Kabanata 2: Muling Pag tatagpo

64 7 1
                                    

"Avisala Kawal, nandito ba ang inyong Rama?" Tanong ni Danaya ng Makarating sya sa Labas ng Kaharian ng Sapiro. "Kawal sino ang nariyan?" Agad na Napatingin si Danaya kung saan nag mula ang Munting Tinig ng isang Batang Babae.

"May nag hahanap lamang sainyong Ama Mahal na Diwani" Sagot ng Kawal ng Lumapit si Deia sa Sanggre ng Lireo. "Poltre pero wala po dito ang Aking Ama, Kasama nya ang Aking Nakatatandang Kapatid" Sagot ni Deia ng Mapangiti si Danaya habang pinag mamasdan ang Paslit sa kanyang Harapan.

"Kamukang Kamuka mo ang Iyong Ina" Naluluhang Sambit ni Danaya dahilan upang Kumunot ang Noo ni Deia. "Kilala nyo po ang aking Ina?" Nag tatakang Tanong ni Deia ng Marahang Tumango si Danaya.

"Kilalang kilala ko sya" Naiiyak na Sambit ni Danaya ng Lumapit sya kay Deia upang Yakapin ito. Punong puno ng pag tataka si Deia habang Nakatitig sya sa babaeng yumayakap sakanya.

"Sino po ba kayo? bakit po kayo naiyak?" Nag tatakang Tanong ni Deia ng Mapangiti si Danaya. "Hindi mo naako naalala Deia, lalo na't Sanggol kapa ng huli tayong mag kita ngunit naroon ako ng Isilang ka ng iyong Ina isa ako sa unang nakahawak saiyo pag katapos ng iyong mga magulang" Paliwanag ni Danaya ng Mapangiti si Deia.

"Talaga po?" Nakangiting Tanong ni Deia ng Tumango si Danaya. "Deia? Deia Nasaan ka?" Agad na napalingon di Deia at Danaya ng Marinig nila ang Pag tawag ni Almira mula sa Loob ng Sapiro. "Andyan ka lang Pala" Sambit ni Almira ng makita nya ang Diwatang kasama ng kanyang kapatid.

"Ashti Danaya?" tanong ni Almira ng Tumayo si Danaya mula sa pag kakapantay sa kanyang Hadiya. "Almira, ikaw naba yan?" Tanong ni Danaya ng Tumango si Almira, saka Patakbong Lumapit kay Danaya upang kanya itong yakapin.

"Kay Laki mo na, Nung huli kitang nakita ay isa ka pa lamang Munting Diwani" Nakangiting Sambit ni Danaya habang hinahaplos ni Danaya ang Pisngi ng Hadiya. "Kay Saya ko na nandito ka Ashti, Sa totoo lang ay Matagal ko nang nais dumalaw sa Lireo ngunit, Ayaw akong payagan ni Edea Lira at ni Ama" Sambit ni Almira ng mawala ang ngiti sa nga labi ni Danaya.

"Hanggang ngayon ba ay nagdaramdam pa din ang iyong Ama at Kapatid saamin at kay Alena?" Tanong ni Danaya ng Ilayo ni Almira ang Tingin sa kanyang Ashti. "Hindi naman po sila Galit, masakit lang po talaga sakanila na makita kayo dahil naalala po nila si Ina" Sagot ni Almira ng Lumapit ang Paslit na Diwani Sakanila.

"Edea Sino sya?" Nag tatakang Tanong ni Deia ng Mapangiti si Almira. "Deia sya ang Ating Ashti Danaya, ang Bunsong Kapatid ng Ating Ina" Nakangiting pag papakilala ni Almira sa Sanggre ng Lireo. "Ikinagagalak ko po kayong Makilala Sanggre Danaya" Sambit ni Deia ng I abot nya ang Kanyang Kamay upang pormal na mag pakilala.

"Tila napaka pormal mo naman yata aking Hadiya" Natatawang Sambit ni Danaya ng Tumingin si Deia sa kanyang Nakatatandang Kapatid. "Ahh Ganyan po kasi kami pinalaki ni Ado Ybrahim Ashti, Nais nyang maging Pormal kami sa kahit sinong makikita namin" Sambit ni Almira ng Mawala ang Ngiti ni Danaya.

"Ganoon ba, Sya nga Pala nasaan ang Rama Ybrahim?" tanong ni Danaya ng Humarap sya sa kanyang Hagkdiyang si Almira. "Wala po sila sa Palasyo Ashti, Pero pabalik na din po siguro sila ni Edea Lira intayin nyo nalang po sila sa Loob ng Palasyo" Sambit ni Almira ng Ngumiti si Danaya. "Avisala Eshma Almira" Sambit ni Danaya ng Muli nyang yakapin ang Kanyang Hadiya.

"Mga Mahal na Diwani wag kayong Tumakbo" Hinihingal na Sambit ni Marikit habang Kanyang Hinahabol ang Tatlong Paslit na kagagaling lamang sa Academia. "Mga Mahal kong Diwani" Nakangiting Sambit ni Alena ng Makita nyang Papalapit ang Tatlong Munting Diwani sakanya.

"Ina!" Sambit ni Amaya ng Yumakap sya sa Hara Ng Lireo. "Avisala Ashti Hara" Nakangiting Bati ni Flamarra at Terra. "Avisala Aking mga Hadiya" Pag bati ni Alena ng Yumakap sya sa Anak ng kanyang mga kapatid. "Flamarra, Ang Iyong Ina ay Nag tungo lamang sandali sainyong Palasyo ngunit babalik din sya mamaya" Sambit ni Alena ng Tumango ang anak ng kanyang Nakatatandang Kapatid.

"Si Ina po Ashti?" Nag tatakang Tanong ni Terra ng hindi nya makita ang Kanyang Ina. "Sya ay Nag tungo lamang sa Sapiro upang ibigay sa Rama ng Sapiro ang Imbitasyon para sa magaganap na kasiyahan sa Lireo" Sagot ni Alena ng mag katinginan ang tatlong Munting Diwani.

"Hindi po ba matagal nang Bumitaw sa Pakikipag kasundo ang Sapiro sa tatlong Kaharian? ano't Imbitado po sila?" Nag tatakang Tanong ni Flamarra Sa Hara ng Lireo. "Flamarra, Ang Kasiyahan na magaganap ay Para sa Aming Namayapang Kapatid na Si Amihan ang inyong Ashti, ang Dating Hara ng Lireo At Sapiro, na Asawa ni Rama Ybrahim" Paliwanag ni Alena ng Tumango ang mga Munting Diwani.

"Pero Ina papayag po ba ang Rama ng Sapiro? diba po galit sila Sa mga Diwata?" Tanong ni Amaya ng Mapatigil ang Kanyang Ina. "Sino ang nag sabi saiyo nyan Anak?" Nag tatakang Tanong ni Alena ng Tumingin si Amaya sa kanyang nga Pinsan.

"Isa po yan sa Usapan sa Academia Ashti, ang sabi po ng mga Nakatatandang Bata doon kaya daw po Hindi nag aaral sa Academia ang mga anak ng Namayapang Ashti Amihan, ay Dahil galit daw po ang Naiwang Pamilya ni Ashti sa mga Diwata pero bakit po? bakit po sila nagagalit?" Nag tatakang Tanong ni Terra ng mapatigil si Alena.

"Mahaba at komplikadong salaysayin Terra, nais ko mang ikwento sainyo ang buong Pangyayari ngunit hindi nyo pa ito mauunawaan" Sambit ni Alena habang Nakatingin sa Tatlong Diwani. "Oh sya kayo ay Humayo na sainyong Silid, Mag pahinga na Muna kayo sapagkat alam kong napagod kayo sainyong Klase" Sambit ni Alena ng Tumango ang Tatlong Munting Diwani bago nag Tungo sa Kani kanilang silid.







_____________________________________

Sainyong Palagay, Pupunta kaya sila Ybrahim sa Pag titipon sa Lireo?? Abangan sa susunod na Kabanata!!

Shadows of The Past Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon