25

202 5 0
                                    

I was starting at the screen in my phone. I saw Zolani's post, naka tag si Oliver kaya nakita ko. Picture iyon ng ultrasound niya, kasama doon ay si Oliver na nakahawak sa tiyan ni Zolani habang nakatitig sa monitor.

His eyes sparkled, I can see it. Tinititigan ko na lang ang lalaking nangakong mamahalin ako, na gagawin nya ang lahat para maging masaya ako.

But he lied! Kailangan nya lang pala ako, pero hindi mahal. Ginamit nya lang ako para itapon na kapag hindi na nya kailangan.

Sa huling pagkakataon ay tinitigan ko ang pictures nya, bago ko pinindot ang unfriend at blocked button. I did the same thing sa ig nya. Malinaw naman sa akin ang gusto nya, nung una ay siguro gusto ko pang magmakaawa sa kanya, pero hindi naman ako tanga. Marunong akong umintindi, kung ayaw na nya ay ayaw na.

He is always the authority, and I'm the one who obey him....and for the last time, I'll obey him again.

Masakit sa akin, sobra. Pero anong magagawa ko, anong laban ko. May anak sila, magkakapamilya na sya. Kahit gaano ko ka gustong lumuhod sa harap nya at magmakaawa hanggang sa tanggapin nya ako ay hindi ko ginawa.

Para sa anak nya.

Wala din pala syang pinagkaiba kay Dad, pareho lang pala sila. Ang dalawang lalaking minahal ko ay pareho lang akong niloko.

"Anak" katok ni Mommy sa pinto ng kwarto ko.

She smiled at me weakly, lumapit sya sa akin saka naupo sa tabi ko. Igiit nya ang ulo ko para sumandal sa balikat nya.

"Galit ako sa sarili ko anak" she said, "Hindi na ako nadala sa ginawa ng Daddy mo, at hinayaan ko pa itong mangyari sa iyo" iyon pa lang ang sinasabi nya ay umiiyak na sya.

Galit na galit sya ng malaman ang ginawa sa akin ni Oliver, susugod pa sana sya sa bahay nila pero ako na ang nagmakaawa na huwag na.

"Ngayon ako naman ang nandito anak ha! Nung ako ang nalulugmok, lagi kang nandyan para sa akin, kaya ako naman ngayon anak. Sumandal ka na lang kay Mommy, dahil ako hindi kita iiwan" doon muling bumuhos ang mga luha ko.

                
                                  ———

Months passed, hindi na kami muling nagkita ni Oliver. Umalis na din sya sa school at ang huling alam ko ay nasa America na sila. Tinanggal ko na lahat ng connection ko sa kanya, wala akong tinira ni isa. Maging ang mga bagay na nagpapa alala sa akin ng lalaking iyon ay tinaggal ko, even Ridge and Ryker. I cut my connection to them, patuloy pa rin naman daw ang relasyon nila sa mga kaibigan ko pero hindi ko talaga kayang makipag usap pa sa kanila.

Hindi ko naman na sila nakikita dito sa campus dahil malayo ang department nila sa akin, ang mga kaibigan ko ay napapansin kong nagiingat din na hindi nila mabanggit ang pangalan ng mga partner nila.

I know na nahihirapan din sila sa ganon pero nagpapasalamat ako na iniintindi nila ako.

Tapos na ang finals namin, may mga requirements lang na kailangan kaming icomply para makapag bakasyon na. One month lang ang bakasyon at 4th year na kami at graduating na rin sa wakas.

Makakapag trabaho na ako, matagal ko ng gusto magtrabaho.

"Saan tayo after?" tanong ko sa kanila, natahimik ang dalawa.

"Uhmmm" hindi nila matuloy ang sasabihin nila kaya ako na ang tumango.

"Sige na, makipag date na kayo" sabi ko saka ngumiti.

"Gusto mo blind date Lucas? May pinsan kasi ako, naghahanap ng ka blind date. Bi yon" si Liam pero natawa lang ako dahil hinampas sya ni Hans sa likod.

No Strings Attached Where stories live. Discover now