"Isang pag titipon?" Tanong ng Hara ng Mineave sa Kanyang Alagad ng Tumango ito. "Tama kayo Mahal na Hara, nag hahanda na ngayon ang Lireo para sa Pag titipon para sa Kaarawan ng kanilang Namayapang Hara Durie" Sagot ng Kanyang Mashna ng Bumaba mula sa Kanyang trono si Mitena.
Sa Isang Malayong Palasyo sa Encantadia Matatagpuan ang isang Tagong kaharian na inihandog noon ni Bathalumang Ether sa Kakambal ng Ngayong Bathalumang si Cassiopeia. Kaakibat ng kaharian nito ang Kapangyarihan ng Nyebe at Mula sa Kapangyarihan nya nag simula ang pag lalang ni Ether sa mga Alagad ni Mitena.
"Ano satingin mo ang magiging reaksyon ng iyong Kapatid kapag nalaman niyang Buhay kapa?" Tanong ng Mashna ng Mineave kay Mitena. "Malalaman natin Olgana, Ngunit sa ngayon Nais kong Kausapin ang iyong Anak" Sambit ni Mitena ng Tumango si Olgana at umalis upang Dalhin ang kanyang Kaisa isang anak sa Kanilang Hara.
"Malapit nang umiyak ang mga Diwata sa dami ng malalagas sakanila" Nakangiting Sambit ni Mitena habang Kanyang Iniisip ang pag sisimula sa planong matagal na nilang hinahanda ni Ether. "Huwag kang mag alala Bathalumang Ether, Bibigyan ko ng Katanungan ang iyong pag kawala, Igaganti kita sa anak ng Namayapang Hara" Sambit ni Mitena sa Rebulto ng Isang Ahas na Gawa sa Yelo.
"Itay kung nais nyong Pumunta sa Lireo kayo nalang po hindi ko na kailangan pang sumama" Sambit ni Lira sa Kanyang Ama habang Inaayos nya ang Kanyang Gamit sa kanyang Silid. "Anak Panahon na upang Tayo ay makipag ayos sa Lireo, Matagal na panahon na din ng mamatay ang Iyong Ina kailangan nating mag patuloy sa Buhay" Sambit ni Ybrahim ng Ibaba ni Lira ang Librong Hawak nya.
"Tay hindi naman babalik si Inay kung babalik ako ng Lireo eh" Pag dadahilan ni Lira ng Humugot ng malalim na Hininga si Lira. "Ngunit satingin mo ba matutuwa ang iyong ina Kapag nakikita ka nyang nagagalit sa iyong mga Ashti?" Tanong ni Ybrahim ng Marahang Umiling si Lira.
"Alam kong matutuwa ang iyong ina kapag nakita ka nyang kasama muli si Mira" Pag pipilit ni Ybrahim na Ngumiti sa Harap ng Kanyang Panganay na Anak. Mahirap para kay Ybrahim ang Ngumiti mula ng mamatay si Amihan, Sinubukan nyang mag pakatatag para sa mga anak nya ngunit kahit anong gawin nya hindi pa din nabago nito ang pangungulila ng kanyang mga anak sa kanilang Ina.
"Kung ganon makikilala na namin si Deia?" Tanong ni Amaya sa Nakatatandang Pinsan na si Mira. "Oo at makilala nyo na din Si Sanggre Lira at si Diwani Almira" Nakangiting Sambit ni Mira sa mga munting Diwani. kitang Kita sa mga mata ng mag pipinsan ang Sabik na kanilang nararamdaman sa nalalapit na Pag titipon sa kanilang Kaharian.
Ito Kasi ang unang pag titipon na mgaganap mula ng Sila ay ipanganak, ito din ang unang pag kakataon na makikilala nila ang mga Anak ng Kanilang Ashti Amihan.
"Nakakasigurado akong matutuwa kayo kapag nakilala nyo na si Lira, sapagkat sya ang isa sa pinakamasayahing Diwatang nakilala ko" Nakangiting Sambit ni Mjra dahilan upang madagdagan ang Sabik na nadarama ng mga Diwani. "Hindi nako makapag hintay na makilala sila ate Mira" Nakangiting Sambit ni Terra ng Haplusin si Mira ang Pisngi ng kanyang Pinsan.
"Knock Knock" Nakangiting Sambit ni Lira ng Mag bukas ang Silid ng kanyang Nakababatang Kapatid na si Almira. "Ngayon na lang kitang narinig nag salita ng ganyan" Natatawang Sambit ni Almira ng Pumasok si Lira sa Silid ng kanyang Kapatid.
"Nag Kausap na ba kayo ni Ama?" Tanong ni Almira ng Tumango si Lira, "At?" Sambit nito habang iniintay ang Sagot ng kanyang Kapatid. "Napag desisyonan ko na Sumama para kay Inay" Sagot ni Lira dahilan para mapangiti ang Kanyang Kapatid.
"Sabi ki na nga ba di mo din matitiis na hindi sumama eh" Nakangiting Sambit ni Almira ng Mapangiti na din ang kanyang Kapatid. "Bakit ka nga pala naparito edea?" Tanong ni Almira ng Tumingin muli sakanya si Lira.
"Wala titingnan ko lang kung natutulog na kayo ni Deia" Sagot ni Lira dahilan upang Mapangiti lalo si Almira. "Ate Lira Salamat" Sambit ni Almira ng Mapakunot ang Noo ni Lira. "Salamat saan?" Nag tatakang tanong nito sa kanyang Nakababatang Kapatid.
"Salamat kasi simula ng Mamatay si Ina, Ikaw ang Tumayong Ina saaming Dalawa ni Deia lalo na noong Halos hindi na lumabas si Ama sa Kanyang Silid kakaiyak ng mawala si Ina, ikaw din ang syang Namahala sa Sapiro hangang sa bumuti ang lagay ni Ama kahit kapalit nito ang Pagiging Tagapagmana mo ng Lireo na alam kong mahalaga para saiyo" Paliwanag ni Almira ng Mapangiti ang kanyang Nakatatandang Kapatid.
"Tungkulin ko iyon bilang Anak at kapatid nyo hindi mo na kailangan pang mag pasalamat" Sambit ni Lira. "Isa pa nais ko ding humingi ng tawad, alam kong maging mahigpit ako sainyo nitong mga nakaraang Buwan ayaw ko lang na lumihis kayo ng landas" Dagdag pa ni Lira ng yakapin sya ni Almira.
"Pinag mamasdan mo nanaman sila Anak" Agad na pinunasan ni Amihan ang kanyang mga Luha ng marinig nya ang kanyang Ina mag salita. "Ina andyan ka pala" Sambit ni Amihan ng bumaling sya ng tingin sa kanyang Ina. "Nangungulila ka sa iyong mga anak?" Tanong ni Minea ng marahang Umiling si Amihan.
"Nalulungkot lamang ako, Sapagkat hindi ko agad naisip ang kahihinatnan nang aking ginawa noong nag desisyon akong Isakripisyo ang aking buhay, Akala ko madali nilang makakalimutan ang sakit sa pag lipas ng panahon ngunit nag kamali ako, Lumaking walang Ina ang mga anak ko dahil ko sila inisip" Nakuluhang Sambit ni Amihan ng ibalik nya ang Tingin sa kanyang anak sa Encantadia.
"Kung maibabalik ko lang ang Panahon, Sana ay inisip ko sila" Bulong ni Amihan ng Ilayo nya ang Tingin sa Kanyang Ina at sa mga anak upang itago ang mga Luhang pumapatak sa kanyang mga Mata.
_____________________________________Inakala ni Cassiopeia na namatay noon si Mitena, ngunit ano nga ba ang nangyari sakanya? at ano ang gagawin nya sa mga Diwata? ano pa ang Kapangyarihan ni Mitena? Mag balik kaya si Amihan sa Encantadia? Abangan sa susunod na Kabanata!!
BINABASA MO ANG
Shadows of The Past
FantasyMasyado kayong nagiging Kampamte sa Inyong Mundo mga Diwata. Ngunit Hindi ako titigil Hanggat Hindi ko nakukuha ang Hustisya sa lahat ng Ginawa nyo saakin -Hara Mitena