Kabanata 20: kapalit ng Anak

46 2 1
                                    

"Mahal na Diwani, Maari na ba tayong bumalik sa Lireo? Malapit nang sumapit ang Dilim" Sambit ni Marikit habang pinag mamasdan nya ang Kanyang Alaga na kumukuha ng Bulaklak mula sa Labas Ng Palasyo.

"Sandali nalamang Marikit, Patapos naako" Sagot ni Deia ng Kuhanin nya ang Kulay Asul na Bulaklak. "Marikit Maganda ba?" Tanong ni Deia habang Pinapakita nya sa Dama ang Kumpol ng Bulakla na Hawak nya.

"Maganda Mahal na Diwani" Sagot ni Marikit ng mapangiti si Deia, "Satingin mo magugustuhan ito ni Ina?" Tanong muli ng Paslit ng Tumango naman si Marikit.  "Ngayon ay maari naba tayong mag balik sa Lireo?" Tanong ni Marikit ng Nakangiting Tumango si Deia.

"Kukunin ko lamang ang aking Balabal" Sambit ni Deia ng Mag lakad sya patungo sa Isang Bato kung saan nya nilagay ang kulay asul na Balabal. "Maari na tayong Umalis Marikit" Sambit ni Deia ng mapansin nya ang pag patak ng malamig na bagay sa kanyang Katawan.

"Marikit ano ito?" Nag tatakang Tanong ni Deia habang pinag mamasdan nya ang Unti unting Pag bagsak ng Malamig na Bagay mula sa kalangitan. kasabay nito ang pag lakas ng Hangin sa Labas ng Palasyo ng Lireo at ang paninigas ng mga Halaman sa kanilang Kapaligiran.

"Mahal na Diwani tayo na at bumalik ng Palasyo!" Nag mamadaling Sambit ni Marikit ng Dumating sa kanilang Kinaroroonan ang Isang Mineavean kasama ang mga kawal nito.

"At saan kayo pupunta?" Tanong ni Alejandro ng Harangin nya ang Dalawang pabalik ng Palasyo. "Sheda! Wag kayong lalapit!" Babala ni Marikit ng matawa si Alejandro.

"Sino ka Para Sundin ko?" Tanong nito ng Utusan nito ang mga kawal na kuhanin ang Paslit mula sa Dama. "Bitawan nyo ako!" Pag pupumiglas ni Deia habang Patuloy na Hinahampas ang mga Kawal sa kanyang tabi.

"Bitawan nyo ang Diwani!" Sigaw ni Marikit ng Ihampas ni Alejandro ang Kanyang Sandata sa Dama dahilan upang Mawalan ito ng Malay. "Marikit!" Sigaw ni Deia ng makita nya ang Ginawa ng Binata sa kanyang Dama.

"Bitawan nyo ako o gagawin kitang isang Agodo!" Sigaw ni Deia dahialn upang Matawa si Alejandro at ang mga Kawal na Kasama nito. "Tulong!" Sigaw ni Deia ng Takpan ng Kawal ang Bibig ni Deia ng Isang Tela na may Pampatulog dahilan upang mawalan ng Malay ang Paslit.

"Matutuwa si Hara Mitena kapag nakita ka" Sambit ni Alejandro habang Pinag mamasdan ang Paslit na Buhat buhat ng mga Kawal. "Deia!" Agad na napalingon si Alejandro ng Marinig nya ang tinig ng Panganay na Kapatid ng Paslit.

"Humayo na tayo!" Sambit ni Alejandro ng Lisanin nila ang Hardin ng Lireo kasama ang Munting Diwani.
"Deia Nasaan kayo?" Nag tatakang Tanong ni Lira ng Makita nya ang Walang Malay na Dama sa Sahig.

"Marikit! Marikit!" Pag kaskas ni Lira sa Dama ng Kanyang Kapatid Hanggang sa Bumalik ang Malay nito. "M-mahal na Sanggre" Sambit nito ng Mag balik ang Kanyang Malay.

"Si Deia?" Agad na Tanong ni Lira ng mapansin nya ang Takot sa Mukha ng Dama. "May mga Encantado na Kumuha sakanya, Mahal na Sanggre" Sambit nito Habang pinag mamasdan ni Lira ang kanilang Nag yeyelong Paligid.




"Magandang Umaga" Agad na napalingon si Athena ng Marinig nya ang Pag bati ni Almira mula sa kanyang Likuran. "Ikaw pala, Good Morning Den Almira" Nakangiting Sambit ni Athena ng Tumango si Almira.

"Edea Almira" Agad na napalingon si Almira ng marinig nya ang Bulong sakanya ng Hangin. "Deia?" Bulong nya ng Kumunot ang Noo ni Athena.
"May sinasabi ka?" Tanong ni Athena ng Umiling si Almira.

"W-wala" Nag aalangang Sagot ni Almira habang iniisip ang Narinig nyang Boses. "Wanna join me for Breakfast?" Tanong ni Athena ng Umiling si Almira, "Hindi na po, ayos lang ako" Sagot ni Almira ng Iwanan nya si Athena za Hardin.





"Anong ibig mong sabihin?" Gulat na Tanong ni Amihan ng Mapayuko ang Damang kanyang Kausap, "Amihan Kumalma ka, hayaan mo munang mag salita si Marikit" Pag papakalma ni Danaya sa kanyang Nakatatandang Kapatid ng Marinig nila ang Kwento nito.

"Hindi ko ho kilala ang Kumuha sakanya, ngunit ang alam ko ay Bigla nalamang Lumamig sa paligid bago dumating ang mga Kakaibang Encantado na iyon" Sambit ni Marikit ng maikuyom ni Amihan ang Kanyang mga Kamay.

"Nakasisigurado akong Mga Alagad ni Mitena ang Kumuha sakanya" Sambit ni Amihan habang pinipigilan nya ang kanyang sarili na sumabog sa galit. "Mga Sanggre may Kailangan kayong makita" nag mamadaling Sambit ni Aquil ng Dumating ito sa Punong Bulwagan.

Agad agad na sinundan ng mag kakapatid ang Mashna ng Lireo patungo sa Asotea kung saan kitang kita ng dalawa nilang mata ang Pag babago ng panahon sa Paligid ng Palasyo. Unti unting binabalot ng Nyebe ang Lireo mula sa mga puno Hanggang sa mga Kabahayan na nakapalibot dito.

"Nakasisigurado akong hindi papayag si Mitena hanggat hindi nya kami nakukuha ni Almira" Sambit ni 'Amihan' nang Sumunod ito sa mag kakapatid. "At sigurado akong pahihirapan nya ang Encantadia hanggat di nya nakukuha ang gusto nya" Dagdag pa nito ng mag katinginan ang Mag kakapatid.





"Mahal na Hara, andito na ang Inyong Pinapadakip" Sambit ni Alejandro ng ilapag nya sa dahig ang walang malay na Diwani. "Kay gandang Paslit" Papuri ni Mitena sa Paslit ng iangat nya ang Mukha nito.

"kaawa awang Paslit" agad na nag bago ang tono ng boses ni Mitena ng mapansin nya ang pag kakahawig ng Paslit sa Ina nitong Si Amihan. "Iwan nyo kami" Ma Awtoridad na utos ni Mitena ng sumunod ang lahat Sakanya.

"Kung hindi nakialam ang iyong Ina sana ay hindi kana madadamay pa" Sambit ni Mitena ng Ilabad nya sa kanyang Palad ang Isang kakaibang Brilyante, mas malaki ito kumpara sa hawak ng mag kakapatid na Sanggre ngunit hindi kasing lakas lalo na kung mag iisa ang Lima.

"Aking Brilyante, Inuutusan kita na Balutin mo ng Yelo ang Puso ng Munting Diwani, tanggalan mo ng init ang kanyang Katawan Hanggang sa hindi na muli pang bumalik ang kanyang Malay" Sambit ni Mitena ng mag ilaw ang Kanyang Brilyante.

Unti unting Binalot ng liwanag ang katawan ng Paslit, ang maitim na kulay ng Buhok nito ay unti unting nababahiran ng kulay puti habang ang unti unting nanlalamig ang katawan ng Paslit Hanggang sa hindi na ito makagalaw.

"Alejandro!" Sigaw ni Mitena ng daki daling dumating ang Kanyang Alagad na Binata. "Bakit mahal na Reyna?" Tanong ni Alejandro ng ituro ni Mitena ang Paslit sa Sahig. "Dalhin nyo ang Paslit sa Kagubatan ng Encantadia kung saan madali syang makikita ng kanyang pamilya" Utos ni Mitena dahilan uoang Kumunot ang Noo ng Binata.

"ngunit Bakit?" Nag tatakang Tanong nito, "Sabihin nalang natin na Matatagalan bago muling mag mulat ang Kanilang minamahal na Diwani" Natatawang Sambit ni Mitena ng Buhatin ni Alejandro ang Walang malay na Diwani.










______________________________________

Ano satingin nyo ang mangyayari kay Deia?? abangan sa susunod na Kabanata!!!

Shadows of The Past Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon