CHAPTER - 39

220 4 4
                                    

RYZER

Pasado 10PM nag magpaalam kaming aakyat na dahil baka mapuyat pa sya. Binuhat ko ang anak naming natutulog na habang ang asawa ko ay inaantok narin. Hinapit ko ang bewang nito gamit ang isang kamay ko.

Umakyat kami sa taas kung saan andoon ang tutulugan namin.

Buti at napapayag ko ang mga Montavelino na dito ganapin ang kasal lalo na at gustong gusto ni Beatrix na makita ang sunset kasama ang dagat.

Dahan dahan kong inilapag ng anak namin sa gitna ng kama at tinanggal ang kanyang sapatos at mga inilagay sa mga mukha niya.

"Lovey ako na dyan" saad ni Beatrix na nasa kabilang side ng kama

"No Lovey you need to rest 10:20PM na" saad ko at tinuro pa ang orasan naka sabit sa dingding

Nang matapos kong ayusan ang anak naming natutulog ay nagtungo ako sa kabilang side g kama na kung saan ay naka upo parin ang asawa ko. Yumuko ako at hinalikan sya sa labi agad naman syang tumugon sa mga halik ko. Agad din akong bumitaw sa halikan namin dahil kapag nagtagal pa ay baka di ko mapigilan ang sarili ko.

"I love you" paos kong saad sa kanya habang hinahaplos ang pisngi nito

"Baka magsawa ka niyan sabihin sa akin pag inulit ulit mo" natatawang saad niya

"Hinding hindi ako magsasawang sabihin at iparamdam sa inyo ng mga anak natin kung gaano ko kayo kamahal" saad ko at hinalikan ang noo niya

Yumuko ako para kapantay ko ang tyan niyang may umbok na. Hinaplos ko ito at hinalikan kahit na may damit na nakaharang dito.

"We love you baby" saad ko sa anak ko na nasa loob pa ng tyan niya

Yumuko ako ulit at tinanggal ang suot ni Beatrix na heels na mababa lang. Inawat niya pa ako pero di ako nagpadaig sa kanya.

Humiga na sya at natulog na habang yakap ang anak namin. Tinanggal ko ang suot kong tuxedo at inilapag ito sa upuan. Pinagmasdan ko ang mukha ng asawa ko saka hinaplos ng dahan dahan ang pisngi niya.

"Ang laki kong gag0 para saktan ka noon" mahinang saad ko sa kanya habang haplos halpos ang pisngi nito

Lilipat na kami sa Germany sa susunod na araw at doon na maninirahan at bubuo ng masasayang memories kasama ng mga anak namin.......


Kitang kita ko kung pano sya masaktan sa pagkawala ng kaibigan niya. Bakasyon sana ito kaso nangyari itong insidenteng pagkawala ng kaibigan ni Beatrix.

Kung hindi ko pa sya niyakap at pilit na hinihila ang kamay niya ay wala syang balak bitawan ang kamay ni Vien na dadalhin na sa morgue.

Hanggang sa nalaman namin na suic!d3 ang nangyari ay hindi niya kailan man iniwan ang kaibigan niya hanggang sa huli.

Pagkatapos ng lamay ay umuwi kami at habang nasa kwarto at inaayos ang mga gamit ay pumasok si Xie na umiiyak at namumula ang pisngi.

My Ex-Husband Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon