CHAPTER - 37

197 1 0
                                    

BEATRIX

Pangalawang araw na namin dito at sobrang enjoy talaga namin. Inaamin kong noong una ay gusto kong umalis dito at wag ng bumalik pero ngayon bumalik ako at kasama ko pa ang anak ko na nakangiti.

Tinatanaw ko ang mag amang masayang nagtatampisaw sa dagat habang ako ay nakaupo sa buhangin pero naabot naman ng maliliit na alon ang mga paa ko.

Nakasuot ng swimwear si Xie habang simpleng black short naman kay Ryzer. Habang ako white dress na pinili ko talagang suotin hindi naman umalma si Ryzer kasi kami lang naman nandito.

Kumakain ako ng apple na buo dahil ayaw kong hiwain.

"PAPA" tili ni Xie ng bitawanan niya ito

"Relax andito si Papa" pag papaalala ni Ryzer sa anak niyang tinuturuang lumangoy

Kinuha ko ang cellphone ko saka sila kinuhanan ng video at picture. Nang magsawa ako sa pag kukuha ng video ay binaba ko na ang cellphone ko.

Umahon na silang dalawa at nagtungo na sa kinaroroonan ko. Inabot ko ang twalyang malapit sa akin saka binalot sa katawan ni Xie ng makalapit sila sa akin.

"Ryzer" tili ko ng yakapin niya ako mula sa likod eh basa pa ang katawan niya

"Pag basa ako ng pawis gustong gusto mo akong niyayakap" bulong niya kaya hinampas ko ang braso nito

Umupo sya sa gilid ko at si Xie naman ay umupo sa hita ni Ryzer at kumuha ng chocolate na nasa hita ko.

"Mama masarap ba yang gusto nit baby?" takang tanong niya ng makita niya ang ginagawa ko sa saging at nilalagyan ng calamansi

"Oum baby" saad ko na nakangiti

May basket kasi dito na dinala kanina ni Ryzer na punong puno ng mga prutas na gusto kong kainin ngayon. May mga apples na hindi ko pinahiwa sa kanya mga saging, mangga at calamansi. May iilang chocolate at chips din dito....




Nakauwi na kami galing isla at sobrang saya ang nararamdaman ko. Napuno din ng mga litrato ng dagat at paglubog ng araw. Marami din ang picture naming tatlo kaso mas marami sa cellphone ni Ryzer dahil yun talaga ang ginamit kong pag picture.

Mabilis na lumipas ang araw at buwan. Ngayon ay nakaharap ako sa malaking salamin at inaayusan ng make up artist.

Nakasuot ako ng puting robe habang inaayusan sa mukha at buhok. Kinuha ko ang cellphone ko at nagbukas ng social media. Unang kong na pansin ay ang post ni Paui na kung saan ay nasa reception na. Picture iyon ni Xie na nakapose pa at may hawak ng basket ng petals.

Pak ganda ng inaanak ko

Basa ko sa caption. Ilalapag ko na sana ang cellphone ko ng mag vibrate ito. Napangiti ako ng makita ko ang message ni Ryzer.

Ryzer:

Gustong gusto na kitang makitang naglalakad sa altar

Hindi ko na sya nireplyan at nagpatuloy nalang sa paghihintay na matapos ang pag aayos sa akin.

"Uhm Tin ayos lang ba talaga yung gown? Baka kasi maipit ang tyan ko? Diba alam mo naman na lumalaki na ang tyan ko?" sunod sunod kong tanong sa nag aayos ng gown na isusuot ko na

"Ma'am ayos lang po ito gaya po ng sabi ni Sir na medyo iadjust ang size para sa tummy niyo po" sagot ni Tin

Tinulungan nila akong tumayo at inayos na ang pagsuot ko ng gown. Nang matapos na ito ay napatingin ako sa salamin na kita ang buong katawan ko.

Ang ganda parang nalikha lang to para sa akin. Nakarinig ako ng papuri at palakpakan sa tatlong kasamahan ko dito sa kwarto.

"Wow ma'am ang ganda niyo"

"Bagay na bagay ma'am"

"Hindi halatang buntis ma'am"

Dinig kong papuri nila sa akin. Lumabas na ako at sumakay na sa wedding car. Bumayahe na kami patungong simbahan dahil andoon na ang lahat at ako nalang ang hinihintay doon.

Sa maliit na pouch na dala ko ay kinuha ko ang cellphone ko doon. Dahil sa kaba ay nanginginig ang mga kamay ko hawang hawak hawak ang cellphone ko.

Inabala ko ang sarili ko sa paglalaro ng games sa Pou game na nilalaro ni Xie sa cellphone ko.

"Ma'am relax lang po" natatawang saad nh driver ng mahalata ang kaba ko

Para akong nawalan din ng boses. Hindi naman ako nagkape kanina o noong nagdaang araw pero todo kaba ako ngayon. Para akong natigilan ng maramdaman ko ang pagsipa ng anak ko sa tyan ko.

Hinimas ko ang tyan ko at ngumiti ng bahagya.

"Baby excited lang talaga ako" saad ko sa tyan ko

"Ma'am ganyan talaga pag kinakasal ako nga noong kinasal kami ng misi ko muntik na akong maihi" bahagya akong natawa sa sinabi ng driver

"Buti at muntik lang po" natawa kong saad

"Oo nga ma'am eh lalo na po at andun ang biyenan ko para taliman ako ng tingin kaya parang umatras" natawa pa ako sa sinabi niya

"Kayo ho talaga" tawa kong saad

Parang bumalik ang kaba ko ng matanaw ko na ang simbahan kung saan kami ikakasal ni Ryzer.

"Calm down Trix" saad ko at tinap pa ang dibdib ko

Natanaw ko ang isa sa mga nag organize na patungo sa sasakyan na kung saan ay nanduon ako.

"Ma'am ready na po ba kayo?" saad ng babaeng organizer at mag aayos ng gown ko pag lumakad na ako

"Opo" saad ko

Sandali syang umalis at lahat ay nakapila na para sa seremonya. Tinulungan nila akong makalabas sa sasakyan at inayos kaunti ang suot kong gown.

Andito narin si Mamita na syang maghahatid sa akin sa altar. Nagbeso lang kami at binulungan ng kung ano anong magandang salita.

"I'm so happy for you Beatrix ang simbahan na ito sana ang magbigay ng biyaya sa inyong pamilya" saad ni mamita na maiiyak na

Hanggang sa kami nalang ang natitira sa bukana ng pintuan ng simbahan. Ano mang segundo ay babagsak na ang luha kong kanina ko pa tinatago.

Ang luha ko ay napaurong ng makita ko si Paui na umiiyak ng grabe habang inaalo ng boyfriend niya.

Moment ko toh eh.

Kita ko din ang pag pupunas ni Ryzer sa mata niya gamit ang puting panyo. Sa likod niya ay si Patrick na nakahawak sa balikat nito at tinatapik minsan.

Konting hakbang pa ay nasa harap ko na si Ryzer. Bumeso sya kay Mamita at nagmano. Bago binigay ni Mamita ang kamay ko ay sinabihan niya pa si Ryzer.

"Hijo wag mong sasaktan ang asawa mo hmm" paalala ni Mamita kay Ryzer

"Opo mamita makakaasa kayo" nakangiting saad ni Ryzer.

Kinuha nito ang kamay ko at nagtungo na sa may altar.

"Bago natin simulan ang kasal na ito may tumututol ba sa pag iisang dibdib ng dalawang ito?" tanong ni Father

Napawi ang ngiti ko ng may sumigaw.

"ITIGIL ANG KASAL" sigaw ng kung sino........

A/N: gosh thank you, thank you, thank you luvs sa always na pagbabasa ng MEHO. Wedding Part 2 sa next chaps. Luvlots luvs ko.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
🤍🤍🤍

My Ex-Husband Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon