28

218 5 0
                                    

He put a headphone sa ulo ni Ishilo, may pinindot pa sya sa phone nya at mukhang ang music pa iyon. Ganon ba ka confidential ang sasabihin nya at kailangan talagang hindi marinig ng anak nya.

"He's not my child"

I was stunned! Niloloko ba nya ako, Dada ang tawag nya dito.

"I mean, we're not blood related" paglilinaw nya, pero naguguluhan pa rin ako.

"Zolani and I are not married, iniwan nya sa akin si Ishilo ng malaman kong ibang lalaki ang nakabuntis sa kanya" kwento nya

Nakatitig lang ako sa bata, he has a same features kay Oliver. The nose and eyes are the same. Imposible!

"I swear" dagdag nya ng mapansin nya sigurong hindi ako naniniwala.

Tumango ako sa kanya, it doesn't matter naman na. Saka bakit ba sya nag explain, as if naman na may pakialam pa ako sa buhay nya.

Nang maubos ko ang kape na napaka tamis ay nagpaalam ako sa kanila na aalis na.

"Mag memeet po ba tayo ulit?" Ishilo asked innocently, natigilan ako sa tanong nya.

As long as I want to meet him again, dahil sa Daddy nya ay ayoko ng magkaroon pa ng koneksyon sa kanila. This is the last time na maguusap o magkikita kami, ako na iiwas dahil baka magka problema na naman ako.

"Ishi, I think he's really busy person" yumuko si Oliver saka hinimas ang ulo ng anak.

When i looked at Ishilo, i feel guilty. Biglang nagbago ang isip ko, pwede naman siguro kaming mag meet sometimes. Aalis din naman ako kaya hindi ko na ulit siya makikita.

"Okay Ishi, we'll meet again. Promise" I said na ikinaliwanag ng mukha ng bata.

"Don't make promises kung hindi mo tutuparin, Ishi will hold in that promise" seryosong sabi ni Oliver.

Kumunot ang noo ko sa sinabi nya, natawa ako sa isip ko. Sya pa talaga ang may ganang sabihin sa akin 'yan.

"Tumutupad ako sa pangako ko, hindi ako kagaya mo" inis kong sabi saka naglakad na palayo sa kanila.

Aba! Talagang sinusubukan nya ata ako. Bumalik ako at naabutan ko pa rin silang dalawa doon na ngayon ay buhat na ni Oliver ang kanyang anak.

He looked at me curiously, Ishilo too. "On sunday, same place kung saan mo kami nakita ni Ishilo" sabi ko, hindi ko na sya hinintay pa na makasagot at umalis na ako.

Habang palayo ako ng palayo sa kanya ay may malakas na kabog sa dibdib ko.

Fuck! That was so intense para sa muli naming pagkikita. Handa naman ako kung sakaling magtatagpo man ang landas naming dalawa, pero hindi ko inaashang ngayon agad iyon.

Agad kong binagsak ang katawan ko sa drivers seat—ang kabog ng dibdib ko ay palakas ng palakas. His face, voice and even the way he stares at me make my heart race.

Lucas calm down! It's just Oliver, he's just someone rigth. You already forget about him, he's a stranger. Rigth?

But why do I feel strange? Pero bakit may nga memoryang bumabalik sa akin, kung hindi ko na sya kilala. Bakit ako nagkakaganto kung stranger na lang sya, why do i feel this?

If he's already a stranger. Why do I still love him? Why do I still want him?

Puta talaga! Naka move on na ako, dapat naka moved on na ako. Pero bakit kasi sya nagpakita sa akin, the way he simply looked at me is so different. Bakit pakiramdam ko ay nangungulila sya, sa tuwing magtatama ang mga mata naming dalawa, ay bakit ako umaasang sa akin sya nangungulila.

Lagi kong sinasabi sa sarili ko na nakalimot na ako, na hindi na sya. Pero alam ko din sa sarili kong niloloko ko lang ang sarili ko.

I guess we never really forget someone, we just used not having their presence around.

A sudden tear fell from my eyes, ilang taon kong hinanda ang sarili ko. Pero sa isang iglap lang ay bigla akong babalik sa kung saan ako dati.

               
                                    *******

"Gago seryoso ka ba? As in si Oliver?" gulat na gulat si Liam ng ikwento ko sa kanila ang naging pagkikita naming dalawa.

"May iba pa bang Oliver sa buhay ng kaibigan natin" sarkastikong sagot ni Hans na ngayon ay sinusuklay ang buhok ko. Nakahiga kasi ako sa hita nya habang nasa loob kami ng condo nya.

"Nakilala ko rin yung anak nya" sabi ko na mas lalong ikinagulat nilang dalawa.

"Ay yun lang! May anak na nga talaga" si Liam

"Alam nyo yung pangalan ng bata?" tanong ko sa kanila

"Hindi malamang" gagong sagot ni Liam kaya nasipa ko sya dahil nasa paanan ko sya.

"ARAY!! Isa ah, lalayasan kita dito, dinadamayan na kita sinasaktan mo pa ako" umiindang sabi nya pero bumalik lang din sa pagkakaupo.

"Ishilo Aiden" banggit ko sa pangalan ng anak nya.

Natigilan silang dalawa, "Ay, akala ko ba wala ka ng pake. Bat mo pa pinagsasama ang pangalan nyong dalawa? Nako Lucas, sinasabi ko sayo. Huwag na huwag kang babalik don,"

Kumunot ang noo ko, napabangon ako at nagtinginan kaming dalawa ni Hans, umiling na lang sya sa akin hudyat na hayaan ko na lang pero umiling ako.

"Alam mo freind, no offense ha. Pero bakit hindi ka pa hinihiwalayan ni Ridge, bakit ka nya natitiis. Ang bobo mo grabe" sabi ko sa kanya saka sya hinabol at pinaghahampas ng unan.

Ang siraulo ay tawa lang ng tawa habang tumatakbo. Nang mapagod ay tumalon na lang sya sa kama ni Hans at doon ko sya hinampas ng unan.

Kahit adults na kami ay hindi pa rin nawawala sa amin ang ganitong klaseng asaran.

"Malay ko ba" depensa nya pa, "Pero oo nga noh, parang ang fishy naman non. Ipapangalan nya sa anak nya ang second name nyong dalawa"

Hindi din talaga mawala sa isip ko iyon, sa tuwing naalala ko ang pangalan ni Ishilo ay hindi ko maiwasang mapaisip ng sobra.

"Hindi naman daw nya anak si Ishilo"

Muli na naman silang napatingin sa akin at gulat na gulat, "Ibang lalaki daw ang nakabuntis kay Zolani" nagkibit balikat ako para kunwari ay wala akong pake.

"Lucas!" tawag sa akin ni Hans, "Don't, please. Huwag na ah" lumambot ang boses nya.

Kahit hindi nya sabihin ay alam ko kung ano ang tinutukoy nya kaya tumango lang ako.

Hindi naman ako tanga! Oo mahal ko pa, pero mas mahal ko ang sarili ko. Hindi ako babalik sa kanya.

No Strings Attached Where stories live. Discover now