23

193 3 0
                                    

Mabilis akong bumangon ng magising ako, hindi pa man ako tuluyang gising ay agad ko ng inabot ang phone ko. I checked if he already replied to my texts.

Pero ganon na lang ang panlulumo ko ng makitang wala...at ang nakapagpa kirot sa puso ko ay ng makitang iniwan nya lang ako on read.

Nabasa naman nya pero hindi sya nagreply, I feel a sudden pang of pain but I manage to smiled bitterly. Baka naman kakabasa nya lang o kaya naman ay nakalimutan nya lang mag reply.

Pero hindi ganon si Oliver, kahit hating gabi na ay magrereply 'yon, minsan pa nga ay tatawag pa sya. Pero may problema sya kahapon, baka naman hanggang ngayon ay inaayos nya pa. Magkikita naman kami sa school mamaya, doon ko na lang sya kakausapin.

"Wala pa eh" bumagsak ang balikat ko ng hindi pa sya pumapasok. I asked my classmates pero hindi pa raw nila nakikita.

Naupo na lang ako sa pwesto ko katabi ang bakanteng upuan nya, kahit nagsisimula na ang klase ay hindi ko maiwasang mapatingin sa pinto at baka bigla syang pumasok.

Maybe he's just late. Hindi siguro nagising ng maaga. First class pa lang naman, nagsulat ako ng mga diniscuss ng prof namin at bibigay ko sa kanya para makahabol sya.

Pero dumaan ang second, third at maging ang lunch break ay hindi nagpakita si Oliver. Nawalan na ako ng gana, nag message na lang ako sa gc namin na hindi muna ako pupunta.

"Actually, wala kaming update sa kanya ngayon" si Ryker, hinarang ko kasi sila ni Ridge na mukhang papunta sa library.

"I called him earlier, pero cannot be reach yung phone nya" si Ridge, "Why? May nangyari ba?" he asked.

"Hindi na kasi sya bumalik sa date namin kahapon, hindi din nagrereply sa mga text ko simula pa kagabi tapos hindi pa sya pumasok sa klase namin"

Nagpalitan sila ng makahulugang tingin, timapik ni Ryker ang braso ko, "Don't overthink too much. Oliver loves you okay, he'll contact you soon kapag ayos na ang lahat" sabi niya pero napansin ko ang ginawang pagsiko ni Ridge sa kanya.

"Anong ibig nyong sabihin?" I asked

"Wala naman, just trust him" sagot nito, "Una na muna kami" paalam nila saka ako nilagpasan.

Lucas
: Hindi ka pumasok? I'll send you the notes na lang para hindi ma malate sa discussion. Malapit na ang final exam.

                                    ———

Akala ko ay isang araw lang syang mawawala, pero umabot na ng isang linggo ay wala pa rin syang paramdam sa akin. Kahit ang mga kaibigan nya ay wala din daw alam.

Sobra na akong nagaalala sa kanya, gusto ko syang puntahan sa kanila pero hindi ko naman alam ang bahay nila.

"Uhmmm—much better siguro Lucas kung hintayin mo na lang sya" si Ryker, tinanong ko kasi sa kanila kung saan ang bahay ni Oliver pero pinigilan lang nila ako.

"May tinatago kayo!" sabi ko, nang magtinginan silang dalawa ay alam ko na may mali ng nangyayari.

"Kung ayaw nyong sabihin, ako mismo ang maghahanap" sabi ko saka umalis sa harapan nila. I heard them calling me pero hindi ko na sila nilingon.

"Lucas" nakita ko sila Liam na papalapit sa akin pero sumenyas lang ako na may pupuntahan pa ako.

They are hiding something from me! Hindi ako mapapakali kapag hindi ko nakita si Oliver, kahit makita ko lang sya. Malaman ko lang na ayos sya ay magiging panatag na ako. Pero bakit parang pinagdadamot pa nila sa akin, mamamatay na ako sa sobrang pagaalala dito.

Nasabi sa akin ni Oliver na may malayong pinsan daw sya na first year kaya agad akong nagpunta sa may department na sinabi nya para makausap. I know his face dahil ilang beses ko na din syang nakita, I waited sa labas ng building dahil bawal pumasok ang mga ibang year sa building ng mga lower years.

May mga students pa na tumitingin sa akin, siguro ay nagtataka kung ano ang ginagawa ko sa building nila. Nang makita ko na sya ay agad akong lumapit dito, humarang ako sa kanya kaya nagulat ito pero agad din namang napalitan ng inis.

"What?" sabi nito na may kaunting inis pa sa boses.

Hindi talaga ako nagtataka na pinsan ito ni Oliver dahil ganito din ka kasungit dati.

"Kailangan ko ang tulong mo" sabi ko na ikinakunot ng noo niya.

"Tell me what is it? May class pa ako" napaka suplado, kung wala lang ako kailangan sayo kanina pa kita sinapak.

"I need Oliver's address"

Natawa sya ng bahagya, "You didn't know your boyfriends address?" aba at talagang inuna pa nya tumawa.

Gusto ko syang samaan ng tingin pero hindi ko ginawa, baka sa halip na matulungan ako nito ay hindi pa.

"May sakit daw kasi sya, dadalawin ko lang sana" pagdadahilan ko pero muli lang syang tumawa.

"I'm not dumb sir, Oliver ditched you right?" he asked me with a smirked in his face.

Bwisit ka ah! Ganyan ka makipagusap sa senior mo. First year ka pa lang.

"What do you mean?" I asked

"May gulo sa bahay nila ngayon, I doubt na makikita mo don si Oliver. Balita ko ay nakabuntis sya"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig, hindi ako makapagsalita. He just smiled, tila nagugustuhan nya pa ang nagiging reaksyon ko. Nakabuntis? Totoo ba?

"Kung hindi ka naniniwala sa akin, ito ang adress nya" kinuha nya ang braso ko saka sinulat doon ang isang adress.

"You better be brave enough to faced your boyfriend, dahil malaking rebelasyon ang masasaksihan mo" natatawang sabi nya saka ako nilagpasan at naglakad paalis

Naiwan akong magisa doon, nakatitig sa braso ko. Nagdadalawang isip ako kung dapat ko bang puntahan sya o huwag na lang at hintayin na lang sya.

No, nagsisinungaling lang naman sya diba? Hindi totoong nakabuntis si Oliver. Hindi nya magagawa sakin 'yon.

Lumabas ako ng campus saka pumara ng taxi, dapat ay may dalawa pa akong klase pero hindi na ako sumipot. Habang nasa loob ako ng taxi ay hindi ako mapakali sa sobrang kaba.

Binaba ako ng driver sa harap ng napakalaking bahay, hindi na ako nagtaka dahil sikat na engineer ang Dad nya kaya ganito ang bahay nila.

May dalawang guard sa labas kaya agad akong lumapit sa kanila, agad naman silang humarang sa akin.

"Anong sadya nila?" tanong ng isa sa kanila.

"Andyan po ba si Oliver?" tanong ko, nag tingnan ang dalawa.

"Bakit? Anong kailangan mo kay sir Oliver?" tanong na naman ng isa sa kanila.

"Kailangan ko lang po syang makausap" sagot ko saka patingkatingkayad para makita kung nandon sya sa loob.

"Kaano ano mo ba siya?" tanong na naman

Napahinto ako, hindi ko alam kung paano ko sasagutin pero tinapangan ko na ang hiya ko, "Manliligaw ko po sya" doon bumagsak ang malakas na tawanan ng dalawang guard.

"Bakla ka, ang gwapo mo pa naman. Pero bakla, hindi kami nakikipagbiruan dito. Paano ka naman liligawan ni sir?" natatawang paginsulto nya sa akin.

Pinigilan ko ang nagbabadyang luha sa mata ko lalo na at nararamdaman ko ang paginit ng mata ko.

"Umalis ka na" pagtataboy nya sa akin pero pinipilit ko pa rin.

Kailangan kong makausap si Oliver, sya lang ang makakasagot ng mga tanong ko.

"Hayaan nyo" may nagsalitang boses ng babae mula sa loob, agad nilang pinagbuksan ng gate.

Lumabas ang isang magandang babae, nakasuot sya ng puting dress. Sobrang ganda nya, pero halatang maldita dahil sa kung papano nya ako tingnan.

"Ma'am Zol, nanggugulo po ang isang 'to, sinasabi pa nya na nanliligaw daw po si Sir Oliver sa kanya" sumbong ng isang guard.

Bahagyang natawa ang babae saka tumingin muli sa akin mula itaas pababa. "So ikaw pala ang dahilan ng lahat ng kaguluhan dito sa mansyon" sabi nito, bumaba sya ng isang hagdan mula sa gate.

"I'm Zolani Clare, Oliver's fiancé" pakilala nya

No Strings Attached Where stories live. Discover now