"What do you want for breakfast?" he asked, nakahiga pa rin sya samantalang ako ay nakaligo na. "I'll order" he said still with his sleepy eyes.
"Sa campus na lang tayo kumain, ma lalate pa tayo" sagot ko habang inaayos ang ang sinturon ng pants ko. "Bumangon ka na dyan, we have first class" paalala ko sa kanya.
Bumangon sya saka dumiretso sa banyo, hindi naman sya gaanong matagal at lumabas din sya habang ang towel ay nakasampay sa balikat nya.
"One round?" he teased
"Gago! Manahimik ka na nga" he just laughed and wear his clothes.
Ang marumi kong damit ay nilagay ko sa disposable bag, doon ko na lang sa kotse nya ilalagay dahil ihahatid naman daw nya ako mamaya.
"Tara na!" sabi ko saka sinukbit ang bag, tumunog ang phone ko kaya agad ko itong kinuha.
Liam
: Nako may nakipag boombayah na naman!Hans
: Hindi umuwi kagabi sa bahay nila. Somethings fishy!Liam
: Baka hininga mo lang yung fishy.Hans
: K.Lucas
: Papasok na ako :)Liam
: Iika ika yan for sure, kalandi mo Ishilo.Pinangaasar nya talaga anf second name ko, ayoko kasi ng name na iyon. Hindi ko alam kung bakit pinangalan sa akin ni Mommy yon.
"Let's go!" binaba ko na ang phone ko ng matapos si Oliver na magbihis, nag checkout lang kami bago lumabas ng hotel. Kilala na ata kami ng employee dito dahil napapadalas ang pagpunta namin dito.
"Let's drive thru na lang muna" sabi nya kaya tumango ako, he was driving at ako ay nasa tabi lang nya. Dumaan kami sa isang fast food chain saka nag drive thru, naging mabilis lang ito.
"Kumain ka muna habang nag didrive pa ako" inabot nya sa akin ang isang paper bag, kinuha ko iyon saka binuksan. Amoy pa lang ng paper bag ay nakakagutom na, una kong kinuha ang burger saka ito masayang binuksan.
Sobrang oa ko siguro nang mapapikit pa ako sa unang pagkagat ko, favorite ko talaga ito dahil bata pa lang ako ay ito na ang madalas pasalubong sa akin ni mama. Nang lumingon ako sa kanya ay nakangiti lang ito habang nag didrive at hindi sya kumakain.
"Hindi ka kakain?" tanong ko
"I'm driving" simpleng sagot nya.
Kakagat pa sana ako kaso ay may naisip akong paraan para makakain sya, sigurado kasi akong wala pang laman ang tiyan nya at kanina pa sya hindi kumakain. Napatingin sya sa akin ng ilapit ko sa bibig nya ang burger na kinakain ko, nagpalipat lipat ang tingin nya sa akin at sa burger.
Sana lang ay hindi sya laway conscious!
"Sige na, para makakain ka" inalok ko muli sa kanya.
Ngumiti sya saka malagkit na tumitig sa akin bago kumagat sa hawak ko, napalunok ako dahil kumabog bigla ang puso ko dahil sa mga titig nya. Agad din naman nyang ibinalik ang atensyon sa daan dahil baka maaksidente pa kami.
"Buti hindi ka laway conscious" sabi ko saka muling kumagat.
"I'm conscious when it comes to that" gulat akong napatingin sa kanya.
"Eh bakit kumagat ka pa, maarte ka naman pala sa laway" sabi ko saka umirap sa ere bago ubusin ang burger ko.
"Laway mo lang ang gusto ko!" he smiled playfully, "Ilang beses ko ng natikman yang labi mo, kaya bakit ako magiging maarte pagdating sayo" natatawa pa rin sya habang nagmamaneho.
YOU ARE READING
No Strings Attached
RomanceLucasxOliver Two men find solace in each other's touch, their relationship purely physical and free of emotional ties. As they navigate their secret arrangement, boundaries blur and unexpected feelings stir. Can they keep their connection strictly c...