Kabanata 13: Pag kikita muli

43 5 3
                                    

"Bathalang Emre, Alam kong matagal na noon huling mag dasal ako sainyo. nais kong humingi ng tawad, alam kong madami akong pag kakasalang nagawa lalo na noong mamatay si Inay. Patawad kung hindi ko nagampanan ng tama ang aking Bugna sa Encantadia, ngunit Salamat dahil binalik mo saamin ang aking Ina. sana ay mag tagumpay sila sa pag ligtas nila saaking Kapatid" Sambit ni Lira habang nakaharap ito sa Rebulto ng Bathala ng Encantadia.

"Masaya akong nag babalik loob kana Lira" Agad na napalingon si Lira ng marinig nya ang Tinig ng kanyang Pinsan. "Mira Gising kapa pala" Sambit ni Lira ng Lumapit sakanya ang Kanyang Matalik na Pinsan. "Tila Hindi ako makakatulog kakaisip sa pag lalakbay ng ating nga Magulang" Sambit ni Mira ng Bumuntong hininga ito habang baka harap sa Rebulto ng Bathala. "Sana hindi matulad sa mga Nag daang Digmaan ang magaganap saating Hinaharap" Sambit ni Mira ng Hawakan ni Lira ang Kamay ng kanyang Pinsan.

"Nakakasigurado naman ako na hindi tayo pababayaan ni Bathalang Emre" Sambit ni Lira ng Mapangiti ang Kanyang Pinsan. "Alam mo bang kay tagal kong Inintay na makausap kang muli ng hindi ka galit sa kahit sinong Nilalang sa Encantadia" Sambit ni Mira ng Mapangiti si Lira. "Simula kasi ng mamatay si Inang Amihan, Ang laki ng pinag bago mo" Malungkot na Pinag masdan ni Mira ang Kanyang Pinsan.

"Ngunit hindi naman kita masisisi, Masakit mawalan ng Magulang" Dagdag ni Mira ng Humugot ng malalim na Hininga si Lira. "Poltre" Maiksing Sagot ni Lira sa Kanyang Pinsan. "Alam kong mali na ipag tabuyan kayo noon, pero yun lang kasi yung nasa isip ko non eh sobrang Sakit nung nawala si Inay, at sa tuwing nakikita ko kayo noon na masaya nasasaktan ako dahil akala ko Hindi ko na ulit nararanasan yon" Paliwanag ni Lira Habang Nakatingin sakanyang Pinsan.

"Alam mo Lira, Na Miss kita" Sambit ni Mira dahilan upang Mapangiti ang kanyang Pinsan. "Lalo na yung kakulitan at ka ingayan mo" Dagdag ni Mira na ikinagulat ni Lira. "Grabe parang ako lang ang Maingay ah" Natatawang Sagot ni Lira ng Mag simula Silang mag tawanan dalawa. "Na Miss din kita Bessy" Sambit ni Lira dahilan upang Mapangiti silang dalawa habang inaalala ang mga Alaalang pinag saluhan nilang dalawa noong sila ay mga Diwani Palamang.

"Sinong mag aakalang Ang mga Pilyang Diwani noon ay mga Matatapang na Sanggre na ngayon" Sambit ni Aquil kay Azulan at Imaw habang pinag mamasdan nila ang Dalawang Sanggre na mag kausap sa silid Sambahan. "Nakakatuwa na makitang ganyan kasaya si Lira, Kay tagal na ng huli kong makita si Lira na ganyan" Sambit ni Nunong Imaw ng Lumapit si Ybrahim sa mga Lalaking nag uusap.

"Napaka Laki ng naging Epekto ng pag kawala at pag balik ni Amihan kay Lira Kaya Hindi nakakagulat ang pag abbago sa ugali ng aking anak" Sambit ni Ybrahim ng mapatingin sa gulat sakanya ang mga Ito. "Andyan Ka pala Rama Ybrahim" Sambit ni Aquil ng Tumango si Ybrahim. "Kay Sarap pag masdan na Mag kasundong muli ang Mag Pinsan" Sambit ni Ybrahim na agad na Sinangayunan ng mga Kausap nya.

"Nakakasigurado akong nasa magandang Pangangalaga ang Encantadia sa Hinaharap dahil sakanilang Dalawa" Sambit ni Azulan na Sinangayunan ni Aquil. "Sayang at Tinanggihan ni Lira ang Kanyang Karapatan sa Trono ng Lireo nakikita ko sya bilang isang Magiting na Reyna" Sambit ni Imaw ng Bumuntong hininga si Ybrahim. "Hindi na mababago pa ang isip ni Lira, Ngunit hindi ibig sabihin nito na Hindi sya maaring mamuno dahil nariyan pa din ang Sapiro na kanyang Ikalawang Tahanan sakaling naisin nya maging Hara" Sagot ni Ybrahim ng mapatingin sakanya si Azulan.

"Ngunit hindi ba si Almira ang susunod sa iyong Yapak bilang Rama ng Sapiro?" Tanong ni Azulan ng Bumuntong hininga si Ybrahim. "Nais namin na sya nga ang Sumunod sa aking Yapak ngunit Alam kong may iba syang nais gawin, nahihiya lamang sya mag Sabi saakin" Sagot ni Ybrahim sa Rama ng Hathoria.

"Mahabaging Emre, Tunay ngang may kaharian sa Labas ng Encantadia" Sambit ni Pirena ng Tumigil ang kanilang sasakyan sa harapan ng isang Malaking Palasyo na Punkng puno ng Nyebe. "Ihanda nyo ang inyong mga sandata sigurado ako na mapapalaban tayo" Sambit ni Amihan ng Tumango qng kanyang nga Kapatid.

"Amihan Sandali" Agad na napatigil sa pag lalakad si Amihan ng marinig nya ang boses ng kanyang Kapatid na hara. "Bakit Alena?" Ng tatakang Tanong ni Amihan ng Ilabas nya ang Brilyante ng Hangin at Diwa.

"Ikaw ang Syang nararapat mangalaga nito" Sambit ni Alena ng Mapatingin si Amihan sa kanyang Mga Kapatid. "Tanggapin mo na Amihan, Ma Poprotektahan ka nito sa mga Vedalje" Sambit ni Pirena ng Tumango ang kanyang Nakababatang Kapatid.

"Avisala Eshma" Sambit ni Amihan ng Tanggapin nya ang Brilyante mula sa kanyang Kapatid. "Saan natin hahanapin si Almira?" Tanong ni Danaya ng mag Katinginan silang nag kakapatid.

"Ashti Amihan, bakit hindi ka Humingi ng tulong sa iyong Brilyante?" Tanong ni Kahlil ng mapangiti si Amihan. "Brilyante ng Hangin Inuutusan kitang ituro mo saamin kung nasaan si Almira" utos ni Amihan ng Lumabas sa Brilyante ang isang Hangin na nag turo sakanila papunta sa Silid na Kinaroroonan ng Diwani.

"Sundan na natin" Sambit ni Pirena ng mag simula silang mag lakad patungo sa silid na tinuturo ng Brilyante ng Hangin.

"Almira wag mong pagurin ang iyong sarili, mabibigo ka lang" Sambit ni 'Amihan'  habang pinag mamasdan nya ang Diwani na nag susubok na tanggalin ang kanyang Kadena. "Dapat pala Nakinig ako kay Edea Lira nung tinuturuan nya ako sa pag gamut ng Kapangyarihan" Buntong hiningang Sambit ni Almira ng Bumagsak sya sa Sahig dahil sa Pagod.

"Mukang di na nga tayo makakaalis dito" Sambit ni Almira ng mapatingin sakanya si 'Amihan' "Wag kang mawalan ng pag asa nakakasigurado ako na Hinahanap kana ng Magulang mo" Pag papagaang ni 'Amihan' sa loob ni Almira. "Kahit Hanapin nila tayo hindi naman nila alam kung nasaan ang Kaharian na ito, kailangan nalang natjng tanggapin na hindi na tayo makakatakas dito" Malungkot na Sambit ni Almira ng makita nila ang kulay asul na Hanging pumasok sa kanilang Silid.

"Ano ito?" Nag tatakang Tanong ni 'Amihan' ng Mapatingin si Almira sa Pinag mulan nito. "Inay?" Sambit ni Almira sa Kanyang Isip ng mag Bukas ang Pintuan ng Silid. "Almira" Sambit ni Danaya ng Makita nya ang kanyang Hadiya na Nakagapos.

"Ashti Danaya!" Masayang Sambit ni Almira ng Lumapit si Amihan sa kanyang Kapatid. "Ina?" Gulat na Tanong ni Almira ng Tumakbo papalapit si Amihan sa kanyang Anak. "Ina Buhay ka" Sambit ni Almira habang Hawak ng kanyang Ina ang kanyang Mukha.

"Paano nyo ako nahanap?" Nag tatakang Tanong ni Almira ng Mapatingin si Danaya at Alena kay Amihan, Ybarro at Kahlil. "Nag balik sina Amihan, Ybarro at Kahlil sa Encantadia upang Tulungan kami na mahanap kayo" Sagot ni Alena ng Yumakap muli si Amihan kay Almira.

Habang si Pirena ay Takang takabg pinag mamasdan ang Diwatang Kasama ni Almira sa Silid. "Pirena kailangan namin ng Brilyante ng Apoy upang Masira ang Gapos ni Almira" Sambit ni Danaya ng Mapansin nila na hindi nakikinig ang kanilang Panganay na Kapatid sakanila.

"Pirena?" Tanong ni alena ng hawakan nya ang kanyang Kapatid dahilan upang bumalik ito sa Kanyang Realidad. "Kailangan ni Almira ng iyong Tulong" Sambit ni Danaya ng Tumango si Pirena at Lumapit sa kanyang Hadiya upang sirain ang Gapos nito.

"Bakit ganyan ang tingin mo sa Diwatang Iyan Pirena?" Nag tatakang tanong ni Ybarro sa Hara ng Hathoria. "Sapagkat, Matagal na dapat syang Patay" Sagot ni Pirena ng Tulungan ni Almira na matanggal ang Gapos ni 'Amihan'

"Sino ba sya?" Tanong ni Amihan kay Pirena. "Sya ang Kapatid ng ating Ina, Sya si 'Amihan'












______________________________________

The Two Amihan Finally Met, at nailigtas na nila si Almira. Ano satingin nyo ang magiging reaksyon ni Mitena kapag nalaman nyang nakatakas ang dalawa milang bihag? Abangan sa susunod na Kabanata!!

baka malito kayo, Kapag Ang nakasulat ay Amihan yan yung Anak ni Minea

Kapag naman 'Amihan' yan yung Kapatid ni Minea

btw sorry late nanaman ako nakapag upload busy lang hehe

Shadows of The Past Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon