" Mga Mahal na Hara, Kailangan nyong sumama saamin" Sambit ng isa sa mga Kawal ng Agad na Tumango ang Mag kakapatid na Sanggre. Agad nilang sinundan ang Kawal patungo sa Kagubatan kung saan Nakita nila ang nag kukumpulang mga Diwata.
"Anong nagaganap dito?" Tanong ni Pirena ng Agad na nag silayuan ang mga Diwata sa Isang Katawan na nakatakip ng Isang Tela. "Sino ang nasa Ilalim na Tela?" Tanong ni Alena ng Tanggalin ng Kawal ang Tela dahilan upang Makita nila ang walang Malay na Katawan ni Deia.
Dali daling Nilapitan ni Amihan ang Malamig na katawan ng Paslit. Agad na napuno ng Pangamba ang Lahat ng makita nila ang Naganap sa Paslit. "Tanda ba ito ng Panibagong Digmaan?" Tanong ng Isang Diwata ng Lapitan ni Danaya ang Kanyang Hadiya.
"Brilyante ng Lupa Inuutusan kitang pagalingin ang aking Hadiya" Utos nito ngunit walang naganap. Nanatiling malamig at walang Malay ang Katawan ng Paslit. "Bumalik na Tayo sa Palasyo" Nag Mamadaling utos ni Amihan ng Gamitin nilaa ng Ivictus upang makabalik sa Kaharian ng Lireo.
"Sukdulan na ang Kasamaan ni Mitena, Emre dapat na syang maparusahan" Sambit ni Cassiopeia ng Tumingin sakanya si Emre. "Ang tanong au kaya mo ba Cassiopeia? kaya mong Tapusin ang kasamaan ng iyong Kakambal?" Tanong ni emre ng Mapatigil si Cassiopeia at muling tiningnan ang nagaganap sa kanyang mga kalahing Diwata.
"Hindi ako papayag na si Mitena ang maging dahilan ng Pag bagsak ng Encantadia" Sambit ni Cassiopeia habang pinag mamasdan ang mga Diwata. "Anong nais mong gawin Cassiopeia?" Tanong ni Emre ng mapunta sakanya ang Tingin ng kapwa Bathala nya.
"Kakalabanin ko ang aking Apwe, Gagawin ko ang lahat maging buhay ko man ang kapalit" Sambit ni Cassiopeia habang Pinipigilan ang kanyang Sarili na umiyak habang sinasambit ang mga katagang iyon.
"Kay lamig ng kanyang Katawan" Bulong ni Alena habang Hawak hawak nito ang Kanang Kamay ng walang Malay na Diwani. Nag aalalang nakapalibot ang Lahat sa Diwani, nag aabang na ito ay baka sakaling mag mulat ngunit kahit anong Gawin nila ay walang nagaganap.
"Nakasisigurado akong si Mitena ang gumawa nito" Sambit ni Aquil ng Hawakan nya ang Balikat ng Asawa. "Kinuha ni Mitena ang Init ng katawan ni Deia" Dagdag ni Pirena ng Ilabas nya ang Kanyang Brilyante. "Hindi ko alam kung gagana ito ngunit naway gumana ito"Sambit ni Pirena ng utusan nya ang Brilyante na ibalik ang init sa katawan ng Paslit na agad namang sinunod nito.
"tila gumagana ito Pirena" Sambit ni Alena ng mag katinginan ang lahat. tila walang hangin sa Paligid kung nag pigil ang lahat ng hininga ha ang pinag mamasdan nila ang magaganap sa Diwani.
"Deia?" Mahinang Sambit ni Amihan ng makina nyang nag mulat ang mga mata nito. "Deia gising ka" agad na nakahinga nv maluwag si Amihan ng makumpirma nyang nag mulat nga ang kanyang Bunsong Anak.
"Hindi ko maunawaan Mahal na Reyna" Sambit ni Alejandro habang pinag mamasdan nila ang nagaganap sa buhay ng mga Diwata. Mahinang bulung bulungan ang syang nangingibabaw sa kaharian ng Mineave dahil sa pag tataka sa nagaganap sa kanilang Vedalje.
"Akala ko'y parurusahan mo ang mga diwata?" lakas loob na Tanong ni Andromeda ng Mapalingon sakanila ang Kanilang Reyna. "satingin nyo ba ay isa akong mangmang?" Tanong ni Mitena ng Mapatahimik ang Lahat.
"Alam kong gagawin ito ng mga diwata kaya nung una palang ang sinigurado ko na maibalik man nila ang Init sa katawan ng diwani ay hindi pa din sila mag tatagumpay, dahil hawak ko ang diwa ng Paslit kaya kahit magising si Deia ay hindi nila ito makakausap" Sambit ni Mitena ng Mag simulang mag palakpakan ang mga Mineavean.
"Hindi ko maunawaan, A-ano't hindi nag sasalita ang aming Anak?" Nag tatakang Tanong ni Ybrahim habang nakapalibot padin sakanya ang mga Sanggre. "Sapagkat kinuha ni Mitena ang Diwa ng Diwani" Sagot ni 'Amihan' ng Dumating ito sa Silid ng Paslit.
"Alam ni Mitena ang mga Kapangyarihan nyo kaya napag handaan nya na ang nga gagawin nya laban sainyo" Dagdag pa nito ng nag katinginan ang mga Sanggre. "Tila si Mitena ang magiging Katapusan ng mga Diwata" Sambit ni Mira ng sawayin sya ng kanyang Pinsan.
"Nag sasabi lamang ako ng totoo, Paano natin lalabanan ang nilalang na hindi natin alam Ang Kapangyarihan, hindi tayo maaring gumawa ng mga Hakbang ng hindi natin pinag iisipan ng mabuti sapagkat maari itong bumalik saatin" Dagdag pa ni Mira ng Tuluyan ng binalot ng pangamba ang Silid na kanilang Pinaroroonan.
"Isa lang naman ang nais ni Mitena hindi ba?" Tanong ni Lira ng tumingin sya kay 'Amihan'. "Ako at si Almira" Bulong ni 'Amihan' ng Agad agad na tumayo si Amihan. "Hindi natin Ibibigay ang nais ni Mitena, hindi natin isasakripisyo ang iyong Kapatid" Pag tutol ni Amihan sa Nais ipahiwatig ng kanyang Panganak na anak.
"At anong nais mo Inay? ang mapahamak ang Encantadia? hindi sa minamaliit ko kayo pero nakikita ko na ngayon pa lang wala na tayong laban sakanila, araw nalang ang bibilangin natin bago mabura ang ating lahi sa Encantadia" Pasigaw na Sambit ni Lira sa Kanyang Ina habang pilit nyang pinaiintindi sa ina ang nais nyang Ipahiwatig.
"Kakausapin ko si Mitena" Lakas loob na Sambit ni 'Amihan' habang Nakatingin sa mga Diwata. "Amihan hindi mo kailangang gawin yan" Sambit ni Ybrahim ng Umiling ito, "Alam kong ako at si Almira lamang ang nais nya, kung hindi nyo kami niligtas maaring nasa maayos na lagay ang diwani, gagawa ako ng paraan upang makuha ko ang lunas para sa Diwani" Sagot ni 'Amihan' ng Tumayo si Amihan upang yakapin ito.
"Avisala Eshma" Bulong ni Amihan ng Bumitaw sya sa pag kakayakap sa Kanyang Ashti. "Maliit na bagay para sa Pamilya" Sambit ni 'Amihan' ng mapangiti ang lahat sakanya.
"Tila may bisita ka mahal na Hara" Mapait na Sambit ni Andromeda habang pinag mamasdan nilang mag lakad si 'Amihan' papalapit sakanila. "Mabuti at Naparito ka aking Anak" Nakangiting Sambit ni Mitena ng akma nyang aakapin si 'amihan'.
"Hindi ako Naparito upang tanggapin ka" Walang Emosyong Sambit ni 'Amihan' ng mawala ang ngiti sa mga labi ng Hara. "Nais kitang makausap" Sambit nito ng tingnan nya ang mga Alagad nito. "Ng mag isa" pag tatapos nya habang Nakatingin ng masama kay Andromeda.
"Iwanan nyo kami" Agad na Sambit ni Mitena ng marinig nya ang nais ni 'Amihan'. "Anong nais mong pag usapan mahal ko?" Tanong ni Mitena ng mapapikit nalamang sa inis si 'Amihan' dahil sa pag tawag sakanya nito.
"Alam ko ang ginawa mo kay Deia, Nais kong ibalik mo ang Kanyang Diwa" Sagot ni 'Amihan' ng matawa si Mitena sa Sinabi nito. "Poltre Akala ko'y nag papatawa ka" Pag tigil ni Mitena sa kanyang tawa dahilan upang mainis sakanya si 'Amihan'.
"kailangan mo ba talagang idamay ang isang Paslit sa galit mo?" Singhal ni Almira ng Tumingin sakanya si Mitena. "Dalawa lang naman ang nais ko 'Amihan' ibabalik ko ang diwa ng Paslit na iyon kung ibabalik kayo saakin ni Amihan" Sambit ni Mitena ng huminga ng malalim si 'Amihan'.
"Pwes naririto naako, Kuhanin mo ako at ibalik mo ang diwa ni Deia!" Sigaw ni Mitena ng mapangiti ang Hara. "Mabuti at nag Desisyon kana agad" Sambit ni Mitena ng patamaan nya ng Kanyang Kapangyarihan di 'Amihan' dahilan upang mawalan it ng Malay.
"Pag binigyan ko ang iyong nais, ngunit hanggat wala si Almira ay hindi ko ibinigay ang kaligayan kay Amihan" Dagdag pa nito habang pinag mamasdan ang walang malay na Sanggre.
_____________________________________
Poltree sa matagal na walang update, ang busy lang talaga but i will try harder na mag update ulet as soon as i can sana nagustuhan nyo ang Kabanatang ito and see you next time bye.
BINABASA MO ANG
Shadows of The Past
FantasyMasyado kayong nagiging Kampamte sa Inyong Mundo mga Diwata. Ngunit Hindi ako titigil Hanggat Hindi ko nakukuha ang Hustisya sa lahat ng Ginawa nyo saakin -Hara Mitena