"Mira nasaan na ang mga Diwani?" Tanong ni Alena ng Lapitan nya ang kanyang Hadiya na nakikipag usap sa kanilang mga Bisitang Diwata. Ngayon ang Araw na pinakahihintay ng mga Diwatang Naninirahan sa Encantadia. ang Muling pag bubuklod ng bawat kaharian para sa Kaarawan ng Namayapang Hara.
"Inaayos nalamang po ng mga Dama ang kanilang Kasuotan Ashti" Sagot ni Mira ng Tumango si Alena at bumalik sa kanyang mga kapatid. "Danaya, Sigurado ka bang mag tutungo nga dito sila Lira?" Tanong ni Alena ng Tumango naman si Danaya.
"Oo Hara, wag kang mag alala maaga pa naman" Sambit ni Danaya para pakalmahin ang kanyang Nakatatandang Kapatid.
"Almira, nasaan ang iyong Edea Lira?" Nag tatakang tanong ni Ybrahim ng makarating na si Almira sa Puning Bulwagan pag katapos ng napakatagal na pag hahanda nito. "Baka po nag aayos pa" Nag aalangang Sagot ni Almira sa Kanyang Ama.
"Ang tagal nyo namang mag ayos Edea" Pag angal ni Deia sa kanyang Nakatatandang Kapatid. "Patawad Mahal na Prinsesa nais lamang naming mag mukang presentable sa Harap ng mga Encantado" Nakangiting Sagot ni Almira sa Kanyang Nakababatang Kapatid.
"Baka mag away pa kayo" Pag awat ni Ybrahim habang nakahawak sya sa kamay ng Kanyang Bunsong Anak. "Almira maari mo bamg puntahan ang iyong Apwe, baka mahuli tayo sa pag titipon" Utos ni Ybrahim sa kanyang Anak. Ng dali dali itong nag tungo sa silid ng kanyang Nakatatandang Kapatid.
"Edea Lira?" Tanong ni Almira ng Mag bukas ang Pintuan ng Silid ng kanyang Kapatid. "Hindi ka pa daw ba tapos mag ayos, baka daw mahuli tayo sa Pag titipon" Sambit ni Almira ng Makita nyang nag aayos pa ang Kanyang Kapatid.
"Patapos na" Sagot ni Lira ng Ikabit nya ang Pulseras sa kanyang Kamay. "Edea maari ba akong humingi ng Pabor saiyo?" Tanong ni Almira ng Tumingin sakanya ang kanyang Kapatid. "Edea Hindi na ako isang munting paslit para hindi mapansin ang mga nagaganap sa aking Kapaligiran, Alam kong hindi maayos ang relasyon mo sa ating mga ka dugo lalo na kay Ashti Alena, ngunit maari bang iisang tabi mo muna ang iyong Galit sakanila ngayong araw ayokong makita ito ni Deia at ng iba pang mga Encantado" Mahabang Sambit ni Almira ng Hindi umimik si Lira.
"Edea Pakiusap" Dagdag pa nito ng tumingin ang kanyang Nakatatandang Kapatid Sakanya. "Susubukan ko ngunit wala akong pinapangako na Makihalubilo ako sakanila" Sagot ni Lira ng Tumango si Almira. "Tayo na" Utos ni Lira ng Mag tungo sila sa Puning Bulwagan upang sila ay makaalis na sa Palasyo.
"Ashti Alena, Ashti Danaya, Ina" Sunod sunod na pag tawag ni Mira habang tumatakbo itong Pumunta sa mag kakapatid na Sanggre sa gitna ng pag titipon. "Makikiraan" Sambit ni Mira habang ito ay Sumusingit sa Gitna ng mga Bisitang Nag uusap.
"Paparating na sila sabi ng mga Dama" Sambit ni Mira ng Mapatigil ang Lahat dahil sa Sinambit ni Mira. "Mag bigay Pugay sa Rama at mga Diwani ng Sapiro!" Anunsyo ng Kawal ng Mapatingin ang Lahat sa Direksyon kung saan nag lalakad papasok ang Mag aama.
"A-avisala Rama" Na uutal na Bati ni Hara Alena ng Mag bigay pugay ito sa Asawa ng kanyang Namayapang Kapatid. "Avisala, Hara Alena" Pormal na pag bati ni Ybrahim habang diretsong Nakatingin kay Alena. Agad na Binalot ng Katahimikan ang Buong Palasyo sa Pag tatagpo ng Rama at ng Hara sapagkat batid ng lahat ang Naganap sa dating Hara ng Lireo.
"Mabuti at ligtas kayong nakadating dito" Pag basag ni Pirena sa Katahimikan dahilan upang mapatingin ang lahat sakanya. "Bakit? May nag tatangka bang muli sa Encantadia? kaninong buhay ang kailangan Isakripisyo ngayon?" Prangkang Tanong ni Lira dahilan upang Mapatahimik ang lahat lalo na si Alena.
"Sheda Edea!" Pabulong na Saway ni Almira, habang Nakatingin sa kanyang Nakatatandang Kapatid. "Hindi naman ganon ang Aking pinapahiwatig Lira" Sagot ni Pirena ng Tumingin lamang sakanya si Lira. Muli ay napuno ng Katahimikan ang Bukng Paligid dahil sa ginawa ng Batang Sanggre.
Tunay na napaka laki ng Pinag bago ng Ugali ni Lira. Ang Dating napaka masayahing Diwata, Ngayon ay napupuno na ng Galit sa kanyang Loob. Galit na kahit anong gawin nya ay hindi nawawala.
"Salamat pong muli sa inyong Imbitasyon saamin Ashti" Pag basag ni Almira sa Katahimikan sa kanilang Kapaligiran. "Walang Anuman Almira, Tunay na Napaka laki mo na Aming Hadiya" Sambit ni Alena ng anyayahan nya ang kanyang Hadiya para sa isang Yakap. Na agad na Tinanggap ni Almira.
"Salamat at Hindi ka galit saakin" Bulong ni Alena ng Bumuntong hininga si Almira. "Naguhuluhan pa din ako Ashti, Ngunit kailanman ay hindi ako nagakit sainyo sapagkat hindi iyon ang Nais ni Ina" Pag sagot ni Almira habang sila ay nasa kalagitnaan pa din ng pag yakap sa Isat isa.
"Salamat at Dumalo kayo ngayon Rama Ybrahim" Sambit ni Danaya ng tumango si Ybrahim. "Kagaya ng sinabi ko noon, ginagawa ko ito para kay Amihan at Sa aking Anak"Sagot ni Ybrahim ng tumingin sya kay Deia na ngayon ay nasa tabi ng Kanyang Ashti Alena.
"Ikaw marahil si Deia tama ba ako?" Tanong ni Pirena habang Nakatingin sa Paslit sa Tabi ni Ybrahim. "Ako nga po" Sagot nito ng mapangiti ang mag kakapatid. "Kahawig mo-" "Ang aking Ina" Pag putol ni Deia sa sinasabi ni Pirena. "Alam ko po" Dagdag pa ng Paslit ng Mapatingin si Pirena sa kanyang nga Kapatid.
"Poltre Ashti, lagi na po kasing naririnig ito ni Deia sa mga Encantadong nakakasalamuha nya" Pag hingi ng tawad ni Almira para sakanyang bunsong Kapatid. "Kausapin ko lang po si Deia Ama" Paaalam ni Almira ng hilahin nya papalayo sa mga Bisita ang Kanyang Nakababatang Kapatid.
____________________________________
May magaganap sa Pag titipon, Ano sa tingin nyo yon? abangan sa susunod na Kabanata!!
BINABASA MO ANG
Shadows of The Past
FantasyMasyado kayong nagiging Kampamte sa Inyong Mundo mga Diwata. Ngunit Hindi ako titigil Hanggat Hindi ko nakukuha ang Hustisya sa lahat ng Ginawa nyo saakin -Hara Mitena