"Maligayang Pag babalik Rama Ybrahim, Sanggre Lira nasa Punong Bulwagan po ngayon si Sanggre Danaya Kasama ni Diwani Deia at Diwani Almira" Pag bungad ng Kawal sa Mag Ama ng Makabalik ito sa Palasyo ng Sapiro. "Bakit daw? ano ang kailangan ng Hara Durie?" Nag tatakang Tanong ni Ybrahim ng mag kibit balikat ang Kawal.
"Anong kailangan ni Ashti Danaya?" Tanong ni Lira sa Kanyang Ama ng Dumaretso sila sa Punong Bulwagan ng Sapiro kung saan nag hihintay si Danaya kasama ng Dalawang Diwani ng Sapiro. "Avisala Hara Durie Danaya" Pag bati ni Ybrahim ng Ngumiti si Danaya habang papalapit sakanya ang Mag Ama.
"Avisala Rama, Lira aking Hadiya" Nakangiting Bati ni Danaya ng blankong tiningnan lamang ni Lira ang kanyang Ashti. "Ano't Naparito ka Danaya?" Nag tatakang Tanong ni Ybrahim ng Sumensyas si Lira sa dalawa nyang Kapatid na Lumapit Sakanya.
"Bakit nandito si Sanggre Danaya?" Tanong ni Lira ng Mag kibit balikat ang Kanyang mga Nakababatang Kapatid. "Naparito ako upang Ibigay sainyo ang Imbitasyon sa Pag titipon na magaganap sa Lireo" Sambit ni Danaya ng Tingnan nya ang kanyang nga Hadiya.
"Para sa kaarawan ni Amihan" Pag tatapos ni Danaya ng hindi makapaniwalang Tiningnan ni Lira ang Hara Durie ng Lireo. "Anong silbi ng pag gugunita nyo sa kaarawan ni Ina kung wala naman sya dito?" Daretsong tanong ni Lira ng Mapatingin si Ybrahim ang Danaya sakanya.
"Pag katapos nyong pabayaang mamatay ang Nanay ko, Aasta kayo na parang Napakabuti nyong Kapatid para mag Gawa ng kasiyahan sa kaarawan nya" Hindi makapaniwalang Sambit ni Lira Ng mapatigil si Danaya sa sinabi ng Munting Sanggre. "Sheda Lira!" Saway ni Ybrahim ng Lisanin ni Lira ang Punong Bulwagan ng Sapiro.
"Poltre sa inasal ni Edea Lira, Ashti Danaya" Pag hingi ng tawad Ni Almira sa Sinabi ng Kanyang Nakatatandang Kapatid. "Sundan mo muna ang iyong Apwe" Utos ni Ybrahim kay Almira ng Iwanan nya sa Punong Bulwagan si Deia, Ybrahim at Danaya.
"Mauunawaan naman namin kung hindi nyo nanaising dumalo Ybrahim" Malungkot na Sambit ni Danaya habang Nakatingin sa Sahig. "Poltre Danaya ngunit hindi ikatutuwa ni Lira kung kami ay dadalo" Sambit ni Ybrahim ng Lumapit ang Muntng Diwani Sakanila.
"Ngunit Ado, Nais ko pong Dumalo sa pag titipon" Sambit ni Deia habang Nakahawak sa kamay ng Kanyang Ama. "Nais ko po sanang Makita ang Palasyo kung saan Lumaki si Ada Amihan" Dagdag pa ni Deia ng Mapangiti si Danaya.
"Matutuwa ang nga Diwani kapag nakilala nila si Deia, Ybrahim" Sambit ni Danaya habang pinag mamasdan ni Ybrahim ang nangungusap nyang Anak. "Nais mo ba talagang dumalo Anak?" Tanong ni Ybrahim ng tumango si Deia.
"Para kay Amihan Ybrahim" Sambit ni Danaya ng Mapukaw nito ang Damdaming ng Rama. "Asahan nyo ang Pag dalo namin Sanggre Danaya, ngunit Hindi ko masisiguro na sasama saamin si Lira" Sambit ni Ybrahim ng mapangiti si Danaya at Deia.
"Avisala Eshma Ybrahim" Nakangiting Sambit ni Danaya ng Tumango si Ybrahim. "Mauuna naako Ybrahim, Deia Ipaalam nyo nalamang ako jay Lira at Almira" Sambit ni Danaya ng Tumango ang Mag Ama. "Ikinagagalak kitang muling makita Aking Hadiya" Sambit ni Danaya ng Yakapin nya ang Bunsong Anak ng kanyang Namayapang Kapatid bago nya nilisan ang Sapiro.
"Hara Alena? ano't tila tahimik ka?" Nag tatakang tanong ni Pirena ng mag balik sila sa Lireo ni Mira. "Anong Problema aking Apwe?" Tanong muli ni Pirena ng Mapabuntong hininga si Alena. "Bigla kasing nag Tanong ang mga Diwani kanina patungkol kay Amihan, at Kung bakit hindi bumibisita sila Ybrahim sa Palasyo" Sagot ni Alena ng Mapatigil si Pirena.
"A-anong iyong Sinabi?" Nag tatakang tanong ni Pirena, lalo na't kahit sya ay Hindi sinasabi sa kanyang Anak ang nangyari kay Amihan. "Na hindi pa nula mauunawaan ang nangyari kay Amihan kaya Hindi ko pa ito maaring Sabihin sakanila" Sagot ni Alena ng Mapabuntong hininga si Alena.
"Napaka bigat sa puso ko sa tuwing naalala ko si Amihan Pakiramdam ko ay ako ang pumaslang sakanya sapagkat hindi ko magawang kwentuhan manlang ang mga Diwani ng tungkol sakanya ng hindi ko Naalala ang nangyari sakanya" Malungkot na Sambit ni Alena ng Hawakan ni Pirena ang kamay ng Kanyang Kapatid.
"Alena alam mong hindi mo kaslaanan ang Nangyari kay Amihan Hindi ba?" Tanong ni Pirena ng Tumingin si Alena sa kanyang Nakatatandang Kapatid. "Sisingit na po ako sa usapan nyo Ada, Ashti Ngunit tama si Ina, Hindi nyo naman po ginusto na Isakripisyo ni Inang Amihan ang Sarili nya para sa Encantadia eh" Sambit ni Mira ng Mag balik si Danaya sa Palasyo ng Lireo.
"Danaya, Naibigay mo na ba ang Imbitasyon sa Sapiro?" Tanong ni Alena ng Mapatingin si Pirena at Mira Kay Danaya. "Oo at magandang Balita dadalo sila Ybrahim sa Pag titipon, ngunit hindi ako nakakasigurado kung sasama si Lira" Sambit ni Danaya ng Kumunot ang Noo ni Alena.
"Bakit hindi Danaya?" Nag tatakang tanong ni Alena sa kanyang Nakababatang Kapatid. "Hindi nagustuhan ni Lira ang Ideya nang pag gugunita sa kaarawan ni Amihan gayong wala na sya" Mahinang Sambit ni Danaya ng ipilit ni Alena ang kanyang ngiti.
"Hindi nating magagawang Pilitin ang Nilalang na nasasaktan, ang mahalaga ay Muling Makihalubilo saatin ang Sapiro" Pekeng ngiti ni Alena habang Nakatingin sakanyang mga Kapatid. "Kamusta na ang Mag aama sa Sapiro?" Tanong ni Pirena kay Danaya.
"sa aking Palagay ay maayos ang pamumuhay nila Edea, Hindi na isang munting Paslit si Almira isa na syang Napakagandang Munting Sanggre at si Deia naman" Agad na napatigil si Danaya ng maalala nya ang Munting Paslit na Anak ng Kanyang Namayapang Kapatid.
"Kamukang Kamuka nya si Amihan, nakikita ko kay Deia ang Ating Kapatid nung tayo ay nga Paslit pa lamang" Sambit ni Danaya habang inaalala ang Mga Alaala nila kay Amihan ng sila ay mga bata pa.
"Matutuwa si Inang Amihan kapag nakita nyang Mag babalik na sa Lireo ang kaniyang mga Minamaha" Sambit ni Mira Habang Nakatingin sa kanyang Ina At mga Ashti na umaalala sa Kanilang Namayapang kapatid.
____________________________________
Dumalo kaya si Lira sa Pag titipon sa Lireo? at may babalik sa buhay ng mga Diwata, sino iyon? abangan!!
BINABASA MO ANG
Shadows of The Past
FantasyMasyado kayong nagiging Kampamte sa Inyong Mundo mga Diwata. Ngunit Hindi ako titigil Hanggat Hindi ko nakukuha ang Hustisya sa lahat ng Ginawa nyo saakin -Hara Mitena