18

226 8 0
                                    

"Oliver, may sasabihin sana ako" nahihiyang sabi ko sa kanya, nasa beach kami ngayon dahil last day na ng Palawan trip namin.

Nakaupo kami sa buhangin habang ang mga kasama namin ay masayang naglalangoy, nakaakbay sya sa akin.

"Hmmm. Ano 'yon?" he asked

Bigla ko kasing naalala ang sinabi ni Mommy, na gusto nyang makilala si Oliver.

Fuck! Mahirap pala ito kaysa sa napagpractisan kong pagsabi sa kanya. What if hindi sya pumayag? What if tumanggi sya at magalit pa sa akin. Pero hindi naman ganon si Oliver, never syang nagalit sa akin.

"Nung time kasi na inihatid mo ako sa bahay....nakita ka kasi ni Mommy" pagumpisa ko, lumingon sya sa akin at hinihintay ang sunod kong sasabihin.

"G-Gusto ka kasi nya makilala" nauutal pa ang pagkakasabi ko non.

"Talaga? I would love to meet your mother! Kailan ba?" nakangiting sabi nya, kahit papano ay nabawasan ang kaba ko pero hindi ko pa nasasabi ang tunay kong pakay.

Bumuntong hininga ako, "Pero kasi—"

He looked at me with confusion kung bakit nagaalangan pa ako. "Napakilala kita bilang....b-boyfreind ko" umiwas ako ng tingin dahil baka magalit sya sa akin.

Pero....he just laughed.

"That sounds good" nagulat akong nagbaling sa kanya, may malawak na ngiti sa labi nito.

"Hindi ka galit?" paguusisa ko pa pero umiling lang sya.

He patted me in my head and tap the tip of my nose, "Why would i? I want to be your boyfriend too" he said seriously.

"Ha?" naguguluhan ako

Anong I want to be your boyfriend sinasabi niya.

"Just kidding" he awkwardly laughed, kaya tumawa na lang din ako.

Tama! Bakit naman nya seseryosohin iyon, ayos lang talaga sa kanya na ipakilala ko sya kay Mommy na boyfriend dahil hindi issue sa kanya iyon.

No other meaning.

       
                                   ———

"Napakadami mo naman regalo" puna ko sa kanya dahil dalawang kamay nya ay may hawak na mga paper bags.

After ng palawan trip namin ay isang linggo lang ang pinalagpas ko bago ko sinabing ipapakilala ko na sya kay Mommy.

"Syempre, hindi ko alam kung ano ang gusto ng Mommy mo kaya marami na akong binili para sa kanya" sagot naman nya.

Dapat ay kanina pa kami nakarating sa bahay pero dahil sa pagiging praning ng kasama ko ay nagtagal pa kami sa mall. Naglakad na ako papasok pero lumingon ako pabalik ng maramdaman kong hindi sya sumunod sa akin.

"Ano? Tatayo ka lang dyan?" sumenyas pa ako sa kanya na sumunod sya.

I handed some of the paper bags dahil nahihirapan na ata sya, "I'm nervous" bulong nya pa.

"Don't be! Makakalabas ka pa naman ng buhay" natatawang biro ko sa kanya kaya sinamaan nya ako ng tingin. "Dyan ka lang sa likod, ako bahala sayo" saka kami pumasok.

I already saw Mommy doing some stuff in the kitchen, lumingon sya ng tawagin ko sya. Imbis na sa akin ang tingin nya ay dumiretso ang mata nya sa likod ko, narinig ko pang bumulong si Oliver pero hindi ko na ito maintindihan.

Mom walked towards us, pati ako ay kinabahan dahil seryoso ang mukha ni Mommy. Galit kaya sya? Baka hindi nya gusto si Oliver? Ang kaba ng nasa likod ko ay parang lumipat sa akin.

Hindi kaya sasabihin nyang bibigyan nya ng sampung milyon para lang layuan ako.

Pero....ng lagpasan nya ako ay nakangiti sya.

"You must be the boyfriend?" Mom asked Oliver, tumingin sya sa akin kaya ngumiti ako sa kanya.

"O-Opo, magandang tanghali po. I'm Oliver—boyfriend po ng anak nyo" pakilala nya

Naginit ang pisngi ko ng marinig 'yon mula sa kanya. He was confident, I can see with his eyes.

"Para po sa inyo" inabot nya ang mga paper bags na hawak nya, nagulat si Mommy dahil sobrang dami non.

"Para din po sa inyo iyon" turo nya sa mga hawak ko, napatingin sa akin si Mommy pero nagkibit balikat lang ako sa kanya.

Nakalimutan kong sabihin na hindi materialistic na tao si Mommy.

Not my fault! Si Oliver ang nagpumilit sa akin.

"Ang dami naman nito Oliver" nahihiya pa si Mommy pero kinuha din naman nya sa huli.

Bago pa kami mabaon sa kinatatayuan namin ay naupo na kami muna sa living room, naghahanda pa raw kasi si Mommy nh lunch kaya nandon muna kami tumambay.

"Your Mom is so cool" he said

He looked so calmed now! Nawala na ang kaba nya. Nahampas ko pa ang kamay nya ng bigla nyang hawakan ang kamay ko.

"Shhhh, makita tayo ni Mommy" saway ko sa kanya

He just laugh, "We're boyfriends, remember?" he said sarcastically saka tumawa.

"What if mag over night ako rito?" he suggest.

Umiling ako, "Hindi pwede, hindi papayag si Mommy" sagot ko.

"Same course pala kayo ni Lucas?" tanong ni Mommy, nakaupo na kami sa lamesa at magkatabi kaming dalawa ni Oliver habang si Mommy naman ay nasa gilid ko.

"Ah opo, sa ibang school po ako nagaaral dati pero lumipat po ako sa school ni Lucas" sagot nya.

Oo nga pala! Hindi ko natanong sa kanya kung bakit sya lumipat sa school namin. Mukhang nabasa ata ni Mommy ang nasa isip ko kaya nagsalita sya ulit. "Bakit ka naman lumipat?" tanong ni Mommy saka ngumiti sa akin.

It takes some seconds bago makasagot si Oliver, "Gusto ko po kasi magkasama kaming dalawa ni Lucas kaya nagpalipat po ako ng school"

Mom smiled with so much satisfaction. Mom and Lucas really feed all my delusions.

"May balak ka bang pakasalan ang anak ko?" nabulunan ako sa tanong ni Mommy, inabutan nya ako ng tubig kaya ininom ko ito agad.

Tumingi ako sa kanya saka sya pinanliitan ng mata, "Ma" pagbawal ko sa kanya.

Kasal agad? College pa nga lang ako, kasalan na agad ang usapan.

Oliver held my hand, hindi ito kita ni Mommy dahil nasa ilalim ng lamesa ang kamay naming dalawa. "Opo, pakakasalan ko po ang anak nyo" seryoso nyang sagot na ikinatango ni Mommy.

Nang titigan ko sya ay may kakaibang ningning sa mata nya, nakangiti rin ito. In that moment, parang lahat ay huminto...tanging sya at ako lang ang gumagalaw sa lahat. Kung hindi pa umubo si Mommy ay hindi ako mababalik sa wisyo.

"Buti naman kung ganon...mahal na mahal mo siguro si Lucas" banat na naman ni Mommy.

Talagang makulit sya, sinabihan ko na sya kahapon pa na huwag syang magtanong ng kung ano-ano kay Oliver.

Pero, tumingin ako sa katabi ko habang hinihintay ang sagot.

Please, don't say it! Huwag mong sabihin.

"Sobra po" sagot nya na mas lalong nakapagpa kawala ng puso ko.

Sabi ko huwag diba! Bakit mo pa rin sinabi, pero parang wala lang sa kanya iyon dahil malawak pa rin ang ngiti nya. Nang bumaling sya sa akin ay mas lumawak ang kinang sa mata nya.

"Sobrang mahal ko po si Lucas" dagdag pa nya.

No! He's just acting rigth? Umaarte lang sya dahil aksidente ko syang napakilalang nobyo, he's just helping me to get rid on this. Hindi totoo ang lahat ng 'to, he's just playing around.

Pero bakit may parte sa akin na......sana totoo.

No Strings Attached Where stories live. Discover now