14

187 7 0
                                    

"Gago ka ah" sigaw ni Oliver, buti ay nahawakan ko ang damit nya kundi ay nasugod na naman nya ang lalaki.

"Officer, nagsasabi po ako ng totoo! Yang bakla na 'yan ang nang harassed sa akin" gulat na gulat kami ng biglang akong baliktarin sa prisinto.

"Hindi po yan totoo officer, yang hayop na' yan talaga ang pumasok sa cubicle kung nasan ang kaibigan namin" si Liam na galit na rin ang boses.

Hindi ako makapagsalita, parang may nakabara sa lalamunan ko at hinahayaan lang silang magtalo doon.

"May pruweba ba kayo?" tanong ng officer, nang magtama ang tingin namin ay napailing sya.

"Anong pruweba pa ba ang kailangan officer, andito na ung biktima oh. Nasa harapan mo na, huwag ka naman magbulag bulagan" inis na rin ang boses ni Ryker.

"Sir magdahan dahan ka sa pananalita mo, hindi ako ang problema dito" ani ng officer pero napasinghap lang si Ryker.

"May mga nakakita daw sa loob ng cr na itong kaibigan nyo mismo ang nanilip at nagpupumilit pumasok sa cubicle" ani pa nya na mas lalong kinagulat ng lahat.

"Hindi po yan totoo officer, hindi ganon ang kaibigan namin. Sa totoo nga po nyan habang umiinom pa lang po kami ay apura na ang tingin nyang hayop na yan sa kaibigan ko" si Liam na ngayon ay pinapakalma na ni Ridge.

"Kadiri!" sigaw ng lalaki, "Bakit naman ako tititig sa baklang 'yan, nakakadiri. Pwe" sigaw pa nya habang dinuduro ako.

"Aba gago ka ah, kanina ka pa" tumayo si Oliver at pinaulanan ng suntok ang lalaki, buti na lang ay nakaawat agad ang mga pulis na nandoon.

"Isang insulto pa, tangina mo!" galit na rin si Ridge.

"Pasenya na, pero may mga ibidensya sila. At base sa aksyon ng kaibigan nyo ay hindi malabong sya nga talaga ang nangharass sa biktima" nabibingi ako sa mga sinasabi ng officer na nasa harap ko.

Nakayuko na lang ako habang pinapakinggan ang mga pagtatalo nilang lahat don.

"Anong pinapalabas mo officer, na dahil sa gender identity ng kasama namin ay sya na ang may motibong mang harass" si Ryker na ngayon ay nakatayo na at hinarap ang officer.

"Hindi basehan ang kasarian sa sexual harassment officer, everyone can be harassed by some shity and mother fuckers" saka sya tumingin sa kinatatayuan ng lalaki.

"You're an officer rigth? Pero bakit tagilid ang paniniwala mo! Pwede kang kasuhan sa pagiging one sided mo alam mo ba 'yon" patuloy pa nya, lahat kami ay nakatingin lang sa kanya. "Syempre, you wouldn't know. With your piece of shit mind" he added, ang mukha ng officer ay halatang naoofend at naiinis sa mga sinasabi ni Ryker.

"We'll complain officer, just wait. Matatanggal ka sa posisyon mo at trabaho" sabi nya saka naglabas ng pitaka, may binuklat pa sya don pero agad bumaling kay Oliver. Sumenyas sya na iabot ang pitaka nito kaya agad namang sinunod ng isa, gamit ang wallet ni Oliver ay naglabas sya ng blue bills na sa tingin ko ay lagpas sa sampung libo at marahas na ibinato sa mukha ng lalaki.

"Gusto mo ng bayad para sa danyos, o ayan—magpakasasa ka sa pera hayop ka. We don't need your help officer, this fucker will go to jail no matter what happen" huling sabi nya saka lumabas ng prisinto magisa.

Muntik ko ng malimutan na Political Science nga pala ang course nya.

Sumunod naman kami sa kanya, naiwan silang lahat don na nakatulala sa ginawa ni Ryker. Nang makalabas kami ng prisinto ay naabutan namin sya na nakatayo sa tabi ng van namin.

"Bakit ang tagal nyo naman lumabas?" tanong nya saka inihagis kay Oliver ang wallet nya na agad naman nitong nasalo.

"Grabe ka Bro—pinabilib mo ako kanina, para kang abogado kung magsalita" si Ridge saka umakbay sa kanya, mayabang namang napangiti si Ryker at hinawi pa ang buhok nyang nakaharang sa mata.

"Pero kailangan ba talagang mag walk out?" Hans said na ikinatawa naman ni Liam at Oliver.

Ang mukha ni Ryker ay napalitan ng pagkasimangot. Ayan! Basag ka ngayon, iyon din ang napansin ko kanina, maganda na sana at astig na ang dating. Kaso bigla kaming iniwan don sa loob.

"Love naman" malambing na sabi nya saka lumapit at yumapos kay Hans.

Love?! Nabalot ng pamumula si Hans ng banggitin ni Ryker ang call sign nilang dalawa.

"Pero don't worry Lucas, we'll send him to jail. I already contact my uncle who's a lawyer at aasikasuhin nya daw agad ang kaso" Ryker gave me an assuring smile.

"Salamat" iyon lang ang tanging nasabi ko.

Habang nasa loob kami ng sasakyan ay walang nagsasalita sa aming lahat, pabalik na kami sa hotel para magpahinga. Malalim na ang gabi at sobrang napagod ako sa mga nangyari ngayong araw.

"Pero bro—hindi mo man lang binilang yung pera na kinuha mo sa wallet ko" basag ni Oliver sa katahimikan.

"Oo nga Ry, lakas mong maglabas ng wallet wala ka naman palang cash" si Ridge

Nabalot kami ng tawanan, kahit paano ay sa tulong ng mga biruan nila ay nalimutan ko ang bangungot na ito.

                                       ————

"Malungkot ka?" tanong ni Oliver, nakahiga na kami sa kwarto namin. Magkaharap kaming dalawa, nakatitig lang sya sa akin habang ako ay malalim ang iniisip.

Hindi ko mapigilang masaktan sa nangyari kanina. I feel so hurt and offended, nag judge sya agad base lang sa gender identity ko.

"Huwag mong isipin yung sinabi ng gagong officer na 'yon" hinawi nya ang buhok ko saka pinindot ang ilong ko.

"Hindi ko lang maiwasan" sabi ko pa

Umiling sya, "Hindi basehan kung ano ka pa para lang masabi ng ibang tao kung ano ang kaya at hindi mo kayang gawin. Yung mga ganong klaseng tao ay mga makikitid ang utak at talagang sarado ang isip" sabi nya saka ako niyakap at hinalikan sa noo.

"Sakin ka makinig Lucas! Hindi ka masamang tao dahil lang sa kasarian mo, wala kang inapakan dahil sila ang umapak sayo" mahinahon ang pagkakasabi nya non, kaya mas naging payapa ang isip ko dahil sa mga salita nya.

Hindi ko inaakalang ganito sya, na bukas ang isipan nya sa mga ganitong usapin. Sana lahat ng tao sa mundo ay kagaya niya at ng mga kaibigan nya, na hindi manghuhusga ng basta basta dahil lang sa kung ano ang nakikita ng dalawang mata.

Dahil sa totoo lang, ang pinakasinungaling sa katawan natin ay ang dalawa nating mata. Sabi nila 'Eyes never lies' pero para sa akin.

Eyes really lies

Dahil hindi makikita ng mata kung ano ang katotohanan, dahil ang mga ito ay ginawa lamang para manghusga at humusga ng mga bagay na malayo sa kanilang katotothanan.

"Tulog ka na!" malambing nyang sabi

"Tomorrow will be better"

Sana!

No Strings Attached Where stories live. Discover now