Kabanata 11: Ang Pagbabalik

48 5 0
                                    

"Mahal na Emre, Pinapatawag nyo daw ako?" Nag tatakang Sambit ni Ybarro ng Mapalingon si Amihan ng Marinig ang Kapatid ng Kanyang Asawa. "Pinatawag ko nga kayo" Sagot ni Emre ng Ituro nya ang tabi ni Amihan bilang pag senyas na Tumabi ito sakanila.

"nandito kayo dahil may nais akong Ibigay sainyo" Panimula ni Emre ng Dumating si Cassiopeia bitbit ang isang lalagyan kung saan nakapatong ang Tatlong Prutas mula sa puno ng Buhay. "Mahal na Emre?" Gulat na Tanong ni Amihan ng maunawaan nya ang nais ipahiwatig ng Bathala.

"Ito ang inyong gantimpala dahil sa naging parte nyo para mapabuti muli ang Encantadia" Sambit ni Cassiopeia ng mag katinginan ang Tatlo sa tuwa. "Hindi ko alam ang aking sasabihin" Naiiyak na Sambit ni Amihan ng Hawakan ni Kahlil ang Balikat ng kanyang Ashti.

"Ngunit, makakabalik lamang kayo ng tuluyan sa Encantadia kapag nailigtas nyo si Almira laban sa Aking Kapatid" Sambit ni Cassiopeia ng mag katinginan ang Tatlong Sapirian. "Paano namin mahahanap ang Kaharian ng Mineave?" Tanong ni Ybarro habang nakatingin sila sa Dalawang Bathala.

"Hindi ka na makakaalis pa dito, wala sainyo ang makakatakas dito mag kakasma sama tayong tatlo habang buhay" Sambit ni Mitena na tila ba isang Baliw habang Nakatingin sa kanyang Mga 'Anak'

"Hindi kita Nanay, Matagal ng patay ang Nanay ko at dahil yon sa Masasamang loob na katulad nyo!" Sigaw ni Almira ng makatanggap sya ng isang Malakas na Sampal mula Kay Mitena. "Hindi sya ang Nanay mo, Ako ang nanay mo ako Ako ako!" pabalik na Sigaw ni Mitena ng iwanan nyang tumatangis si Almira kasama si Amihan sa Silid.

"A-ayos ka lang?" Nag aalalang Tanong ni Amihan ng Umiling si Almira. "Gusto ko ng umuwi" Tumatangis na Sambit ni Almira habang Nakatingin Kay Amihan.  "Makakatakas din tayo dito wag kang mag alala may awa ang Bathala saatin" Bulong ni Amihan ng Yakapin nya ang Tumatangis na Paslit.

"Anong Balita Abog?" Tanong ni Alena Ng Mag balik sa Lireo ang Isa sa punong kawal ng Lireo. "Hindi pa din po namin nahahanap ang Mahal na Diwani, nahalughog na ho namin ang buong Encantadia" Sambit ni Abog ng mapaisip si Alena.

"Sino ang gagawa nito sa aking Hadiya?" Tanong ni Alena sa kanyang sarili ng Lisanin ng Kawal ang Punong Bulwagan. "A-Ashti" Utal utal na Sambit ni Deia habang naka tayo ito sa Pasilyo ng Lireo.

"Deia, kanina kapa ba nandyan?" Tanong ni Alena ng Dahan dahang Lumapit ang Paslit sa Hara. "Nawawala po si Edea Almira?" Tanong nito ng Hindi makapag salita si Alena. Batid ni Ybrahim na hindi mauunawaan ni Deia ang mga kaganapan kaya satingin nila ay mapapabuti kung hindi na nila ipapaalam sa Diwani ang Kaganapan sa Lireo.

"Ashti Nasaan ang aking Edea?" Umiiyak na Tanong ni Deia ng Punasan ni Alena ang mga Luha ng Kanyang Hadiya. "Hindi namin alam Deia, Hindi kasi nakikita ng Tubgkod ni Imaw ang Kalagayan ng iying apwe kaya nahihirapan kaming tuntunin sya ngunit wag kang nag alala hinahanap na sya ng iyong Ama at mga Ashti" Sambit ni Alena ng Yakapin nya ang Paslit.

"Nahalughog na natin ang Buong Encantadia Ngunit hindi pa din natin sya nakikita" Sambit ni Danaya ng Mag kita kita sila sa Kagubatan ng Lireo. "Hindi tayo maaring sumuko sa pag hahanap sakanya, baka kung ano ang mangyari kay Almira" Sambit ni Pirena na Sinangayunan ng kanyang mga kapatid.

"Pero Ashti malalim na ang Gabi, Hindi ba tayo mahihirapan kung mag hahanap tayo ng Ganitong Oras?" Tanong ni Mira ng mapabuntong hininga si Lira. "Tama po si Mira, kailangan nating ipag pa bukas ang Pag hahanap kay Almira" Pag sang ayon ni Lira sa Sinambit ng kanyang Pinsan.

"Pero Lira-" "Tay kailangan nating lahat ng Pahinga" Pag Putol ni Lira sa sinasabi ng kanyang Ama. "Babalik tayo sa Lireo" Sambit ni Lira ng Sumangayon nalamang si Ybrahim kahit pa labag ito sa kanyang Saloobin.

"Ama, Bakit Hanggang ngayon wala pa den ang Ina?" Nag tatakang Tanong ni Terra habang Mag kakasama silang mga Diwani sa Iisang Silid kasama ang Mashna ng Lireo. "Anak may Kailangan lamang silang Gawin" Sagot ni Aquil sa Kanyang Anak.

"Bakit ang Tahimik mo Deia? ayos ka lang?" Tanong ni Amaya sa Kanilang Pinsan na Nakaupo sa Harap ng Mesa. "Ayos lang ako" Sagot ni Almira ng Ipatong nya ang Kanyang Ulo sa Mesa. "May sakit kaba?" Tanong ni Aquil ng Umiling si Deia. "Wala Po Aldo" Walang ganang sagot ni Deia.

"Aldo maari po ba akong Lumabas? nais ko sanang Kumuha ng Makakakain" Pag papaalam ni Flamarra ng mapatingin sakanya ang Mashna. "Manatili kana lamang Dito Flamarra, Ako na ang Kukuha" Sagot ni Aquil ng Tumango ang Munting diwani bago nito nilisan ang Silid ng mga Diwani.

"Deia alam mo ba kung Bakit wala sa Lireo ang nga Nakatatandang Diwata?" Tanong ni Terra ng Mapalingon si Deia sakanila. "Hindi Ko maaring Sabihin Ang Dahilan nangako ako kay Ashti Alena" Sagot ni Deia ng mapabuntong hininga si Terra.

Ng Isang Napakalakas na Liwanag ang Bumalot sa Silid na Kinalalagyan ng mga Munting Diwani. "Kawal!" Sigaw ni Amaya dahil sa Takot. "Ina?" Gulat na Sambit ni Deia ng Iluwa ng Liwanag si Amihan, Ybarro at Kahlil.

"Sino sila Deia?" Nag tatakang tanong ni Amaya sa Kaniyang Pinsan. "Ina!" Sigaw ni Deia ng Patakbo itong Lumapit kay Amihan upang Yumakap ito dito. "Bumalik ka nga Ina" Nakangiting Sambit ni Deia habang Nakayakap ito kay Amihan.

"Hindi ba't Nangako ako sayo" Sambit ni Amihan habang sya ag nakayakap padin sa Paslit. "Mahabaging Emre" Agad na napabitaw si Amihan at Deia sa pag kakayakap ng Marinig nila ang Tinig ng Mashna De ng Lireo.

"Hara Amihan?" Tanong nito habang Nakatingin sa Diwatang Kasama ng mga Paslit. "Rehav Ybarro, Diwan Kahlil?" Sunod sunod na Sambit ni Aquil habang Pinag mamasdan nya ang Tatlong Sapirian sa Silid.

"Kami nga Ito Aquil, Kinagagalak naming makita ka ulit" Sambit ni Amihan sa Mashna. "Nag balik na kami" Nakangiting Sambit ni Ybarro ng Mag bigay pugay si Aquil sa Tatlo.

"Nasaan ang aking mga Apwe, kailangan ko silang Makausap" Tanong ni Amihan ng Mapatingin si Deia kay Aquil. "Nasa Punong Bulwagan si Hara Alena, at ang iba naman ay pabalik palamang sa Lireo" Sambit ni Aquil ng Tumango si Amihan bago bumaling ng tingin kay Deia.

"Mag pahinga kana, Magiging Ayos na ang lahat" Bulong ni Amihan ng Tumango si Deia bago nya ang Hagkan ang Noo nito. "Maari mo ba kaming Samahan kay Alena, Aquil?" Tanong ni Amihan ng Tumango naman si Aquil. "Mag pahinga na kayo Diwani, Mga Dama Dalhin nyo na sila sa kani kanilang Silid" Utos ni Aquil ng agadna Tumango ang mga Ito.


______________________________________

Ano satingin nyo ang magiging Reaksyon ng mga Diwata kapag nakita na nilang Muli si Amihan, Ybarro at Kahlil ng Buhay? Abangan sa susunod na Kabanata!!

SORRYYY NGAYON LANG AKO NAKAPAG UPDATEE SOBRANG BUSY NGAYONG LINGGO SA SCHOOL LIKE BUONG WEEK KAMI NAG QUIZ BABAWI AKO PROMISEEE

Shadows of The Past Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon