*******"Sige na, sumama ka na" pamimilit sa akin ni Liam, mag beach daw kasi sila ng boyfriend nya kaya inaaya ako.
"Sumama na nga si Hans oh, para may kasama naman sya," turo nya kay Hans na busy sa phone nya.
"Sige ka magiging third wheel yan"
Aba! Gago to, ako pa tinakot nya. Pero sa huli ay napapayag nya din ako. One week na lang bago ako umalis at bumalik sa Pinas. Nalulungkot ako dahil hindi man lang makakapag celebrate ng Christmas kasama si Mommy.
Bukas na raw agad ang alis namin, one day and one nigth lang ako don dahil nangako ako kay Mommy na sasamahan ko sya hanggang sa araw ng pagalis ko. Naawa na kasi ako sa kanya, ayaw na ayaw nya akong umalis.
"Sagot naman namin lahat" pag aalo pa niya.
Kahit ako pa sumagot, kaya ko naman.
"Promise Mommy, after this trip sasamahan na kita dito hanghang sa flight ko" sabi ko sa kanya dahil nag tatantrums na naman sya at ayaw akong pakawalan.
"Yang si Liam ah, inaagaw ka na sakin" nagtatampo na naman sya kay Liam, "Ginagawa ka pang third wheel" para nyang batang sabi.
Ayan Mommy, pagalitan mo ang gagang 'yon dahil lagi akong ginagawang third wheel sa kanila. Palibhasa sa aming tatlo ay sila lang ang nagka happy ending.
"Sige na Ma, aalis na ako" paalam ko dahil narinig ko ng may bumusina sa labas.
Ganon lang talaga si Mommy, pero hindi naman nya talaga ako pipigilan...nagpapa lambing.
Simula ng bumalik ako rito sa Pilipinas ay nagdadalawang isip na talaga ako kung babalik pa ako sa Canada. Si Mommy kasi ay naawa na ako, gusto nya na talaga akong makasama.
"Hoy ano! Disney princess ka na naman,"reklamo ni Liam habang nakadungaw sa bintana ng van.
"Gaga si Mommy kasi ayaw ako pakawalan" paliwanag ko saka nilagay ang bag ko sa loob at pumasok na.
"Si Tita talaga, tumatanda na. Hanapan mo na kaya ng Daddy" biro nya,
"Puro ka kalokohan," singit ni Hans saka nilagay sa ulo ang headphones nya.
"By the way, may kasama pala tayong iba" mahinang sabi ni Ridge na syang nagmamaneho.
Kaming dalawa ni Liam ay napatingin sa kanya, "Uhmm, please don't get mad. Hindi ko lang matiis ang pamangkin ko" he said apologetically.
"Ayos lang, pamangkin mo lang pala eh" sabi ko pero napailing lang sya.
"DADDY!!" masayang tawag sa akin ni Ishi ng makababa kami sa van.
"Daddy?" singhal nilang lahat
Andito na kami sa beach na pag stay namin, ako si Liam at si Hans ay gulat ang mga mukha. Sabay kaming nagbaling ng tingin kay Ridge na ngayon ay hindi makatingin sa amin.
"I told you guys, hindi ko matiis ang pamangkin ko" sabi nito saka kinarga si Ishi.
"Hello Daddy" kaway nya sa akin
Kahit hindi magsalita ang mga kaibigan ko ay alam kong pinapatay na nila ako sa mga titig nila.
I'm doomed! That's for real. Sana pala ay nag stay na lang ako sa bahay at sinamahan si Mommy.
Nang bumaba si Ishi kay Ridge ay tumakbo sya sa akin, kaya ngumiti ako sa kanya.
"Look po Daddy, Dada is here" turo nya kay Oliver na ngayon ay mukhang naguguluhan din.
![](https://img.wattpad.com/cover/372834396-288-k580678.jpg)
YOU ARE READING
No Strings Attached
RomanceLucasxOliver Two men find solace in each other's touch, their relationship purely physical and free of emotional ties. As they navigate their secret arrangement, boundaries blur and unexpected feelings stir. Can they keep their connection strictly c...