"Sa Mundo ng mga Tao?" Gulat na Tanong ni Amihan ng Tumango si Cassiopeia. "H-hindi ko nais lumayo sa aking Pamilya" Tumatangis na Sambit ni Almira ng Mapayuko si Cassiopeia. "Hindi nyo ba magagawan ng paraan ang iyong apwe ng saganon ay hindi na malayo pa saamin ang aming hadiya?" Tanong ni Alena ng Mapatingin sakanya ang Bathaluman.
"Sa ngayon ay hindi pa namin alam ang mga kakayahan ni Mitena, Magiging Delikado para sa Encantadia kung gagawa agad kami ng Aksyon patungkol sakanya" Sagot ni Cassiopeia ng Mapatingin sakanya si Pirena. "Kayo ay mga Bathala ano't hindi nyo siya kayang Kalabanin?" Nag tatakang Tanong ni Pirena na may halong panlalait sa Diwata.
"Sheda Pirena" Babala ni Danaya sa kanyang Nakatatandang Kapatid. "Mas mabuti na mag ingat na si Almira Ngayon palang ng saganon ay hindi na umabot pa sa Malalang sitwasyon ito" Sagot ni Danaya ng Ibaling nya ang Tingin sa kanyang Apwe.
"Hindi ito Permanente Amihan, pansamantala lang hanggang sa masiguro na maayos na sa Encantadia" Sambit ni Danaya sa kanyang kapatid at sa Asawa nito. "Kung ito ang makakabuti saaking anak" Sambit ni Ybrahim ng Hawakan nya ang Kamay nito.
"Ihahatid namin sya sa Lagusan pag angat ng Araw" Sambit ni Amihan ng Punasan nya ang Luha ng Kanyang Anak. "Aayusin muna namin ang kanyang Gamit" Dagdag pa ni Amihan bago nila lisanin ang Punong Bulwagan.
"Bakit ba kung kelan nagiging masaya si Amihan, saka nag kakaroon ng problema tila ayaw ata ng bathala na maging masaya ang ating Kapatid" Sambit ni Danaya sa kanyang Dalawang Kapatid ng maiwan sila sa puning Bulwagan.
"Naawa naako kay Amihan, Wala nang magandang nangyari sa Pamilya nila" Sambit ni Pirena habang Nakatingin sa kanyang nga Kapatid. "Ang maari lamang nating gawin ay mag pakatatag para sakanya, at Gawin ang lahat upang maibalik ang Kapayapaan sa Encantadia ng saganon ay Maging Masaya na ang ating apwe" Sambit ni Alena sa kanyang mga kapatid.
"Kailangan po ba talaga na umalis ako?" Tanong ni Almira habang Pinag mamasdan ang kanyang Magulang na inaayos ang Kaniyang Gamit. "Kailangan ka naming protektahan laban sa Mitena na iyon" Sagot ni Ybrahim habang Nakatingin sa kanyang Anak ng Lumapit si Almira dito.
"Hindi naman po ako sasaktan ni Mitena eh" Pag dadahilan ni Almira ng Tumigil si Amihan sa kanyang Ginagawa. "Anak, Hindi porket kalahati sya ng pag katao mo ay hindi kana nya sasaktan, Naalala mo ba ang Kwento namin sayo noon tungkol sa Ama ng iyong Ashti Pirena? Nagawa nyang saktan ang aking Kapatid kahit pa anak nya iyon hindi tayo Makasiguro na mabuti ang intensyon saiyo ni Mitena" Paliwanag ni Amihan sa kanyang Anak ng Mag bukas ang Pintuan ng silid ng Dalaga.
"Avisala Rama, Hara, Almira" Pag bayi ni Imaw ng Dumating ito kasama si Alena, Danaya at Pirena. "Naparito kami upang ibigay ito saiyo Almira" Sambit ni Alena ng Iabot nya sa Diwani ang Isang mahabang lalagyan.
"Magagamit mo yan sa Mundo ng mga Tao, Ng Saganon kung may makaalam man sa tunay ming pagkatao maari mong burahin ang kanilang alaala at mamuhay ng Mapayapa" Paliwanag ni Alena ng Buksan nya ang lalagyan kung saan naka Lagay ang isang Mahabang Kahoy.
"Kuhanin mo ito Almira, nag mula ito sa Kaharian ng Adamya pang taboy ito sa masasamang nilalang na nais Lumapit saiyo" Sambit ni Imaw ng Iabot nya ang Isang Kwintas sa Dalaga. "Maraming Salamat nunong Imaw" Nakangiting Sambit ni Almira ng Kuhanin nya ang Kwintas sa kamay ng Adamyan.
"Nandito kami upang bigyan ka din ng basbas" Sambit ni Danaya ng Ilabas nilang Tatlo ang kani kanilang mga Brilyante. "Aming Mga Brilyante, Bigyan mo ng Proteksyon si Almira na magagamit nya habang sya ay nasa Mundo ng mga tao, isang Proteksyon na magagamit nya laban sa mga nilalang na nais dyang gawan ng masama" Sambit ni Pirena ng mag ilaw ang tatlong Brilyanteng hawak ng mag kakapatid.
"Hindi ba maaring Samahan ko si Almira sa Mundo ng mga tao? minsan na akong Nanirahan doon" Sambit ni Ybrahim ng Bumuntong hininga ang Matandang Adamyan. "Poltre Rama Ybrahim, Ngunit Mag dududa ang nga Vedalje kapag nawala ang isa sainyo sa Encantadia at Dadali para sakanila ang Kuhanin si Almira" Sagot ni Imaw ng Tumingin si Almira sa Kanyang Ama.
"Huwag kang mag alala Ama, Magihing maayos ako sa Mundo ng mga Tao" Paninigurado ni Almira ng Yakapin nya ang Kanyang Ado. "Tayo na?" Tanong ni Alena ng Tumango si Almira. "Maiiwan nalamang kami ni Danaya" Sambit ni Pirena ng Lumapit si Almira sa dalawa upang mag paalam. "Ipaalam nyo nalang po ako sa mga Diwani" Habilin ni Almira sa Kanyang Dalawang Ashti bago nila lisanin ang Lireo.
"My God anong oras na, asaan naba yung Mokong na yon?" Naiinip na Tanong ni Miguel habang patuloy na tumatawag sa Cellphone nya. "Bwiset! Saang High way naba dumaan yon?" Tanong nya sa sarili habang nakatayo sa Tapat ng Kalsada.
6:00 am na ng Umaga at may usapan sila ng Kapatid nya na mag kikita sila sa Mismong lugar na Kinatatayuan para Puntahan ang Isang Property na Lilipatan nila kasama ang Pinsan nila.
"Kuya!" Sigaw ng isang Kulot na lalaki ng Tumigil ang sasakyan nito sa tapat ni Miguel. "Bakit ang tagal mo?" Inis na Tano ni Miguel ng itaas ni Elias ang dalawang kamay nya na parang nasuko sa Kapatid nya.
"Bakit kasi ang aga aga nating pupunta doon, at bakit sasakyan ko ang gagamitin natin hindi nalang yung iyo?" Tanong ni Elias sa Nakatatandang Kapatid nya. "Papaalala ko lang na tatlong Oras ang layo ng pukuntahan natin isa pa nasa Talyer yung sasakyan ko" Sagot ni Miguel ng simulan nya ang pag papatakbo ng sasakyan.
"Asnamon Voyanazar" Sigaw ni Alena ng mag bukas ang Lagusan patungo sa mundo ng mga Tao. "Mag iingat ka Sa Mundo ng nga Tao Almira" Sambit ni Alena ng Yumakap sya sa kanyang Hadiya. "Avisala Eshma Ashti Alena" Nakangiting Sambit ni Almira ng Tumingin ito sa kanyang mga Magulang.
"Alam kong Mahihirapan ka sa Mundo ng mga Tao, Ngunit kakailanganin mong mag tiis lalo na't kakaiba ang vawi nila saatin" Panimula ni Amihan ng ayusin nya ang Kasuotan ng Anak. "Kuhanin mo ang mga Ginto na ito, makakatulong iyan sayo upang Mamuhay sa Mundo ng mga Tao" Dagdag pa ni Amihan ng halikan nya ang Noo ng kanyang Anak.
"Mag iingat ka doon Mahal ko" Sambit ni Amihan ng Yakapin nya ang Kanyang Anak. "Wag kang mag atubili na Mag hanap ng paraan upang Humingi ng tulong saamin kung kinakailangan Anak, Gabayan ka nawa ni Emre za iyong pag lalakbay mag iingat ka" Sambit ni Ybrahim ng Yakapin nya ang Kanyang Dalagang Anak.
"E Correi Diu Ada, Ado" Sagot ni Almira ng Yakapin nya ng sabay ang Kanyang mga Magulang. "Kuhanin mo ang Susi na ito Almira ng saganon ay Makakabalik ka sa Encantadia Sa itinakdang Oras" Sambit ni alena ng i abot nya sa Kanyang Hadiya ang Susi.
"Pero paano Po kayo? paano po pag Kinailangan nyong mag tungo sa mundo ng mga tao upang lumikas?" Tanong ni Almira na may pag aalala sa kanyang Tinig. "Huwag kang mag alala, andyan pa naman ang lagusan ng mga Badido" Sagot ni Alena ng Kuhanin ni Almira ang Susi sa kanyang Ashti.
"Avisala Meista Ashti Hara" Sambit ni Almir ang Yakapin nya si Alena. "Avisala Meista Ina, Ama" Dagdag pa nito habang Nakatingin sakanyang mga Magulang bago nya ito Yakapin sa Huling Beses bago Nya Pasukin ang Lagusan patungo sa kabilang Mundo.
_____________________________________
Ano kaya ang maging kapalaran ni Almira sa mundo ng mga tao? Abangan sa Susunod na mga Kabanata!!.
BINABASA MO ANG
Shadows of The Past
FantasyMasyado kayong nagiging Kampamte sa Inyong Mundo mga Diwata. Ngunit Hindi ako titigil Hanggat Hindi ko nakukuha ang Hustisya sa lahat ng Ginawa nyo saakin -Hara Mitena