Kabanata 16: Pag dating sa Kabilang Mundo

46 5 2
                                    

"Tunay na napakalaki nga ng pinag kaiba ng Encantadia sa Mundo ng mga Tao" Bulong ni Almira habang nag lalakad sya sa Tapat ng Malaking Puno. Maliwanag na ang Kapaligiran at may nga tao na ding dumadaan sa Paligid kung kaya't pansin na ni Almira ang pag kakaiba ng suot nya sa Kasuotan ng nga Mortal.

"Miss Ba't ganyan suot mo Matagal pa Halloween ah" Pabirong Sambit ng isang Babae ng daanan nila si Almira. "Ate inet inet ganyan suot mo nakakaloka ka" Dagdag pa ng mga Kasama nito bago nila Iniwanan si Almira. "Kay sarap nilang Hugutan ng hininga" Inis na Bulong ni Almira ng Mag simula syang mag lakad papalayo sa kaniyang Kinaroroonan.

"Te Saan Costume party natin?" Tanong ng isang Lalaking nag iinom ng madaan sila ni Almira. "Tila kailangan ko na yatang palitan ang aking Kasuotan" Bulong ni Almira ng Makita nya ang Mga Sinampay na Nakasabit sa Tapat ng Isang Bahay.

Dali dali nyang Kinuha ang Iilang mga Damit sa Sinampay at Mga Sapatos na Naka patong sa isang Lamesa saka Nag iwan ng Dalawang Ginto bago dali daling Umalis sa Kinaroroonan nya.

"Tila matatagalan yata bago ako masanay sa Mundong Ito" Bulong ni Almira habang inaayos ang Damit na kanyang Suot. "Kay laki pala ng Mundo ng nga Tao" Bulong ni Almira habang Pinag mamasdan ang mga Sasakyan na Dumadaan sa kanyang Harapan.

"Ate ate may barya ka?" Agad na napalingon si Almira ng marinig nya ang Boses ng isang Batang Babae sa kanyang Harapan. "Barya?" Nag tatakang tanong ni Almira ng Pantayan nya ang Batang Babae sa kanyang Harapan.

"Oo Ate, Gutom na gutom na kasi ako eh" Sagot nito habang nakahawak sa kanyang Sikmura. "Patawad ngunit wala akong Barya pero mayroon ako ditong pag kain saiyo nalang" Sambit ni Almira saka Ibinigay sa Paslit ang Isang Lalagyan na punong puno ng Paneya at Prutas na Pinabaon sakanya ng kanyang mga Ashti.

"Wow Ate Salamat Po, Eto po sainyo nalang" Sambit ni Paslit ng iabot nito kay Almira ang Isang Kulay Asul na Pulseras. "Avisala Eshma" Sagot ni Almira ng Kumunot ang Noo ng Paslit. "Po?" Nag tatakang Tanong nito ng Mapangiti si Almira. "Oo nga pala Hindi kayo nag sasalita ng Enchan" Bulong ni Almira sa Kanyang Sarili bago ibalik ang tingin sa Paslit.

"Ang ibig kong sabihin ay Maraming salamat" Nakangiting Sambit ni Almira ng Mag Liwanag ang Mukha ng Paslit. "Saan po kayo nakatira Ate?" Tanong nito Ng Mapangiti si Almira. "Sa Totoo lang ay wala akong tirahan Paslit, kaya ako nag iikot baka sakaling may mahanap akong maaring tuluyan" Sagot ni Almira ng Hawakan ng Paslit ang kamay ni Almira.

"Sumama po kayo saakin, May alam po akonh pwede nyong tirahan" Sagot ng Paslit ng Hilahin nya si Almira papunta sa Taas ng Overpass.

"Magandang Umaga Mga Sanggre" Pag bati ng Dama ng Dumating ang mag pipinsan sa Hapag Kainan. "Magandang Umaga po" Sabay na Bati ni Lira at Mira bago sila Tumabi sa Mga Nakatatandang Diwata. "Ano't tila kay tahimik nyo po ata?" Nag tatakang Tanong ni Mira habang pinag mamasdan ang Katahimikan ng Mga Sanggre.

"Ina nasaan si Edea Almira?" Nag tatakang Tanong ni Deia habang Nakatingin ito kay Amihan. "Hindi muna natin makakasama si Almira sa Palasyo Hanggang sa makasiguro kami na Payapa na sa Encantadia" Sagot ni Ybrahim habang nag papatuloy ang mga Nakatatanda sa pag kain.

"Po? Nasaan po sya bakit hindi manlan po kami nasabihan?" Sunod sunod na Tanong ni Lira sa Kanyang Mga Magulang. "Lira Hindi namin maaring Sabihin sa kahit kanino ang tungkol sa bagay na iyan, mag dasal nalamang tayo na Maging payapa na ang Encantadia ng saganon ay makabalik na agad ang iyong Apwe" Sagot ni Pirena ng Tumango nalamang si Lira.

"Nanay! Nanay! may pag kain na tayo!" Pasigaw na Sambit ng Paslit habang hila hila nya patungo sa isang Babaeng nakaupo sa Overpass. "Saan galing yan?" Nag tatakang Tanong nito ng Mapatingin sya sa kasama ng kanyang Anak. "Anatha Sino yang kasama mo?" Bulong nito habang Nakatingin kay Almira.

"Sya po yung nag bigay nito Nanay" Nakangiting Sagot ng Paslit ng Ngumiti nalamang si Almira. "Nako Miss Salamat pero di mo naman kailangan mag bigay sa anak ko eh naka benta nako ako na bibili ng pag kain nya" Sambit nito ng Umiling si Almira. "Hindi po ayos lang, Hindi pa naman ako nagugutom sainyo nalamang iyan" Nakangiting Sagot ni Almira ng Mapangiti rin ang kausap nya.

"Ako nga Pala si Myla, Anak ko si Anatha ikaw anong pangalan mo?" Tanong ni Myla ng Tumayo ito habang si Anatha ay nag simula ng kainin ang Tinapay na bigay ni Almira. "Almira po" Magalang na sagot ni Almira ng makipag kamay sya Kay Myla.

"Nanay wala daw pong Tirahan si Ate baka po pwede sya muna satin habang nag hahanap sya ng titirhan" Tanong ni Anatha habang Nakatingin sa kanyang Ina. "Nako kung ako lang okay lang kaso sayo okay lang ba kasi sa tabi kami ng Riles ng tren nakatira?" Tanong ni Myla ng Ngumiti si Almira.

"Ayos lang naman po pero di po ba nakakahiya?" Tanong ni Almira ng Mapabuntong hininga si Myla. "Hindi naman kami lang naman dalawa ang tao sa bahay" Sagot ni Myla ng Makarinig sila ng isang Malakas na Pito. "Nako Nay ayan nanaman yung mga Pulis" Sambit ni Anatha ng mag simulang mag ligpit ang mga Tindera sa Overpass.

"Pasensya kana Almira hindi gaanong kaaya aya ang amoy dito samin" Natatawang Sambit ni Myla habang nag lalakad sila Sa tapat ng tabi tabi g Bahay. "Ayos lang Po" Sagot ni Almira kahit pa sa totoo lang ay naninibago sya sa mga Nakikita nya sa mundo ng mga Tao.

"Oh Myla Mukang May Ampon ka nanaman ah" Natatawang Biro ng mga Lasenggo habang Nakatingin kay Almira. "Pero Maganda ah" Sagot ng kasama nito ng Tingnan sila ng masmaa ni Myla. "Hoy Wag nyong papakialam tong alaga ko baka Itulak kita sa Riles ng tren mamaya" Babala ni Myla ng mag tawanan ang mga Lasenggo.

"Wag mo silang Pansinin Ate ganyan talaga yang mga yan" Sambit ni Anatha ng Makarating sila sa munting bahay ng Mag Ina. "Buksan mo nayung Gasera Anatha" Utos ni Myla ng Tumakbo si Anatha upang Buksan ang Dalawang Gasera na nag sisilbing Ilaw sa Munting Tahanan ng mag Ina.

"Nako Almira Pasensya na maliit lang bahay namin, yung Kwarto don sa Kabila walang natutulog doon doon ka nalang mag kwarto kami ni Anatha nandito lang" Sambit ni Myla ng Tumango si Almira.

"Matanong kita, Muka naman kasing hindi ka galing sa mahirap na Pamilya kung hindi nakaka offend bakit nag gagala ka sa Kalye at nag hahanap ng matitirahan?" Nag tatakang tanong nito ng makamot sa ulo si Almira.

"Nasaan ang mga Magulang mo?" Dagdag pa ni Myla ng mapabuntong hininga si Almira. "Kailangan konpo silang Iwan, may naganap po kasi sa aming Lugar kaya't kailangan naming maghiwahiwalay" Sagot ni Almira habang inaalala ang Kanyang Mga Magulang sa Encantadia.













____________________________________

Abangan ang susunod na Kabanata!!

ahhhh sorry di ako makapag update ng madalas Sobrang busy sa School eh😭

Shadows of The Past Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon