27

208 7 0
                                    

He smiled at me, "Hey Lucas! It's been a while" Ridge greeted me.

Tumingin ako kay Liam pero ngumiti lang sya sa akin, "Ridge" I called him.

"Dumaan lang kami para ibigay 'to" si Liam sabay abot sa akin ng isang paper bag.

"I was wondering if ayos lang sayo na kasama ko si Ridge" he said

Honestly, I was shocked. I'm not prepared by this sudden meet up. Pero ayos lang naman talaga, I already moved on...past is past na nga diba.

"Ano ka ba. Balak ko nga din talaga mag reach out bago ako bumalik ng Canada" sabi ko saka bahagyang tumawa.

Ridge face change, "Babalik ka? I mean you're not staying here for good?" he asked

Tumango ako saka sila inayang maupo, "Oo, one month lang ako rito sa Pinas"

"Talaga? Kamusta naman? It's been 5 years i guess, you look so different now" sabi pa nito.

He look different too, kung dati ay matikas na ang dating nya...ngayon ay mas naging build ang katawan nito. In terms of looks naman ay talagang gumwapo sya lalo.

Kaya naman pala laging blooming si Liam.

"Uhmm—Lucas, about what happened years ago–"

"It's okay, " I cut him off, "It's really fine, I already moved on. Tapos na 'yon" sabi ko saka sya nginitian.

"You moved on?" he asked, tila hindi pa makapaniwala.

"Yup, and I'm doing good now" I replied, saka humigop sa drinks ko.

"Oh I see" marahan syang tumango, "I guess he's late" bulong pa nya.

"Huh?"

Nataranta syang tumingin kay Liam, "I mean we're late, kaya mauuna na kami. It's nice to see you Lucas, let's meet again some other time" sabi nito saka na sila naglakad palayo.

Ang kamay ni Liam ay nakasabit pa sa braso ni Ridge, ang hayop na yon ay talagang sinasadyang inggitin pa ako. Nang maubos ko na ang order ko ay nagbayad na muna ako bago lumabas, namasyal at naglibot muna ako. Nang mapadaan ako sa playground ng mga bata ay may nakita akong isang bata na nakatingin lang sa labas.

Tinitigan ko lang sya, mukhang gusto nya ring pumasok sa loob at makipaglaro pero nakatayo lang sya sa labas.

Nasan ba ang mga magulang nito? Bakit hinahayaan lang sya magisa. Paano kung mawala 'to dito, sa dami ng tao ay baka may bigla na lang dumampot sa kanya. Kaya hindi ko na natiis at lumapit na ako sa kanya.

"Hello" masayang bati ko sa kanya, nang magtaas sya ng tingin sa akin ay namangha ako sa sobrang cute nya.

Lalo na ng ngumiti ito na halos mawala na ang mga mata, "Hello po,"

Awww! He's so adorable. Pwede ko bang angkinin na lang 'to.

"Bakit ka magisa dito? Where's your parents?" lumuhod ako para pantayan sya.

He had a blue eyes, kahit bata pa lang sya ay kitang kita na ito. Ang dalawang kamay nya ay nakapamulsa sa dalawa nyang pockets.

"I don't know po! Nawawala po ako" he said sadly, nakita kong paiyak na sya kaya agad kong tinapik ang likod nya para kumalma sya.

"Don't worry! I'll help you okay" sabi ko saka sya nginitian, nawala ang lungkot sa mukha nya.

"Dada gave me his number, para daw po kapag may accident" sabi nya, "Wait lang po," sabi nito saka may kinuha sa bagpack nyang spiderman.

Nang inabot nya sa akin ang isang papel na may nakasulat na number, kinuha ko ang phone ko saka ako nag dial ng number. It takes some minutes bago may sumagot sa kabilang linya.

No Strings Attached Where stories live. Discover now