CHAPTER - 29

199 3 0
                                    

BEATRIX

Umaga ngayon at ako lang nandito sa bahay kasi si Ryzer pinilit kong pumasok sa opisina dahil andami na niyang leave at mukhang natambakan na nga sya eh. Si Xie ay pumasok na sa skwelahan bilang kindergarden kasama si Roxanne kasama ang driver nilang si Kuya Pio.

Kaya ako lang natira sa bahay nato pwera nalang sa mga kasambahay na ginagawa ang mga gawain nila sa bahay.

Nakakatamad lumabas lalo na at ang init pa ng panahon. Kaya ang ginawa ko nalang ay nilibot ang bahay at inuna ang labas.

Sa gate palang mamamangha ka na kasi kulay black ito at parang may glitters na totoong gold daw ayon kay Ryzer, sa taas ng gate at napapalibat ng matatalas na arrow para daw walang magtangkang mag akyat bahay.

May pool din itong korteng puso na malaki, sa patulis na bahagi ay nandoon ang hagdan niya para makababa sa pool may parte din na pwede sa mga batang gaya ni Xie.

Mayroon ding swing na ang design ng upuan ay kahoy at kadena naman ang hawakan nito abang ang sabitan ay isang matibay metal na tubo.

May kubo pa sa gilid na kung saan ay nagpapahinga ang ibang kasambahay at driver doon.

Pumasok ako sa sliding door na naka konekta sa garden at kitchen. Sa kusina andami ring kagamitan na mamahalin.

Habang naglilibot ay tumunog ang cellphone ko at nakita ko ang pangalan ni Paui na gustong makipag video call.

"BAKLA ANG GANDA NAMAN NG BG MO" tili niya ng maiopen ko ang tawag nito

"Bakla iback camera mo naman tas ilibot mo" saad niya sa akin o utos?

"Wi punta ka nalang kaya dito? Tutal wala naman sina Xie at Ryzer dito eh" nakangiting saad ko

"Di ko alam address" saad niya kaya natawa ako

"Text ko nalang sayo saka may surprise pa ako sayo" saad ko sa kanya

"OH MY GHAD may mga gwapo kayong trabaho? Ayy ge ako dyan ackla chat mo na bilisi" saad niya at inend pa talaga ang tawag namin

Tinext ko ang address ng bahay pero syempre nagpaalam muna ako kay Ryzer at sabi niya ok lang naman daw.

Nagpaluto ako kina Manang Wena ng tanghalian naming lahat at meryenda narin.

Nakaligo narin naman ako at nakainom na ng vitamins na reseta ni Frinzein. Hanggang ngayon kinakabahan parin ako pag naaalala ang sinabi ni Frinzein ng magpacheck up kami rito.

Pagkainom ko yun ay medyo nahilo ako konti pero sabi nga niya isa raw yun sa mga side effect niya. Doctor sya kaya alam kong tama sya.

Pagbaba ko ay wala pa si Paui dahil nagchat syang traffic daw kaya pumunta muna ako sa kusina para sana tumulong kahit magbake lang tutal alam ko naman yun.

Tungkol sa bakeshop ko naman ay pinaubaya ko na kay Paui ang lahat.

"Ayy ma'am umupo nalang po kayo" saad ng isang kasambahay na medyo bata pa ang itsura

"Gusto kong tumulong kahit paglalagay nalang ng icing" saad ko at kinuha ang isang icing para simulan na ang paglalagay

"Pero ma'am baka mapagod kayo" alalang sabi niya rinig ko pa ang mahinang tawa ni Manang Wena

"Hay naku Jeannette hayaan mo na si ma'am di mo ba alam na may bakeshop yan" natatawang ani ni Manang Wena kay Jeannette

"Sorry ma'am ayaw lang po namin kayong mapagod" nakayukong saad niya

"Ano kaba ok lang saka inaalala mo lang naman ako eh" saad ko sa kanya

Nagkwentuhan pa kami at nalaman kong sya pala si Jeannette Tolentino at nasa 18 na pala sya. Nalungkot pa nga ako ng ikwento niyang pinaubaya nalang niya ang pag aaral sa kapatid niya.

Sa wakas dumating narin si Paui at nasa bukana palang sya ng pinto ay nakatulala at nakanganga pa syang tinitignan ang bahay pero ng tignan ko naman ito ay nakatitig sya sa nag aayos ng aircon na lalaki.

Dahan dahan akong lumapit dito at binatukan sya.

"ARAY KO" sigaw niya at babatukan na sana niya ako ng bigla kong ipinakita ang PT kit

"Sige batukan mo ako at lagot ka kay Ryzer" birong banta ko pero binatukan parin niya ako ng mahina

"Gaga kahit buntis ka babatukan kita.....hindi naman tyan mo sasaktan ko" pagsusungit niya pagkatapos akong batukan

"Halika may pagkain sa kusina" saad ko pero naka focus lang sya sa dalawang lalake

"Bakla kanin nalang ang kulang"  saad niya at niyuyugyog pa ang balikat ko

"Gaga may mga asawa na yan" saad ko at pilit syang hinihila papuntang kusina






Nakauwi na si Xie dahil 4pm ang labas nila at saktong 5pm naman and dating nila dito sa bahay pag hindi traffic. Nagkulitan pa silang dalawa ni Paui at tuwang tuwa pa si Xie dahil andito ang Minang niya.

Dahil medyo gumagabi narin ay inihatid ko na sya sa labas ng gate kung saan andun yung sasakyan niya.

"Ikamusta mo nalang ako kina Nay Cora at Inang ah mukhang matagal pa kami hindi makakabisita pero susubukan namin" saad ko sa kanya habang papasakay sya sa kanyang kotse

"Oo naman sasabihin ko sa kanila ingat kayo ah lalo ka na at buntis ka pa naman" saad niya sa akin at pinaandar na niya ang kotse

Bago pa sya makalayo ay dumating na rin ang sasakyan ni Ryzer nagbusinaan pa silang dalawa.

Tutal ay malapit na sya sa bahay ay hinintay ko na sya at dumating na rin si Xie para salubungin ang ama niya. Hinawakan ko nalang ang kamay niya dahil ayaw na niyang magpabuhat sa akin dahil baka daw mapano si baby.

Agad na tumakbo si Xie sa ama pagkalabas niya ng sasakyan. Binuhat naman ito ni Ryzer at pinugpog ng halik si Xie na kinakiliti nito.

Pagkalapit niya sa akin ay agad niya akong hinalikan sa labi at hinawakan ang tyan ko.

"Kamusta ang baby namin sa skwela?" tanong ni Ryzer kay Xie

"Papa pinagalitan ako ni Teacher kanina" saad ni Xie na kinanuot ni Ryzer

"Why? Naging makulit ka na naman siguro noh?" tanong ni Ryzer

"No papa kasi sabi ni teacher kanina itaas daw ang kamay kung sino daw nakakakilala kay lapu lapu tas tinaas ko kamay ko" saad niya

"And?" mahinahong saad ni Ryzer

"Sabi ko ulam natin kagabi tas nagtawanan sila tas sabi ni teacher shut up little kitten......papa mukha ba akong pusa?" saad niya kaya napatawa nalang kaming dalawa........


A/N: yey may update ulit ako. Thank you mga luvs ko sa laging pagbabasa ng MEHO. Mwua mwua mwua.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
🤍🤍🤍

My Ex-Husband Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon