Madalas ay inihahatid nya ako sa bahay at minsan ay sinusundo pa, I tried to asked him kung bakit nya ako hinahatid sundo pero nginingitian nya lang ako. Naging madalas din ang pagsasama naming dalawa sa kama, mas nasanay ako at mas naging maalam sa mga dapat gawin.
He changed a lot, kung dati ay masungit at suplado ang mukha nya...ngayon ay marunong na syang ngumiti. But, the only thing he didn't change, is on how he dominated me every time we shared each other's touch and body.
He's still have the authority! At ako ay ang isang masunuring alaga na gagawin ang kahit anong iutos nya.
"Inom pa" taas ni Liam sa shot glass, kanina pa kami umiinom dito sa labas ng bahay nila. Nagaya kasi ang isang to, mukhang may problema dahil kanina pa sya tahimik at parang namamaga ang mata.
"Ayos ka lang ba?" I asked, huminto sya saglit at hindi nagsalita.
"Liam" Hans called him, at tila iyon na ang naging trigger button nya at ang malakas na iyak ay bumuhos.
"What happened?" I asked with so much worries, ngayon lang sya ganito. He never cried in front of us, pero ngayon ay damang dama ko ang sakit na nararamdaman nya.
Si Hans ay kumuha ng tubig at iniabot nya kay Liam, agad naman itong kinuha at ininom.
"Hayop sya! Matapos nyang makuha ang katawan ko, iiwan nya lang ako" basag na basag na boses nya pero ramdam ko ang galit mula rito.
Hanggang ngayon ay wala kaming alam kung sino ang kinikita nya, dahil sa tuwing tinatanong namin sya ay hindi nya sinasabi.
"Ano bang nangyari?" Hans asked
"He ghosted me" iyak ni Liam, inabutan ko sya ng tissue dahil lumalabas na ang sipon nya sa ilong.
Kahit sa pagiyak ay medyo balahura talaga sya.
"Huwag na huwag syang babalik—wala na syang babalikan sa akin" he said saka inabot sa akin ang tissue na ginamit nya.
Ay hayop! Ramdam ko pa ang pagkabasa nito, agad kong tinapon sa basurahan iyon at hindi ko na inalam pa kung anong basa ang nahawakan ko. Tangina talaga, kasalahula.
"Sino ba kasi yang Mr. Archi na pinagyayabang mo sa amin" si Hans.
Patuloy pa sya sa pagiyak, "Si Ridge" matipid na sagot nya.
What the fuck?! Gulat kaming napatingin sa kanya, nagtinginan kaming dalawa ni Hans at sabay na nagpigil ng tawa.
"Pano mo ba nalaman na ginhost ka nya?" tanong ko.
"Hindi sya nag reply sa text ko" umiyak pa sya ng malakas.
Muntik ng lumabas ang malakas kong tawa, nakakaawa naman kasi talaga ang isang ito pero napaka liit na bagay ng iniiyak nya. "Kailan ka ba nag text?" tanong ko naman dahil baka isang buwan na syang hindi nirereplyan.
"Tatlong oras" doon lumagapak ang malakas na tawanan naming dalawa ni Hans, binatukan nya si Liam.
"Ang oa mo, baka busy lang yung tao" si Hans saka uminon ng isang shot.
Mabilis lang din naman bumalik ang sigla ni Liam, mas lalo kaming napuno ng tawanan ng mag reply na ang Archi boy nya.
Siraulo talaga ang isang to! Napadukot din ako sa phone ko ng mag ring din ito, nang tingnan ko ay tumatawag si Oliver kaya nagpaalam muna ako sa kanila para sagutin iyon.
"Hmmm" sagot ko, I heard some voices sa background....narinig ko pa ang boses ni Ridge.
"Nasan ka?" he asked, medyo malumanay ang boses nya.
YOU ARE READING
No Strings Attached
RomanceLucasxOliver Two men find solace in each other's touch, their relationship purely physical and free of emotional ties. As they navigate their secret arrangement, boundaries blur and unexpected feelings stir. Can they keep their connection strictly c...