16

191 6 0
                                    

It was a unforgettable moments, sobrang saya ko kanina habang nasa underground river kami. Pinapanood ko ang mga videos na nakuha ko at hindi ko mapigilan ang matawa dahil sa mga kalokohang ginagawa nila. The lobby of the resort is beautifully decorated with elegant furnishings and soft lighting, super refreshing sa mata ng interior and exterior design nila.

We're here after our first activity here in Palawan, hindi ko alam kung nasaan ang iba dahil si Oliver lang ang kasama ko ngayon.

"Ahh—nakulong na daw ung lalaking nambastos sayo kahapon" sabi nya saka lumapit sa akin at hinawakan ang mga kamay ko.

"We're make sure na makukulong sya ng matagal, para magtanda ang gagong 'yon" may inis na naman sa boses nya pero pilit nyang hindi iparamdam sa akin iyon.

Tumango ako, that's a relief. He deserves it by the way, kung umamin na lang sya sa prisinto baka napatawad ko pa sya pero hindi eh. Hindi nya lang ako binaligtad dahil ininsulto pa nya ako ng harap harapan.

"They want a alone time daw, kaya magkita na lang daw tayo dito before magdilim" tukoy nya sa mga kasama namin.

Sabagay! Pano naman sila magkaka alone time kung magkakasama kaming anim.

"May binili ako para sayo" sabi nya saka kinuha ang paper bag na nasa tabi nya, nilabas nya mula doon ang isang plain white headband.

"Suot ko sayo" sabi nya saka tumayo sa harap ko, nagtataka man ay hindi na ako umangal pa.

Hinawi muna nya ang buhok ko at inayos ito bago inilagay sa ulo ko ang headband. "See, you look more pretty" he compliment me, tiningnan ko ang sarili ko sa salamin ng phone.

Bagay nga! He smiled as he watch me, admire my new looks.

"Para hindi laging nakaharang yang buhok mo sa maganda mong mukha" malambing na sabi nya, hindi ko alam kung talagang ganon lang sya magsalita.

Sanay naman na ako dahil parati nyang sinasabing maganda ako, pero kakaiba pa rin talaga ang epekto non sa akin. Palaging bumibilis ang tibok ng puso ko kapag sinasabihan nya ako ng pretty o cute.

Alam ko naman 'yon, hindi nya ako kailangan iremind pa. Pero kapag sya talaga ang nagsasabi ay pakiramdam ko totoo lahat ng sinasabi nya.

Marami kaming napasyalan dito, kung ano-ano na rin ang nakain namin at nabili. Hindi na muna kami umalis ng resort dahil mahaba pa naman ang oras at araw namin dito sa Palawan para mamasyal.

"Let's take a selfie" pag aaya nya kaya kinuha ko ang phone ko saka itinapat sa aming dalawa.

Hindi ko napansing may timer pala, five seconds lang naman. Nang malapit ng matapos ang timer ay naestatwa ako sa kinatatayuan ko ng halikan nya ako sa pisngi.

Kinuha nya sa kamay ko ang phone habang ako ay nakatulala lang sa kanya, he smiled when he was scrolling at my albums. Zinoom pa nya ang mukha ko sa selfie namimg dalawa, nag airdrop muna sya ng pictures bago ibalik sa akin ang phone ko.

I used to it! Sanay naman ako sa mga halik nya, lagi ko namang nararanasan iyon. Sa labi pa nga ang madalas, pero bakit parang kakaiba ang paghalik nya sa akin sa pisngi. May kung ano akong naramdaman na ayaw kong pangalanan dahil ayokong mangibabaw sa akin iyon.

Hindi pwede Lucas! Itigil mo.

                                     ———

Gabi na ng makabalik ang lahat, si Liam at Ridge ay ganon pa rin naman at kung makalingkis kay Liam ay wagas, kalandi talaga ng kaibigan kong ito.

Naguusap ang boys sa tabi ng van kaya balak ko sanang lumapit sa kanila, hindi pa man ako nakakalapit ay napahinto ako sa narinig ko.

"Ano plano mo kay Lucas?" Ryker asked in very calm voice.

Nakita ko kung paano umiling si Oliver at napasabunot pa sa buhok nya, bakit ako nadamay sa usapan nila.

At anong plano ang pinaguusapan ng mga 'to? Umalis na ako doon dahil baka may marinig pa akong hindi ko dapat marinig, hindi din maganda na nakikinig ako sa usapan ng ibang tao.

"So kayo na? As in may label na kayo?" sunod-sunod kong tanong kay Hans. Inamin na nya kasi na sinagot na nya si Ryker.

"Oo nga! Paulit ulit naman, bungol ba kayo" inis nyang sabi saka kami hinampas ng unan, namumula ang tenga nya ngayon na parang kamatis.

Kinikilig sya! Matino si Ryker, kahit mukhang gago 'yon ay hindi. Kilala sya sa campus bilang matino at sobrang greenflag kaya kampante ako sa relasyon nila.

"Inlove ka na talaga" si Liam na naiyak pa.

Jusko apaka oa ng isang ito, akala mo naman ay gumraduate na si Hans. Kung makaiyak naman, hinampas ko sya ng unan kaya ang ending ay nag pillow figth lang kaming tatlo.

"Tinamaan eh" malanding sagot naman ni Hans na ikinatawa naman naming tatlo.

"Grabe noh, from childhood bestfreind to fuck buddies and now boyfriend mo na" si Liam

Nagkwentuhan pa kami ng mga walang kabuluhang bagay at mga kung ano-ano.

"Ay ang ganda mo rin talaga noh" si Liam saka ako binato ng unan.

"Tingnan mo story ni Oliver sa ig" utos nya kaya kinuha ko ang phone ko saka ko binuksan ang Instagram ko.

Bungad sa akin agad ang profile pic ni Oliver, nagpalit sya dahil picture nya ito kanina habang nasa river kami. Nakatalikod sya dito habang fineflex ang biceps nya.

Nang buksan ko ang story nya ay bumungad sa akin ang mukha naming dalawa at ang paghalik nya sa akin.

with my buddy!

Iyon ang caption nya na hindi ko alam kung kikiligin ba ako o maiinis.

"Yun lang! Buddy pa nga—sana kinompleto na nya yung word na fuck buddy" hirit naman ni Liam at hinampas sya ni Hans kaya tumahimik bigla ang dalawa.

Nag like lang ako sa story nya, inisip ko na lang na iba ang ibig nyang sabihin sa buddy na caption nyang iyon.

"Hoy pero sabihin mo naman dyan sa bebe mo, huwag syang feeling famous noh" si Liam saka nahiga sa kama.

"Oo nga, ikaw lang ang finollow back" singit naman ni Hans.

Nakakunot ang noo ko ng tingnan ang profile page ni Oliver, nagulat ako ng makita ko na wala na syang following. Ang mga babae sa following list nya ay nawala at tanging ang account ko na lang ang nandon.

olivraiden

34 post       9,976 followers      1 following

no other than him!

Ang inis ko ay biglang napalitan ng kakaibang saya, makailang ulit ko pang tiningnan ang list nya pero ako lang talaga ang nandoon.

Sorry girls! Pero ako ang nagwagi.

No Strings Attached Where stories live. Discover now