BEATRIX
"Xie faster" saad ko habang nagmamadaling mag ayos
Habang sina Ryzer naman ay matyagang naghihintay sa amin sa baba.
"Mama wait lang" parang natatarantang saad ni Xie
Nang makaayos ako ay lumabas na ako habang tumigil naman ako sa kwarto ni Xie at kumatok.
"Trixxie ba't ba ang tagal mo?" saad ko habang kumakatok
"Ma I can't see the pair of one of my shoes" napahilot ako sa sentido dahil sa rason nito
"Xie seriously out of your 100 shoes, are you really going to find just one pair of your shoes now?" saad ko sa kanya
"Ma wait lang malapit na" saad niya sa akin
Magkatapos ng ilang minuto ay lumabas na rin sya. Isang purple croptop at ang pang baba naman niya ay isang faded Jeans at isang shoulder bag. Nakasuot pa ito ng headband na lightbrown.
"Halika na at naghihintay na sila" saad ko
Ngumiti ito at kumapit sa braso ko. Pagbaba namin ay nakita namin sina Ryzer at Arzul na nag uusap na kala mo ay mga businessman.
"Bei Frauen dauert es wirklich lange, bis das Problem behoben ist" kumunot ang noo ko sa sabi ni Ryzer
"Ja Papa, du hast recht" papa lang yata ang naintindihan kong saad ni Arzul dahil bukod sa pa german language niya ay nabubulol oa sya
Narinig ko ang hagikgik ni Xie saka lumapit sa akin.
"Ma sabi ni papa antagal daw natin mag ayos tas sumang ayon naman si Arzul kay papa" bulong ni Xie
"Hmp ba't kasi ang hirap mag German Language" nakangusong saad ko habang bumababa kami
"Ma maiintindihan mo rin kami" natatawang saad ni Xie
Nakita kong umayos si Ryzer habang nahulinko pa syang may binulong kay Arzul at tumango pa ito saka ngumiting tumakbo sa akin.
"Mama" sigaw ng bunso ko at tumakbo saakin
"Be careful" paalala ni Ryzer
Binuhat ko ang tatlong taong bunsong anak ko at hinalikan ang pisngi niya.
"Finally tapos na kayo" saad ni Ryzer pagkalabas namin kaya natikim sya ng palo sa braso
"Nawala yung isang earring ko" rason ko pero tumawa lang sya
"C'mon lovey 50 lahat ng hikaw mo tas yung wala pa hahanapin mo" natatawang saad niya
"Alam mo papa narinig ko yan kanina kay mama" hagikgik ni Xie habang buhat buhat ang brother niya
Binilisan ko ang hakbang ko habang naka cross arm. Rinig ko parin ang pang aasar nila.
Three years na kami dito sa germany. Pagkatapos kasi ng kasal ay nagpahinga muna kami ng ilang linggo sa pilipinas para makapasyal muna. Dito ko na pinanganak ang pangalawang anak ko na si Azrul Brent kaya mas hasa sya sa German and English language pero minsan tinuturuan naman namin sya ng tagalog. Kahit tatlong taong gulang palang sya ay madaldal na gaya ni Xie noon.
Si Xie anlaki narin ang pinagbago niya dahil nga nasa teen age na sya ay medyo niluluwagan narin namin ang kapit namin lalo na ang bago palang kami dito sa Germany. Pinagsasabihan naman sya ni Ryzer at sinusunod naman sya. Pero ang kadaldalan niya hindi parin nagbabago lalo na at magkasundong magkasundo sila ng kapatid niya sa kadaldalan.
"Pa ba't mo pala naisipang mamasyal tayo bigla? May kasalanan ka kay mama noh?" dumaldal na naman ang panganay ko
"Gusto ko lang kayo makabonding tutal ngayon lang tayo nagkaroon ng free time diba? Busy ang mama mo sa pa aasikaso niya ng cafe habang ikaw sa school tas ako sa office buti pa nga si Azrul nakakasama mama mo" paliwanag ni Ryzer
BINABASA MO ANG
My Ex-Husband Obsession
AléatoireBeatrix Mavis isang babaeng nagsumikap para maabot lahat ng pangarap niya, hindi naging madali ang buhay niya dahil sa rami ng pagsubok na napagdaanan niya lalo na sa asawa nitong si Ryzer Kaiser Huxley....... start- 04. 09. 24 finish- 08. 12. 24 Ph...