Kabanata 17: Unang Pag kikita

43 5 2
                                    

"Myla!" Agad na napalingon ang Dalawa ng Makarinig sila ng pag tawag sa labas ng kanilang Bahay. "ay sandali may nag tatawag sakin" Sambit ni Myla ng Buksan nila ang Pintuan ng kanilang Bahay.  "Oh Marites bakit?" Tanong ni Myla ng Pumasok ito sa Bahay nila.

"Yung dati mong Amo sa Batangas nag hahanap ng Katulong baka gusto mo?" Tanong nito ng mapakamot sa Ulo si Myla. "Nako Pasensya na eh di ako pwedeng umalis dito at walang Bantay si Anatha" Sambit ni Myla ng Mapatingin si Marites kay Almira.

"Eh Bakit hindi nalang ito ang mag Bantay kay Anatha o kaya sya nalang ang Mag Punta doon sa mga amo mo" Tanong ni Marites ng mapatingin din si Almira sa Dalawang Nakatatandang Babae. "Ay Hindi naman Pwede nakikitira lang yan Dito" Sagot ni Myla ng tawagin ni Marites si Almira.

"Ineng anong pangalan mo?" Tanong ni Marites, "Almira po" Maiksing Sagot ni Almira. "Gusto mo ba sumama sakin sa Batangas ipapasok kita doon sa Dating Amo ni Myla?" Tanong ni Marites ng Kumunot ang Noo ni Almira.

"Huy huy huy ikaw talaga Marites ang Bata bata pa nito para manilbihan tsaka isa pa Hindi ko pwedeng pag trabahuin to at di ko naman ito kaano ano nakaka hiya" Sagot ni Myla ng Bumuntong hininga si Almira. "Kung makakatulong po Kala Aling Myla Sige Po" Sambit ni Almira ng manlaki ang nga mata ni Myla.

"Huy bata ka anong ginagawa mo?" Tanong ni Myla sa Dalagita. "Eh nakakahiya naman po kasi kung Makikituloy pa po ako sainyo mas mabuti na po siguro ang Mag trabaho nalang ako" Pag dadahilan ni Almira kay Myla.

"Sigurado kabang Kaya mo?" Tanong ni Myla ng mapatigil si Almira. "Pero sige kung yan ang pasya mo hindi kita pipigilan" Sambit ni Myla ng Tumango si Almira. "Oh Bukas ng Umaga susunduin kita dito" Sambit ni Marites ng Tumango si Almira.

"Nako, pano yan wala ka palang gamit" Sambit ni Myla ng mapakamot sya sa Ulo. "Ah alam ko na bibigay ko nalang saiyo yung mga Dami na di ko na nagagamit" Sambit ni Myla saka iniwan ang Dalaga mag isa sa maliit na sala ng kanilang Bahay.

"Inay tahimik ka po ata" Sambit ni Lira ng makita nya ang kanyang Ina na nakamasid sa Asotea ng Sapiro. "Inaalala ko lang ang iyong Apwe, Alam kong hindi madali manirahan sa Mundo ng mga Tao, lalo na't mag isa sya doon at hindi sya Sanay sa gawi ng mga Mortal" Sambit ni Amihan ng hawakan nya ang kamay ng Kanyang Panganay na Anak.

"Huwag kang mag alala Nay, sigurado naman ako na Kayang kaya ni Almira manirahan sa Mundo ng mga Tao" Pag papagaang ni Lira sa Loob ng kanyang Ina. "Avisala Eshma sa pag papagaang mo sa aking loob Lira" Nakangiting Sambit ni Amihan ng Hagkan nya ang Kanyang Panganay na Anak.

"Kay ganda po pala ng tahanan ng iyong Amo aling Marites" puna ni Almira habang pinag mamasdan ang katamtamang laki ng Tahanan sa Kaniyang Harapan. "Ay nako sa totoo lang at isa pa sobrang laki ng bahay nila halatang mayaman yung mag Kapatid" Sagot ni Marites ng Ngumiti nalamang si Almira dahil alam nyang maliit ang tahanan sa kanyang Harapan kung ikukumpara ito sa Kinagisnan nyang Tahanan sa Encantadia.

"Aling Marites nandito kana po pala pasok po kayo" Sambit ng isang Babae na halos ka edad lamang ni Almira ng Sundan nila ito papasok ng Gate ng Bahay. "Sya po ba yung papalit sainyo dito?" Tanong nito ng Mapatingin sakanya si Almira.

"Ay Oo Alaga yan ng Kaibigan ko sa Maynila" Sagot ni Almira ng ilahad ng babaeng nasa harap nya ang kanyang Kamay. "Ako si Cindy Yaya din ako dito ano pangalan mo?" Tanong ni Cindy habang Nakatingin kay Almira. "Almira, Kinagagalak kitang makilala Cindy" Sagot ni Almira ng makipag kamay sya sa Mortal sa kanyang Harapan.

"Ang galing parang nag babasa ako ng Noli habang kausap kita" Pabirong Sambit ni Cindy ng Mapakunot ang Noo ni Almira. "Ay wag mo nalang intindihin to si Cindy loka loka talaga yan" Sambit ni almira ng mag tuloy sila sa Loob ng pamamahay ng Kanilang Amo.

"Dalawa lang ang amo natin dito si Sir Elias at si Sir Miguel mag kapatid sila tas baka bukas dumating na din yung isa pa nating amo yung pinsan naman nila si Ma'am Athena" Sambit ni Cindy ha ang nililibot nya sa Bahay si Almira.

"Nasaan ang mga Magulang nila?" pabulong na Tanong ni Almira ng Mapangiti si Cindy, "Matagal ng kinuha ni Lord eh nako kung naabutan mo yon matutuwa sayo yon hindi kasi sila nag kaanak ng Babae kaya Iniispoil nila yung mga Katulong nilang babae na medyo bata bata pa" Sambit ni Cindy ng Mapansin ni Almira ang Litratong naka Paskil sa Pader.

"Are you the new Maid?" Agad na Napalingon si Almira ng marinig nya ang isang Tinig ng Lalaki. "Yes Kuya sya po" Sagot ni Cindy ng Tingnan nito si Almira mula ulo Hanggang Paa. "Yaya Myla Recommend you so i guess mapag kakatiwalaan ka naman" Sambit nito ng Tumango si Almira.

pagkatapos ng ilang taon na kasama nya ang kanyang kapatid na si Lira natutunan nya ang mag salita at umintindi ng mga Salita ng mga tao kaya hindi gaanong kahirap para sakanya ang Makipag usap o intindihin ang mga nakakasalamuha nya.

"Kuya hindi ho yata sya nag sasalita ng English" Pag singit ni Cindy na ikinagulat nito. "ah sige, Welcome sa bahay namin ako ang Amo mo pwede mo akong tawaging Kuya Miguel ayoko Ng Sir maliwanag?" Sambit nito ng Tumango si Almira.

"Dalhin mo na sa Maid Quarters yan pag palitin mo na din ng Uniform" Utos ni Miguel kay Cindy ng agad agad itong Tumango saka Dinala si Almira sa pag tutuluyan nito.

"Gwapo ni Kuya Miguel no?" Tanong ni Cindy habang pinag mamasdan nya si Almira na nag aayos ng buhok. "Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Almira ng mag kibit balikat si Cindy, "Wala naman cute lang si sir" Sagot nito saka tumawa.

"Natitupuan mo ba sya?" Tanong ni Almira ng matawa lalo si Cindy sakanya. "Saang Lupalop kaba ng earth nanggaling bakit ang lalim mo mag salita?" Natatawang tanong ni Cindy ng Ngumiti si Almira.

"Ay eto nga pala Ground rules lang ah, si Manang Cecil lang ang nangingialam ng Kusina strict si Manang patungkol dyan ayaw nyang may ibang nangingialam ng kakainin nina Kuya ako naman ang Namamahala ng bahay kaya yung pag lilinis sa loob ng bahay ako ang namamahala ikaw naman ang trabaho mo yung Bakuran" Sambit ni Cindy ng Tumango si Almira ng may kumatok sa Pintuan ng Maid's Quarters.

"Oh Manang Fe kayo po pala" Nakangiting Sambit ni Cindy ng pumasok ang isang matanda sa Kwarto ng Dalawa. "Ikaw ba si Almira?" Tanong nito ng tumango si Almira, "Gusto ka makilala ni Elias" Sambit nito saka umalis ng Kwarto.

"Tila kay Higpit nya tingnan" Puna ni Almira ng Mapangiti si Cindy, "Ganyan talaga yan si Manang palibhasa matandang Dalaga pero don't Worry sweet naman yan si Manang, Harmless yan" Sambit ni Cindy ng matawa si Almira sa Sinabi ni Cindy.

"Tara na Samahan kita kay Elias" Sambit ni Cindy ng dalhin nya sa Hardin ng Bahay si Almira kung saan nag aantay si Elias. "Good Morning po" Bati ni Cindy ng Mapalingon si Elias, tila Bumagal ang Ikot ng mundo ni Elias ng masilayan ng kanyang Mata si Almira.

"Magandang Umaga po" Bati ni Almira ng nanatiling nakatitig sakanya si Elias. "Ayos lang po ba kayo?" Tanong ni Almira ng bumalik di Elias sa kanyang Sarili. "Ah Ok Sorry hello good morning" Sambit ni elias habang iniiwas ang tingin nya kay Almira. "You must be the new maid?" Tanong i Elias ng Tumango si Almira.

"Nice to meet you I am Elias Kapatid ni Kuya Miguel One of your Boss" Pag papakilala ni Elias sa sarili nya. "Ako po si Almira Kinagagalak ko po kayong makilala" Sambit ni Almira ng Magtama ang kanilang Tingin sa Isat isa.












___________________________________

Avisalaaaaaaa Sorry di nako nakakapag update masyado Sobrang Busy kasi sa School trry ko mag update araw araw but still jot sure dahil kakaiba yung schedule namin.

Shadows of The Past Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon