29

234 7 0
                                    

Dumating ang araw ng linggo.

Naghanda ako sa muling pagkikita naming dalawa ni Oliver, hindi ko alam kung bakit ko ginawa iyon pero dahil nasabi ko na ay wala na akong magagawa.

Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya na hindi ako tutuloy dahil mas lalo lang akong mapapahiya sa kanya. Na guguilty rin ako dahil nangako ako kay Ishilo na pupunta ako, ayoko namang madamay pa ang bata kapag hindi ako magpunta.

Wala kaming usapan na kung anong oras kami magkikita, dahil wala din naman akong contact sa kanya. Inagahan ko na lang para ako na ang mauna, baka mamaya ay magreklamo pa ang magaling nyang ama.

It's kinda weird that he's already a Dad, pero at the same time it's cute. Ishilo really loves his Dada at ganon din naman si Oliver.

When I parked ay agad akong pumasok sa mall, sa fourth floor ko nakita si Ishilo kaya umakyat na ako ng escalator. Dala ko ang paper bag na binili ko kanina, stuff toy lang ito na spiderman dahil mukhang favorite nya yon.

Hindi ko malaman pero may kakaibang excitement sa loob ko, siguro ay dahil makikita ko muli si Ishilo. Malayo pa ang place kaya nilakad ko pa...hanggang sa matanaw ko sya na kumakaway sa akin.

Pero ang mata ko ay biglang dumiretso sa nasa likod nya—nakatayo doon si Oliver habang masayang pinapanood ang anak. Nang iangat nya ang tingin nya sa akin ay may kakaibang liwanag akong nakita sa mga mata nya.

"You really came" hindi ko na namalayan na nakayakap na pala sa binti ko si Ishilo, tuwang tuwa sya habang hinila ako palapit sa Daddy nya.

"Look Dada, he keep his promise" masayang tugon nito sa ama, tumingin sa akin si Oliver kaya marahan akong tumango upang batiin sya.

"You really came" he said

Don't stare Oliver! Just don't.

"Syempre! Tumutupad kasi ako sa pinangako ko, hindi ako nang goghost" sabi ko, napaiwas sya ng tingin sa akin.

You look guilty Oliver! Tinamaan ka ba?

"Here Ishi" inabot ko sa kanya ang paper bag na binili ko kanina.

Bago nya ito buksan ay tumingin muna sya sa Dad nya na tila nanghihingi ng permiso, nang tumango si Oliver ay agad nya itong binuksan.

"Tinuturuan ko sya na huwag masyadong mabili ng mga toys, kaya kapag may gusto sya ay sasabihin muna nya sa akin dahil baka mayroon na syang ganon. He had a lot of toys na kasi, yung iba ay naipamigay ko na lang" paliwanag nya na ikinatango ko.

Valid naman! Hindi rin talaga maganda kung sobrang ma spoil ang bata. Lalaking tamad at walang kilos.

"Wow!" masayang sabi nya saka nilabas sa paper bag ang toy.

"Ano sasabihin Ishi?" sabi niya sa anak, tumingala sa akin si Ishi saka niyakap ang binti ko. Dahil matangkad ako at maliit pa lang sya ay hanggang binti ko lang ito.

"Salamat po Kuya Luca–, Daddy Lucas" sabi nito na ikinagulat ko, napatingin ako kay Oliver pero nagiwas lang ito ng tingin.

Daddy?! Kuya lang ang tawag sa akin ng batang ito nung nakaraan. Hinarap ko si Ishi saka hinawakan ang magkabilang pisngi nya.

"You can call me Kuya or Tito na lang" mahinahon kong sabi sa kanya, pero lumungkot ang mukha nya kaya bigla akong nataranta.

"But Dada told me na i can call you Daddy" sabi nito habang nakasimangot at tinuro pa ang Daddy nya.

Nilingon ko sya at masama ang mga titig dito, hindi sya makatingin sa mga mata ko kaya alam kong guilty ang loko.

Siraulo talaga 'to! Pati ang bata ay kung ano-ano ang tinuturo.

No Strings Attached Where stories live. Discover now