Kabanata 5: Kahit isang Gabi lamang

58 8 4
                                    

"Hindi mo na maari pang ibalik ang Nawalang panahon Anak, alam kong mahirap ang hindi mo makasama ang mga anak mo, naranasan ko din yan noon nang mawala ako sa piling nyo ngunit kailangan kong mag pakatatag dahil nabubuhay pa kayo, at yun din ang dapat gawin mo" Sambit ni Minea ng Haplusin nya ang Likod ng Kanyang Tumatangis na anak.

"Ngunit Ina, Tiniis ko na sila noon, Tiniis ko na na hindi sila panoorin o makita ngunit hindi ko kaya kunv mabibigyan lang sana ako ng kahit isang Gabi lang na madalaw sila" Sambit ni Amihan ng Marinig nila anv Yabag ng Bathala ng Devas na papalapit sakanila.

"Bathalang Emre" Sambit ng mag ina ng agad na pinunasan ni Amihan ang kanyang mga Luha. "Yan ba talaga ang nais mo Amihan?" Tanong ni Emre ng Mapatingin si Amihan sa kanilang Bathala. "Opo mahal na Emre Kahit isang Gabi lamang po basta makita ko kang sila" Sambit ni Amihan ng Mapangiti ang Bathala ng Devas.

"Kung yan ang nais mo pag bibigyan kita, ngunit Kailangan mong makabalik sa Devas kung hindi mag kakaroon ng masamang kapalit ito" Sambit ni Emre ng Tumango si Amihan. "Ilahad mo ang kamay mo Amihan" Utos ng Bathala ng Devas ng sundin ni Amihan ang Sinabi sakanya.

Unti unting umilaw ang Palad ni Amihan na ikinagulat nya dahialn Upang mapatingin sya sa bathala. "Ibabalik ka ng liwanag na yan sa Encantadia, Ngunit kailangan mong makabalik sa Devas sa Oras na mawala na ang Liwanag sa iyong Palad" Sambit ni Emre ng Tumango si Amihan.

"Maraming Salamat Mahal na Emre" Nakangiting Sambit ni Amihan ng hawkana ni Emre ang Balikat ni Amihan. "Huwag mo nang sayangin ang iyong Oras, humayo kana" Utos ni Emre ng Ibuka ni Amihan ang Kanyang Palad na nag labas ng Liwanag na nag dala sakanya Pabalik ng Encantadia.

"Maraming Salamat Bathalang Emre sa ginawa ko saaking anak" Sambit ni Minea ng mapangiti ang Bathala. "Maliit na Bagay, Karapatdapat na magantimpalaan si Amihan ng sandaling panahon kasama ang kanyang Pamilya bago ko sya tuluyang Buhayin muli" Sambit ni Emre ng Mapangiti si Minea.

"Hindi naako makapag hintay na Mag kasama sama muli ang aking mga Anak, gayon na din si Ybarro at Kahlil kay Alena" Nakangiting Sambit Ni Minea ng ibaling nya ang Tingin sa mga Nagaganap sa Encantadia.

"Tay di ka pa po matutulog?" Nag tatakang Tanong ni Lira ng madaanan nya sa Hapag kainan ang kanyang Ama. "Hindi pa anak, may Kailangan lamang akong tapusin" Sagot ni Ybrahim ng Iabot ng Dama anv Baso ng Tubig sa Sanggre.

"Babalik na po ako sa Kwarto Tay, Pahinga na po kayo" Sambit ni Lira ng Tumango si Ybrahim. "Mga Dama, Mag pahinga na din kayo malalim na ang Gabi" Utos ni Ybrahim ng Tumango ang nga Dama ng Sapiro bago nila iwanan ang Rama na mag Isa sa silid. Dahan dahang Iniyuko ni Ybrahim ang Napaoagod nyang ulo sa Lamesa sa Hapag kainan, Kanyang Ipinikit ang kanyang mga mata upang maipahinga ang napapagod nyang mata.

Malalim na Ang Gabi ng Makarating si Amihan sa Kaharian ng Sapiro. Tulog na halos ang Lahat ng Sapiriang Naninirahan dito ng Makita nyang nag lalakad si Lira Patungo sa Silid nito dala dala ang Baso ng tubig. Susundan na Dapat ni Amihan ang Anak sa Silid nito ng Maalala nya ang isang Paslit na noon pa nya nais makita.

"Deia" Bulong ni Amihan ng Makarating sya sa Silid ng Kanyang Nahihimbing na Anak. "Dahan dahan syang Nag lakad papalapit sa Higaa ng anak at marahang tumabi Dito. Hindi mapigilan ni Amihan ang Maluha habang Hinahaplos nya ang Buhok ng Kanyang Bunsong Anak.

"E Correi Diu Deia" Bulong ni Amihan sa Kanyang Anak ng Halikan nya ang Noo nito ng maramdaman nya ang Pag dilat nito. "S-sino po kayo?" Gukat na Tanong nito ng Agad agad na Lumayo si Deia sa kanyang Ina. "Deia Wag kang matakot hindi kita sasaktan" Sambit ni Amihan ng Lumayo sya sa higaan ng Anak upang mabawasan ang Takit nito.

"Wag kang matakot, Hindi kita sasaktan, Anak" Sambit ni Amihan ng Kumunot ang Noo ng Munting Paslit. "Anak?" Nag tatakang tanong nito ng tumango si Amihan. "Ina" Bulong ni Deia ng Mapangiti si Amihan, "Kay tagal kong hinintay ang pag kakataong makita ka Anak" Naluluhang Sambit ni Amihan ng Agad agad na Tumakbo papalapit si Deia sakanya Upang Yumakap.

Shadows of The Past Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon