CHAPTER - 35

230 3 0
                                    

BEATRIX

Makalipas ang dalawang buwan ay may maliit ng umbok ang tyan ko. Halos malapit narin kaming ikasal ni Ryzer. Medyo nahirapan pa kami dahil sa akin.

Umaarte narin ako gaya noong nakaraan na dalawa yung nagustuhan kong gown eh gusto ko sana si Ryzer mag suot nung isa tas ako naman doon sa isa.

Napaiyak pa ako noong tumanggi syang isuot niya ang gown kaya di ko sya pinansin hanggang makauwi kami.


Papunta kami ngayon ni Ryzer sa isang shop para tumikim ng mga cake kaya sinama namin si Xie at tuwang tuwa ng sya ngayon.

"Mama marami bang cakes doon?" manghang tanong ni Xie na di mapakali sa upuan sa backseat

"Oo pero hinay hinay lang hmm" saad ko sa kanya at tumango tango naman ito sa amin

"Eh mama pano pag nasarapan ako sa cake?" natawa ako sa tanong niya ganun si Ryzer

"Baby kami munang mauunang kumain saka ikaw ok? Saka wag kang masyadong makulit doon ah" saad ni Ryzer

Dahil medyo traffic at nastock rin kami sa traffic. Tinanong namin kanina si Xie kung gusto niya mag drive thru dahil baka gutom na sya pero ang sabi niya ay mas ok daw na gutom mag taste test.

Nakarating kami sa shop at agad naman lumabas si Ryzer para pagbuksan ako saka si Xie at binuhat ito.

Pumasok kami at nakahanda na ang sampung cake na nasa gilid na. Kita ko ang mangha ni Xie at pumalakpak pa.

"Good morning Mr. Huxley and Mrs. Huxley welcome sa TrixXie Heavenly Café" saad ni

Napili naming cafe ay ang pinatayo namin noong tatlo. Lumabas si Paui at agad na yumakap kay Xie na bumaba na at tumakbo patungo kay Paui.

"Minang" sigaw ni Xie at yumakp rito

"Inaanak ko" oa na saad ni Paui

Mukhang may pinagmanahan din anak ko dito sa Minang niya.

Pagkatapos ng pag yayakapan nila na akala mo'y ilang taon hindi nagkita ay napansin niya rin kami.

"Oh hi lovers" panunukso niya sa amin

Tahimik lang si Ryzer habang ako ay nakangiti sa kanya. Agad syang umirap sa akin na akala mo ay nakagawa ako ng kasalanan.

"Oyy Ryzer pagsabihan mo tong asawa mo na palitan yung best man mo sa kasal ah" sabi niya kay Ryzer na natatawa na

"Bakit ayaw mo bang maging best man ni Ryzer?" nag umpisa ng maluha ang mga mata ko

"Hush.....oo na tatanggapin na ni Paui ang invitation niya" agad akong niyakap ni Ryzer at agad nagsumiksik sa dibdib niya

"Aba't nagdrama pa ang buntis.......halla oo na tatanggapin na" saad ni Paui na naka cross arm na

"So lovers pwede bang umpisahan na natin at ang inaanak kong maganda ay gutom na" saad ni Paui saka dumiretso sa mga nakaliherang cake






"Mas gusto ko ito" turo ko sa cake na milk flavor na may mga half strawberry na toppings

"Masarap yang pinili mo ah" saad ni Paui na kasama naming nag tetaste test

"Yeah masarap pero di yata sobrang tamis?" marahang tanong ni Ryzer

Ang una kasi naming triny ay ang chocolate flavor na may toppings na cherries at mga square na chocolate eh kaso ayoko ko ng shape ng cherry......gusto kong shape triangle. Itong pangalawang try namin ay ang cake na puti na may toppings na strawberry na half lang na kinorteng parang puso kaya ang ganda tas ang sarap.

Natikman na naming ang lahat at ang nagustuhan ko lang ay ang milk tsaka yung isa naman ay milk din pero toppings niya ay cholote sprinkles at parang gintong gintong keme keme.

"Ok eto na ang napili niyo?" tanong ni Paui at tumango ako bilang sagot

"Oo tas siguro sina mamita na bahala sa ibang pagkain dahil maselan ang ilong nito ngayon" sagot ni Ryzer

"Oo nga at naku napakaarteng magbuntis" irap ni Paui

Pagkatapos ng pagpapaalam ay binuhat na ni Ryzer si Xie na nasa sofa at natutulog dahil sa pagod. Lumapit sa akin si Ryzer na buhat buhat si Xie sa isang kamay.

Bago umuwi ay dumaan muna kami sa isang drive thru at binilhan ang mga kasambahay namin ng makakain nila. Hindi na kasi kami nag uwi ng cake para surprise nalang sa kasal.

Naramdam kong hinawakan ni Ryzer ang kamay kong nakapatong sa hita ko at dinala nito sa labi niya. Hinalikan nito ang likod ng mga palad ko na may ngiti sa labi.

"Finally" nakangiting saad niya

"Ry pano pala yung isla?" tanong ko ng maalala ko ang islang pinagdalhan niya sa akin

"Bakasyunan" simpleng saad niya kaua tumango nalang ako

"Ry hindi ba uuwi sila Edward?" tanong ko sa kanya

"Mukha hindi yata dahil tamad din si Deanna na magkikilos" saad niya sa akin

"Nag imbita ka ba ng mga ka business partner mo?" tanong ko dahil noong nag tingin ako ng mga invatation card ay andaming hindi ko kakilala

"Yes ang iba doon ay ang Montavelino, Villaceto, Druanio and more" sagot niya at tumango tango nalang ako

"Ahm love by the way yung bahay ready'ng ready na tayo nalang ang kulang" nakangiting sad ni Ryzer

"Nalulungkot ako para sa ibang maids na mawawalan ng trabaho" malungkot kong saad sa kanya

"Ok lang love kasi yung iba pinapa-apply ko rin sa ibang mga kakilala ko" tugon niya kaya bumalik ulit yung ngiti ko

Nakarating kami sa bahay ng 6PM na dahil sa haba ng byahe. Nagising na din si Xie noong maihinto ni Ryzer ang sasakyan.

"Hi manang" bati ko ng nasa bukana nasya ng pinto

"Hi ma'am at sir" magalang na saad niya

Binigay ko ang binili namin at sinabing tawagin nalang ang ibang  kasamahan niya at pagsaluhan yun. Nagpasalamat ito at agad tinawag ang ibang kasamahan niya.

Umakyat muna kami sa kwarto namin. Ako na sana mag bibihis kay Xie pero nag kusa na si Ryzer kasi baka daw pagod ako kaya ayun pinayagan ko na.

Pagkatapos kong namalit ay humilata nalang ako sa kama at pinikit na ang mga mata ko. Narinig kong bumukas ang pintuan at naramdaman ko pang hinalikan niya ako sa nooh bago ko narinig ang pagbukas ng pinto ng banyo at pag open ng shower.

Balak ko pa sana syang hinatayin pero inaantok na talaga ako kaya tinulugan ko nalang sya. Bahala sya sa buhay niya dyan.







A/N: thank you luvs sa pagbabasa at HI sa mga new followers ko dyan. Luvlots mga luvs ko. Mwua mwua mwua.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
🤍🤍🤍

My Ex-Husband Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon