"Siraulo ka talaga" sabi ko sa kanya, nagbibiruan kasi kami tungkol sa mga babae sa followings nya.
"Totoo naman kasi, na hack ako non tapos yung hacker ang nag follow ng lahat ng babae" depensa pa nya, inaasar ko kasi sya na bakit ako lang ang nasa following nya sa ig.
"Ayaw mo ba non, nagiisa ka. You need to consider yourself lucky, maraming babaeng nagkakandarapa sa akin" pagmamayabang pa nya kaya sinamaan ko sya ng tingin.
"Sus, babaero ka lang kamo talaga" banat ko pa, pero ikinatawa lang nya.
"Bakit ba ang layo mo" puna ko sa kanya dahil nakaupo sya sa study table ko at ako naman ay nasa kama. Simula ng bumisita siya dito sa bahay ay lagi na syang nandito, tuwa naman si Mommy dahil nandito sya na mas anak pa ata sya kaysa sa akin.
"Wala" depensa nya saka kumuha ng unan at ipinatong iyon sa hita nya.
Pinaningkitan ko sya ng mata pero tumawa lang ito. Sa totoo lang ay may mga napapansin na ako sa kanya na bago sa kilos nya pero ayoko lang iadopt iyon sa sarili ko.
Madalas ay nakalayo sya sa akin, minsan nga ay iniisip ko kung baka mabaho ako kaya hindi sya lumalapit sa akin.
"Bakit ka nakatitig?" tanong ko sa kanya ng makitang nakatulala sya sa akin.
Umiling sya ng kaunti, "Wala, ang ganda mo ngayon" sabi nya kaya uminit na naman ang pisngi ko.
Ganda raw? I just wear a simple grey shirt and black shorts, gulo-gulo pa nga ang buhok ko dahil ang aga nyang nambubulabog dito.
"Ganon talaga, parang hindi ka pa nasanay" mayabang kong sagot.
"Gusto mong lumabas?" tanong nya
Bumangon ako sa pagkakatayo saka lumapit sa kanya pero napansin ko ang paggalaw nya na parang lumayo sa akin. Hindi ko na lang pinansin dahil baka kung ano pa ang pumasok sa isip ko.
"Saan tayo pupunta?"
"Dyan lang, may alam akong amusement park. Maganda raw don" nakangiting sabi nya, pumayag ako dahil gusto ko rin naman magpunta doon.
Nagbihis muna ako dahil nakagayak naman na sya, nagpalit lang ako ng shirt na ngayon ay white na medyo oversized at black cargo pants.
"Tara" tawag ko sa atensyon nya ng lumabas ako ng banyo.
Nagulat ako ng lumabas kami ay may nakaparadang BMW sa labas, bago na naman ang kotse nya. Kada linggo ata ay paiba iba sya ng sasakyan, gets ko na mayaman sila pero parang to the highest level na ata ang pagiging mayaman ng isang to.
"Bago na naman ang kotse mo ah" bati ko ng makapasok kami sa loob.
He wear his seat belt at ganon din ako, "Ah oo, one of my collections" walang sabi nya.
Wow! Collection of cars.
Mayaman naman din kami pero not to the point na may collections of cars kami na parang nag cocollect lang ng lego toys.
They're really fucking rich. Well, his father is known as the famous engineer in the country at ang Mom naman nya ay kilala sa bilang isang super model globally. Mga sikat ang mamahaling brands ang kumukuha sa Mom nya, hindi na talaga nakakapagtaka kung saan nya nakuha ang gwapong mukha nya.
"Marami ka sigurong sinasakay na babae dito" biro ko.
Tumawa sya. Aba so meron nga!
"Isa pa lang" sagot nya
So may balak pa ata syang damihan pa. Sino naman kaya ang babaeng 'yon, baka naman Mom nya.
"Mom mo?" tanong ko pero umiling ito.
YOU ARE READING
No Strings Attached
RomanceLucasxOliver Two men find solace in each other's touch, their relationship purely physical and free of emotional ties. As they navigate their secret arrangement, boundaries blur and unexpected feelings stir. Can they keep their connection strictly c...