"Why? Are you surprised? Hindi ba nasabi sayo nh fiance ko na malapit na syang ikasal" panunuya nya
Nanatili akong nakatayo doon, muling nagtubig ang mga mata ko. Pero sa pagkakataong ito, hinayaan ko itong tumulo at lumandas sa mga pisngi ko. Nawalan ng lakas ang mga tuhod ko at sa anong oras ay maari akong mapaluhod na lang sa lupa.
"Alam mo naawa ako sayo" sabi nya, nang tumingin ako sa kanya ay nanlilisik lang ang mga mata nya sa akin.
"Napaikot ka na nga nya, umasa ka pa na mahal ka nya" she laughed like a devil.
"Sa tingin mo ba talaga mamahalin ka ni Oliver? Katawan mo lang ang habol nya sayo, he's just curious kung ano ang pakiramdam kapag ginawa nya sa isang lalaki"
"He just want your pleasure, I was busy this past months kaya hindi ko naibigay sa kanya 'yon, kaya hinanap nya sayo. Pero ngayon, babawiin ko na sya"
"Ay wala nga pala akong babawiin, dahil hindi naman sya naging sayo. Your just nothing to him but a simply fuck buddy. So stop assume things. Never ka nya magugustuhan dahil hindi ka babae....malayo ka sa akin kaya huwag kang feeling na ka level kita"
Bawat salitang binibitawan nya ay parang matatalim na kutsilyong tumatarak sa dibdib ko. Hindi ko alam pero bakit parang totoo lahat ng sinabi nya. Para akong kawawang bata na umiiyak sa harap nya, hindi ako makatingin sa mata nya dahil mas lalo lang akong nasasaktan.
"Alam mo ang hindi mo kayang ibigay sa kanya" huminto sya saglit at ng mag angat ako ng tingin sa kanya ay nakahawak na sya sa tiyan nya. "Anak....kahit anong gawin mo ay hindi mo sya mabibigyan ng anak. Hindi tulad ko, na maibibigay na sa kanya iyon" hinimas himas pa nya ang tiyan nya.
Ngayon ko lang napansin na malaki na nga ang tiyan nito, naalala ko din ang sinabi ng pinsan ni Oliver na nakabuntis daw ito. So totoo nga? Na magkaka anak na siya.
Eh ano yung mga sinabi nya sa akin last week, kasinungalingan lang ba lahat ng 'yon. Ni isa ba walang katotohanan don?
Bago pa sya muling magsalita ay nahagip ng mata ko ang lalaking sinadya ko rito, pababa sya at palabas ng bahay nila.
"Zola–" naputol ang pagtawag nya ng magtama ang mga mata naming dalawa. Halata ang gulat sa kanya pero agad din namamg napalitan ng hindi ko malamang emosyon.
There he is...the person whom making me wait for 7 hours just for nothing. The person who ghosted me for weeks, the person who I love the most and now he's standing there in front of me.
The person who's the reason why I'm hurting.
He was just standing there, looking at me with those eyes. No expression at all, tinititigan nya lang ako na parang ibang tao, na parang hindi nya ako kilala.
"Hon, sabi ko kaya ko na diba. Dapat nagpahinga ka na lang sa room" sabi ng Zolani saka pa yumapossa braso ni Oliver.
I was waiting for him to get his arms back, pero hindi nya ginawa. Sa halip ay hinawi nya ang buhok ng babae tulad ng kung paano nya hawiin ang buhok ko.
"Ako na! I'll just talk to him" sabi nya saka pinapasok si Zolani.
Him? He just called me him?
"Pwede ba tayong magusap?" tanong ko, pinipigilan ko ang pagbasag ng boses ko.
"Let's end this" walang emosyon nyang sabi
Tumango ako saka pinunasan ang mga luha ko, "Yes, we ended it weeks ago rigth? Kasi sabi mo liligawan mo ako" sabi ko pero wala pa rin akong nakitang emosyon sa mukha nya.
"I mean, let's not meet each other again. Ever again" doon mas lalong nadurog ang puso ko.
No! Please sabihin mong nagbibiro ka lang. Makikinig naman ako sa paliwanag mo, patatawarin naman kita.
"Ano bang nangyayari sayo? Sabi mo mahal mo ako diba? Kaya ano yang mga sinasabi mo" I sounded desperate pero wala na akong pake.
"Magkaka anak na ako Lucas! Magkaka pamilya na ako. Hindi naman siguro ganon kahirap intindihin iyon" matigas nyang sabi, paulit ulit akong umiling.
Lumapit pa ako sa kanya pero lumayo lang sya, "Ayoko ng makita ka. Huwag mo na ulit kaming guguluhin ng magiging pamilya ko" sabi nito.
"You can keep my card, isipin mo na lang bayad ko sayo" huling sabi nito saka ako pinagsarahan ng gate.
Napaluhod ako sa lupa, ang kanina ko pa pilit pinipigilan na pagluha ay nagbagsakan na parang ilog sa mukha ko.
"Oliver, please. Huwag mo naman gawin sakin 'to" sigaw ko, umaasang kapag narinig nya ako ay babalik sya.
"Pakiusap, magusap tayo Oliver" napakapit na lang ako sa gate dahil hindi ko na kinaya pang tumayo. Hindi ko pinansin ang mga guard na nagpapalis sa akin dahil wala akong lakas.
Sobrang durog ako, hindi ko alam kung ano ang mga nangyari, hindi mag proseso sa akin ang lahat. Nahihirapan na akong huminga pero hindi ko iyon pinansin at patuloy na nag mamakaawa sa harap ng bahay nila.
Hanggang sa may kotseng huminto sa harapan ko, mula sa nanlalabong paningin ko ay natanaw ko ang apat na lalaking tumatakbo palapit sa akin.
"Lucas" narinig ko ang boses ni Hans
"Fuck! Nangyari na nga" si Ridge
———
Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa kwarto ni Liam pero nang magising na lang ako ay doon na ako inabutan. Nakatulala lang ako habang naalala ang mga masasakit na sinabi nila sa akin, sobrang durog ako.
Pumasok si Liam at kasunod non ay sina Hans, Ryker at Ridge.
"Nahimatay ka kanina, ayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Ryker
Hindi ko siya sinagot, "Alam nyo?" tanong ko sa kanila.
They looked at each other with so much guilt. Doon ay nalaman ko na alam nga nila, pakiramdam ko ngayon ay pinagkaisahan nila ako.
"Kanina lang namin nalaman" si Hans saka lumapit sa akin at marahang naupo sa tabi ko.
"Oliver told us not to tell you" Ridge said, nang tumingin ako sa kanila ay nagiwas sila ng mga tingin.
"Kailan pa?" I asked
Hesitant pa sila pero nang titigan sya ng masama ni Liam ay napilitan itong magsalita.
"Nung nasa Palawan tayo" sagot nya,
"Pero—" hindi ko na sila pinatapos pa ng pagsalita nang tumayo ako at itinulak silang dalawa palabas ng kwarto.
"Huwag na kayong magpakita sa akin, magsama sama kayong tatlo" saka ko sinara ang pinto.
Hawak ko ang doorknob ng bigla akong mapaluhod at muling bumubos ang mga luha ko. I feel so betrayed, tinuring ko na rin silang kaibigan pero sa huli ay niloko lang din nila ako.
"Lucas" dinaluhan ako ng dalawa, inalalayan akong tumayo saka ibinalik sa higaan.
"A-Ang sakit" basag na iyak ko sa kanila, hindi sila nagsalita at hinayaan lang akong umiyak. Mahigpit nila akong niyakap.
Oliver's words keep on repeating in my head, paulit ulit din ako nitong sinasaksak sa sobrang sakit.
How could he be so reckless....how could he be so heartless for breaking me into pieces.
![](https://img.wattpad.com/cover/372834396-288-k580678.jpg)
YOU ARE READING
No Strings Attached
RomanceLucasxOliver Two men find solace in each other's touch, their relationship purely physical and free of emotional ties. As they navigate their secret arrangement, boundaries blur and unexpected feelings stir. Can they keep their connection strictly c...