19

185 8 0
                                    

"Bakit parang inaantok ka na ata Oliver" bati ni Mommy ng mapansing naghihikab na ito.

5pm na nga dahil napasarap ang kwentuhan nilang dalawa, kung ano-ano ang mga kwento ni Mommy at madalas don ay tungkol sa akin. Pinakita pa nya ang mga albums namin kasama ang mga pictures ko nung bata pa ako.

"Medyo po" sagot naman nya at muling naghikab pa.

Tumayo si Mommy, "Dito ka na kaya muna matulog, baka may mangyari pa sayo sa daan at madilim na rin" Mom suggested, dahilan para lumawak ang ngiti sa labi ng lokong 'to.

Sabi na eh! Nagpapanggap lang syang inaantok para dito na sya patulugin ni Mommy. Grabe talaga! Idol ko na ang isang' to.

"Ayos lang po ba?" tanong pa nya, sasagot na sana si Mommy pero pinutol ko ang sasabihin nya.

"Kaya nya Ma, kaya nyang umuwi. Diba Oliver" pinandilatan ko sya ng mata para malaman nyang ayokong nandito sya.

Hinampas pa ako ni Mommy sa braso, "Ano ka ba, huwag kang ganyan sa nobyo mo. Delikado sa labas, saka halatang inaantok na sya" pagkampi nya sa mokong.

"Sa kwarto mo na sya patulugin, malaki naman ang kama mo" sabi pa niya saka naglakad na pabalik sa kusina.

Fuck! Ako ang anak nya pero bakit si Oliver ang kinampihan. I feel betrayed by my own mother.

"San ba kwarto mo? Matutulog na ako" tumayo sya saka pekeng naginat inat kaya binato ko sya ng pillow na agad naman nyang nasalo.

"Letche ka talaga" mahinang sabi ko sa kanya na ikinatawa nya.

Wala na akong nagawa kundi ang pumayag sa gusto ng lalaking 'to, sa pagiging mapilit nito ay wala din naman akong magagawa. Kumuha na lang muna ako ng extra pillow saka blanket, dalawa lang kasi ang nasa kwarto ko.

'Di man lang ako sinamahan dito. Kapal talaga ng nya, ang usapan namin ay ipapakilala ko lang sya pero eto kami ngayon at sabay na matutulog sa kwarto ko.

Nang makabalik ako ay komportable na syang nakahiga sa kama ko, nakataas pa ang mga paa sa study chair ko. Inihagis ko sa kanya ang unan nya at kumot saka tinanggal ang paa nya sa study chair ko.

"Umayos ka nga" bawal ko sa kanya dahil binalik na naman nya iyon.

Ngumisi sya sa akin, "Galit ka?" tanong nya pero alam kong nanunuya lang sya sa akin.

"Sobra! Ang galing mo kanina ah, best actor. Pwede ka ng manominate sa Famas" sarkastikong sagot ko, timang ba sya. Sa kinikilos kong 'to mukha ba akong masaya.

"Ay weh? Tingin mo din, pinagpractisan ko nga yung acting ko na yon kagabi" siraulong sagot nya, sinasabayan nya talaga ang inis ko sa kanya.

Akmang ibabato ko sa kanya ang nahawakan kong keyboard ng ipad ko kaso ay mahal ang bili ko don.

"Ahhhhh inaantok na ako" inulit pa nya ang ginawa nya kanina.

Nang hindi na ako nagsalita ay tumayo sya saka humarap sa akin, nakatingala ako sa kanya. Pinisil nya ang mukha ko gamit ang dalawa nyang kamay saka ako hiniritan ng isang halik.

"I'll behave" sabi nya saka bumalik sa pagkakahiga.

Sus! Behave, wala sa vocabulary mo yon.

"Promise" tinaas pa nya ang kanan nyang kamay, "I won't do it" tumingin sya sa akin ng seryoso.

"Bakit?"

Gago! Bakit ko tinanong 'yon sa kanya. Anong bakit, baka isipin nya ay tutol ako sa gusto nya.

"Wala tayo sa hotel Lucas, besides I respect your Mom. Nandito ako sa bahay nya, hindi kita gagalawin dito"

Napatitig lang ako sa kanya ng ilang segundo bago naupo sa tabi nya, I can see that he's really sincere. Madali ko namang masabi kapag seryoso nga sya dahil nakikita ko sa mga mata nya.

"Pwede magtanong?" basag nya sa katahimikan.

Tumango ako habang may pinipindot sa sa phone ko.

"Where's your Dad?" tanong nya pero may pagiingat sa tono nya.

Napahinto ako sa ginagawa ko. Oo nga pala! Si Mommy lang ang nakilala nya.

"Hindi mo na sya makikilala" malungkot na sabi ko, napatingin ako sa picture frame naming tatlo sa table ko saka ko ito itinaob.

"May ibang pamilya na 'yon, hindi na sya uuwi dito" pinigilan ko ang mapaiyak dahil baka magmuka lang akong tanga.

"Sorry" mahinang sabi nya kaya umiling ako.

"It's okay! Do you remember when we first saw each other sa club" tanong ko sa kanya na ikinatango naman niya.

"Mukha akong problemado don diba, tuluyan na kasi kaming iniwan ni Daddy nung araw na 'yon" malungkot na pagkwento ko.

Tila may nasagot na tanong sa isip nya dahil don, naramdaman ko na lang ang mga bisig nya ng yakapin nya ako. Hindi ako umiyak o ano man dahil masaya ako sa mga bising nya.

"Buti na lang pala inaya kita nung araw na, iyon, dahil don nawala yung problema mo" siniko ko sya ng bulungan nya ako non.

"Biro lang" natawang sabi nya.

Pero sa totoo lang, tama sya. Nakalimot talaga ako ng araw na iyon, kahit nga sa mga araw na magkasama kaming dalawa ay hindi ko na naiisip yung mga problema ko.

Hinayaan na lang namin si Dad, alam na nya ang tama at mali pero mas pinili nya ang mali kaysa sa tama. Sigurado din naman ako na may rason si Dad kung bakit nya iyon nagawa sa amin ni Mommy. Pinagdadasal ko na lang na sana maging masaya sya sa pinili nya at hindi nya ito pagsisihan, dahil kaming dalawa ni Mommy ay patuloy na sa paglimot.

"Ikaw? Hindi mo ba ako ipapakilala sa pamilya mo" biglang lumabas sa bibig ko, nagulat kaming dalawa sa sinabi ko.

Nagiba ang mukha nya. Nagsisi akong tinanong ko sa kanya iyon, pero may parte sa akin na gustong malaman ang sagot nya.

"Kapag malawak na ang pagunawa nila sa ganitong klaseng relasyon Lucas, ipapakilala kita. Pangako" iyon lang ang tanging sinagot nya sa akin.

Dahil don ay nagkaroon na ako ng ideya kung anong klaseng pamilya ang mayroon si Oliver. Parang nakakatakot.

"Lucas" tawag nya sa akin.

"Hmmm"

Hindi sya nagsalita kaya bumaling ako ng lingon sa kanya, nakaupo lang sya roon habang seryosong nakatingin sa akin.

"Y-Yung sinabi ko sa Mommy mo kanina" halatang nahihirapan syang magsalita.

Oo Oliver! Alam ko, hindi mo na kailangan pang ipaliwanag sa akin.

"Oo—Alam ko, acting lang lahat ng 'yon. Ayos lang, ako naman ang nagsabi sayo na gawin mo iyon diba" pinilit ko ang sarili na ngumiti sa kanya.

"H-Hindi ganon ang ibig kong sabihin" naguguluhan ang mukha nya.

"Matulog ka na Oliver, tatabihan na lang kita kapag inantok na ako"

May dumaang kung anong emosyon sa mga mata nya na ayokong malaman kung ano. Tumango lang sya sa akin pero nanatilli ang mga tingin sa mata ko.

Pakiusap Oliver—Huwag!

Huwag mo akong tingnan na parang kaya mo akong panindigan. Huwag mong iparamdam sa akin na parang mayroon din sa puso mo na tulad ng sa akin.

Pakiusap matulog ka na lang.

No Strings Attached Where stories live. Discover now