26

209 3 1
                                    

5 Years Ago

"Happy Birthday besi ko" bumeso sa akin si Liam.

"Hbd" si Hans naman ang nagsalita kaya natawa kaming tatlo. Nonchalant pa rin kahit ang pagbati ng happy birthday.

"Ang tanda mo na" si Liam, "You're already 28, nakaka proud naman" umaarte pa syang umiiyak.

Ang oa nya talaga, kala mo naman ay ang laki ng pinagkakalayo ng mga edad naming tatlo.

"Kaunti na lang at wala ka na sa kalendaryo, ano single ka pa rin talaga?" tanong ni Liam.

Naupo muna kami sa isang lamesa, i just have a mini birthday party. Si Mommy kasi ay ayaw paawat at gusto magparty ako, hindi naman na ako bata pero kung makapag pa party si Mommy ay wagas. Syempre at kasabwat ang dalawang 'to.

"Wala akong plano" sagot ko sa kanila, "I'll be a rich single tito na lang sa mga anak nyo" sabi ko pa na ikinatawa nila.

"Sus baka ikaw pa ang maunang magka anak sa ating tatlo—saka anong rich tito, eh wala naman kaming matres" biro pa nya kaya napuno kami ng tawanan.

"Babalik ka pa ba?" si Hans, tinutukoy nya kung babalik pa ako sa Canada. Nang makakuha ako ng degree at maayos ang lahat ng dapat ayusin ay lumipad ako sa Canada para maging isang Digital Marketing Manager, may offer kasi sa akin doon kaya tinanggap ko na lang.

Nung una ay ayaw pa ni Mommy dahil ayaw nyang umalis ako, pero wala din naman syang nagawa kaya pumayag na lang sya.

"Yupp, one month lang ako dito"

Kailangan ko kasing bumalik, isang buwan lang kasi ang bakasyon ko. Na eenjoy ko naman ang trabaho ko don, sa sweldo ay ayos din naman at nakakaipon ako.

Nakabili na ako ng sariling bahay dito, tatapusin ko lang kasi ang kontrata ko bago ako mag stay na ulit sa Pilipinas.

"Pagbalik mo dapat may boyfriend ka na ah, o mas better kung kasal ka na" si Hans

Hindi ko na naiisip pa ang mga ganoong bagay, pakiramdam ko ay aksaya lang sa oras ang maghanap ng boyfriend. May mga goals ako at wala na don ang magkaroon pa ng partner.

"Kayo na lang ang magpakasal" sabi ko sa kanila saka natatawang umiling.

Ridge and Liam are getting stronger and stronger, nabalitaan kong may naging problema silang dalawa pero naayos naman din nila. Maraming naganap sa dalawang kaibigan ko pero dahil nasa ibang bansa ako ay hindi ko na sila namomonitor.

The party started, kumuha pa si Mommy ng host para may mc daw, mga freinds and some close relatives lang ang invited. Some of them are from my college colleague.

"Happy Birthday Lucas" bati sa akin ng dati kong batchmates, "Hindi ko nakita dito si Oliver ah, diba close kayo nung college tayo?" Mia asked, one of my batchmates.

I awkwardly smiled at him, "Hindi ko na alam kung nasan sya"

Liam changed the topic quickly, I feel uncomfortable talking about the guy whom i forget years ago.

"You good?" Hans asked concerned kaya tumango ako.

"Dapat talaga may orientation muna sa labas bago pumasok dito" Liam jokingly said.

"Pero ano nga ba balita sa kanya?" both of them are in shocked ng tanungin ko iyon.

"I mean, it's been a years. Wala naman siguro masama kung malaman ko diba" tumawa ako ng bahagya para ma lessen ang tension sa kanila.

"Seryoso ka?" Liam asked, "Sabi ni Ridge, after ng graduation natin ay bumalik sya sa Pilipinas" mahina at dahan-dahan nyang sabi, tumango ako para malaman nilang ayos lang.

So he's back pala. Bakit hindi sya nag stay sa America? How about his child, Kamusta na kaya?

"A-And he was....looking for you after you left"

That's it! I regret na tinanong ko pa ang tungkol sa kanya. Why would he look for me? Diba may asawa na sya, may anak pa at may pamilya na. So bakit nya pa ako hinahanap non, gagawin ba nya akong ninong ng anak nya.

"Simula non, wala na akong balita sa kanya. Hindi na rin ako nagtanong kay Ridge" sabi nito.

That's good! He's doing great i guess, I'm happy for him.

                                   ********

"Anak, babalik ka pa ba talaga?" Mom asked, marami na ang nagbago kay Mommy. Hindi naman sya ganon tumanda pero kita na ang pagbabago sa kanya.

She's still pretty and strong.

"Ma! Two years na lang ang contract ko sa kanila, pangako dito na ako after ko don. Beside, yung kakilala ni Hans ay gusto akong offeran ng job kapag nakabalik ako" pagpapa kalma ko sa kanya.

Ngayon lang kasi talaga ako nakauwi, ilang taon ko syang hindi nakita at ganon din sya sa akin kaya hindi ko naman masisi si Mommy kung bakit ayaw na nya ako ulit pakawalan.

"Ma, hindi pa naman ako aalis. I have two weeks pa naman"

"Nagaalala lang kasi ako sayo, magisa ka lang don. Bakit kasi hindi ka na humanap ng nobyo Lucas. Para naman may nakakasama ka" hirit pa nya

Sabi na eh! Dito lang din papunta ang usapan namin, para syang si Liam at Hans...ikakasakit ata nila kapag wala akong partner hanggang sa mag trenta ako.

"Malapit ka ng mawala sa kalendaryo"

Parehong pareho ang sinabi ni Liam, siguro ay dapat ko ng pagbawalan si Liam na bumisita sa bahay. Kung ano-ano ang sinasabi nya kay Mommy.

"Mommy, kahit umabot pa ako ng 50. Kaya ko ng wala akong partner" sabi ko sa kanya habang inaayos ang gamit ko sa bag.

Humarap ako sa salamin para ayusin ang itsura ko, blonde na ngayon ang buhok ko. Akala ko ay hindi bagay sa akin pero it's seems like ito ang best hair color for me. I wear a simple blue polo saka pants, gagala lang naman ako at magtitingin ng mga gamit para sa bahay na nabili ko.

Malapit lang din sa bahay ni Mommy ang pwesto ng bahay ko, kapag umuwi ako ay dito pa rin naman si siguro ako titira. Ayaw talaga ni Mom na mag invest ako sa bahay, pero kasi wala naman akong naiisip na pwedeng paglaanan ng pera ko.

Wala akong pamilya na binubuhay, si Mommy naman ay mas malaki pa ang sahod kaysa sa akin kaya hindi sya tumatanggap ng pera galing sa akin.

"Ma, bakit hindi ka na lang magasawa ulit" sabi ko kaya tinapik nya ako ng malakas.

"Siraulo ka talaga" natawa sya ng sabihin ko iyon.

Hindi na ako nagtagal dahil tanghali na rin, lumabas na ako ng bahay. Pinaandar ko ang sasakyan papunta sa mall, magkikita din kami ni Liam dahil may iaabot daw sya sa akin. Naghintay lang ako sa isang coffee shop, I ordered one Cappuccino and a cheesecake.

Nang matanaw ko na si Liam ay kumaway ako sa kanya para makita nya kung nasaan ako. Kaso ay napako ang mata ko sa lalaking kasama nya...presente syang naglalakad palapit sa amin.

Kumabog ang dibdib ko, it's been a year since hindi ko nakita ang mukhang iyon.

No Strings Attached Where stories live. Discover now