13

205 6 0
                                    

Trigger Warning: This content includes discussions of sexual harassment and contains explicit language. Viewer discretion is advised.

************************

---

The hotel bar was a cozy haven, a warmly lit space tucked away from the bustling lobby. The rich wooden furnishings and soft, ambient lighting created an inviting atmosphere, perfect for unwinding after a long day.

We seated around a large, circular table near the back of the bar. The low hum of conversation and the clinking of glasses added to the relaxed ambiance. Lahat naman kami ay umiinom kaya goods lang kami dito.

Hindi ako makatingin kay Oliver dahil na didistract ako sa suot nyang polo na naka open button ang lahat, at mayabang na binabalandra ang kanyang malaking katawan.

"Do I look hot tonight?" he asked

"Oo-este hindi ah. Pake ko sa abs mo" sabi ko saka bumaling ng tingin sa ibang direksyon.

"You're making me horny" bulong nya na ikinagulat ko.

"Ilugar mo naman 'yang libog mo" pagbabawal ko sa kanya.

They ordered one bucket of beer while ang order nila sa amin ay cocktail drinks.

"Ano tingin nyo sa amin, baby?" reklamo ni Liam habang hawak hawak ang cocktail glass nya na may maliit na payong pa, ang akin naman ay may lemon.

"Oo! Baby namin bakit?" banat naman ni Ridge tapos ay nag fist bomb pa silang tatlo. Samantalang namula naman kaming tatlo, parang timang naman kasi eh.

Maraming tao sa loob ng bar, ang ilan ay sumasayaw sa dance floor habang umiinom. Dumapo ang tingin ko sa grupo ng mga lalaki sa isang table na nakatingin sa akin, hindi ko alam pero nasa akin talaga ang titig nila.

I feel bothered by their stares, ilang minuto ata silang patingin ng tingin sa akin-habang ang mga kasama ko ay nag eenjoy, ako naman ay hindi mapakali. Nakahawak si Oliver sa kamay ko habang hinihimas himas ito.

"Cr lang ako" paalam ko sa kanya, lumingon sya sa akin ng tumayo ako.

"Samahan na kita" he said in very tipsy voice, kanina pa kasi sya umiinom kaya medyo lasing na sya.

"Hindi na! Dito ka na lang, kaya ko naman" tanggi ko saka naglakad papunta sa cr.

Walang tao sa cr ng pumasok ako, sa cubicle ako pumasok dahil hindi ako komportable na umihi sa urinals. Habang umiihi ako ay may narinig akong pumasok sa loob, hindi ko ito pinansin at nagpatuloy lang sa pagbabawas.

Nararamdaman kong papalapit sa cubicle kung nasaan ako ang mga yapak nito, may kabang pumasok sa dibdib ko. Hindi agad ako kumilos at nag flash para malaman nyang may tao dito.

"Pabukas" kumatok na sya sa pinto, buti na lang ay nakalock ang pinto ng cubicle kaya hindi nya nabuksan kahit tinatangka pa nya.

Ang kaba at takot ay bumugso sa dibdib ko, hawak ko ang lock ng pinto, pilit nyang binubuksan ang pinto.

"Maguusap lang tayo, pabukas naman oh" sabi pa nito na sa tingin ko ay lasing na talaga.

Niyuyugyog nya ang pinto, gamit ang nanginginig kong kamay dinukot ang phone ko sa bulsa. I tried to dial Oliver's number pero nabitawan ko ang phone ko, kapag binitawan ko ang pagkakahawak ko sa handle ng pinto ay mabubuksan na nya.

Ginamit ko ang paa ko para mailapit sa akin ang phone, nang tagumpay ko itong makuha ay tinawagan ko si Oliver.

"Hmmm"

"Help" iyon na lang ang nasabi ko bago namatay bigla ang tawag, tagumpay nyang nabuksan ang pinto dahilan para mapaupo ako sa sahig.

Umatras ako hanggang sa pader na ang nararamdaman ko, ang lalaki ay ngayon nakangiti sa akin, sya ang kanina pa nakatingin sa akin.

"Maguusap lang naman tayo" sabi nya saka pumasok sa loob, sinubukan kong sipain sya pero naiwasan nya lang ito.

Nagulat ako sa sunod nyang ginawa, he unhooked his pants-pero hindi pa man nya natatapos ay ng bigla syang mabuwal sa sahig.

"Tangina mo" rinig ko ang boses ni Oliver mula sa labas, may mga naririnig akong suntok at ang galit na boses ni Oliver.

"Bro, tumawag na ako ng security. Tama na 'yan" rinig ko ang boses ni Ridge.

Nanatili akong nakaupo roon hanggang sa bumungad sa akin ang nagaalalang mukha nila Hans at Liam. Agad nila akong dinaluhan at tinulungan tumayo, nang makalabas ako ng cubicle ay nanginginig pa rin ako. Naabutan ko si Oliver na ngayon ay hawak ni Ridge at pinipigilan na sugurin ang lalaking nagtangkang mang harass sa akin kanina.

Basag ang labi nya at maga ang mukha, sa lakas ng nga suntok na narinig ko kanina ay malamang na si Oliver ang may gawa non. Parepareho ang mga itsura nilang tatlo, si Ryker, Ridge at Oliver na masama ang tingin sa lalaki.

"Gago ka! Mali ka ng binastos, hayop ka" sigaw ni Oliver, "Bitawan mo ako Ridge, nagpupumiglas pa sya pero sadyang mahigpit ang hawak sa kanya ni Ridge.

Maya-maya lang ay dumating na ang security at dinampot na ang lalaki kanina, nang bumalik ang tingin ni Oliver sa akin ay ang kaninang makakapatay nyang titig ay biglang lumambot, tumakbo sya sa akin saka ako hinigit ng yakap.

---

"Gagong 'yon, kung hindi lang talaga sya napuruhan ni Oliver kanina. Makakatikim din sa akin iyon" galit na sabi ni Hans, nakasandal sya sa pader ng kwarto habang malalim na nagiisip.

"Tarantado talaga' yon, dapat ay sinabi mo na agad samin kanina na may gagong tumitingin sayo para naupakan na agad" si Liam na mas galit pa sa aming lahat.

Hindi ako nagsasalita at sinusubukang iproseso ang mga nangyayari.

"Ayos naman na ako, hindi naman ako nasaktan" sabi ko para gumaan ang loob nila.

"Pero kahit na, tangina pa rin niya. Dapat syang mabulok sa kulungan" si Liam.

Gusto kong matawa pero hindi ito ang magandang oras para doon, kahit malalambot pa kami sa babae ay kapag may isa sa aming nabastos ay talagang lumalabas ang pagiging barako ng isa't isa.

Nakarinig kami ng sunod-sunod na pagkatok, tumingin muna sa akin si Liam saka ako tumango at sumenyas sa kanya na buksan ang pinto.

Pumasok silang tatlo, ang mga mukha nila ay puno ng pag aalala, lumapit sa akin si Oliver saka hinawakan ang dalawa kong kamay.

"Pinapatawag tayo sa prisinto, kailangan daw ng statement mo" malumanay na sabi nya, "Gusto mo bang pumunta? Ayos lang naman kung hindi, we can record your statement para hindi mo na makita yung hayo-lalaking iyon" he assured me and smile.

"Ayos lang" tumango ako sa kanya saka binigyan sya ng maliit na ngiti.

"Sigurado ka ba?" tanong pa nya kaya muli akong tumango.

"Gago talaga 'yon, dapat pala talaga binitawan kita kanina para napuruhan mo ang hayop" si Ridge

"Dapat mamaga ang mukha bago makulong, para magising sya sa katarantaduhan nya" singit naman ni Ryker na ngayon ay nakasandal kay Hans.

Natanaw ko ang pagsenyas ni Liam sa kanila kaya napatingin silang lahat sa akin saka tumahimik.

Napabuntong hininga ako, hindi ganito ang inaakala kong bubungad sa akin sa bakasyon kong 'to.

No Strings Attached Where stories live. Discover now