CHAPTER - 32

222 3 0
                                    

BEATRIX

Nang mailapag na niya ako sa kama ay pumaibaw sya sa akin ngunit agad ko syang tinulak ng bumalik sa mga alaala ko ang mga nakita ko noon sa office niya at pagkawala ng baby ko.

Hindi na niya ako hinahalikan dahil ang mga palad ko ay nasa dibdib niya na pang harang pero nasa ibabaw ko parin sya at nakatitig lang ang mata niyang namumungay.

"Ryzer umalis kana" mahinang sabi ko habang nilalabanan ang mga titig niya

"Ayoko" matigas niya sabi at sa wakas umalis na sya sa ibabaw ko

Humiga sya sa gilid ko at agad akong niyakap ng mahigpit at pinatong pa ang hita niya na akala mo ay ayaw akong pakawalan.

"Love.....please let's talk" bulong niya sa mga tenga ko at paunti unti ay hinahalikan ito

"Ano pa? At para saan pa? Malinaw yung nakita ko sa office mo nasa pagitan ng hita niya ang mukha mo" saad ko at parang maluluha na naman ako

"Nagpunta sya sa office ko na may dalawng pagkain at inumin para daw bumawi sa pambabastos niya sa atin sa hospital......hindi ko tinanggap sa una dahil baka magalit ka pero pinipilit niya hanggang sa kinuha ko nalang ang dala niyang juice and after that nakaramdam ako ng init.......pinigilan ko kaso ng-ng hawakan niya ako at himas himasin ang braso ko ay doon na ako bumigay.......nalaman ko pagkatapos kitang maihatid sa hospital na nilagyan niya ng drvgs ang juice na ininom ko......at ng malama ko ang nangyare sayo agad akong tumawag ng pulis para ipadampot sya" paliwanag niya habang yakap yakal niya ako

Humarap ako sa kanya at kita ko ang mata niya nanunubig.

"Ryzer ang sakit sakit ng dahil sa kanya nawala ang baby ko" pigil kong iyak perk kahit ano yata ang gawin ko ay tutulo parin ang luha ko

"Hush love......lalaban tayo hmm.......di ako makakapayag na ganon ganon nalang na makukulong su Zein na kahit kaibigan ko pa sya.......nawala ang baby natin dahil sa kanya at nawala kayo sa akin dahil sa kanya kaya pahihirapan natin sya hmm" pangkakalma niya sakin habang pinupunasan ang mga luha ko

Hinalikan niya ang labi ko at nagsabi ng mga matatamis na salita. Lalaban ako-lalaban kaming dalawa. Kinuha niya ang isang palad ko at hinalik halikan yun hanggang sa himas himasin niya ang mga daliri ko doon.

"Pakakasalan mo parin naman ako diba?" nangangambang tanong niya habang inilalabas ang singsing na bigay niya sa akin

Tumango ako ng dahan dahan na nagpangiti sa kanya. Agad niyang sinuot ang singsing sa palad ko at hinalikan ito.

Tang!na ang rupok ko.

Hahalikan na sana niya ako sa labi ng may marinig kaming ingay sa labas kaya napatigil ito at ngumiti.

"Lola anlalaking chocolate yung bigay ni Naynay Celly" rinig naking boses ni Xie at halatang tuwang tuwa

"Wag masyado ah masisira ngipin mo" saad ni Inang kay Xie

Bumangon ako at gusto pa sana akong pigilan ni Ryzer.

"Babalik ako" saad ko sa kanya na may ngiti

Tumango ito kaya inayos ko muna ang sarili ko saka lumabas. Naabutan ko si Xie na kinakain ang isang milka chocolate habang nanonood sa TV.

"Mama may chocolate ako" nakangiting saad niya at pinakita pa ang nakakalahati na niyang chocolate

"Patikim nga" nakangiting saad ko at agad naman niyang itinapat ang chocolate sa bibig ko

"Sarap.....akin nalang" biro ko kaya agad niyang nilayo sa bibig ko ang chocolate kaya napatawa ako

"Mama naman eh" sabi niya at lumabi

Tinanong ko kung nasaan si Inang at sabi niya ay bumalik doon pagkatapos nitong ihatid dahil tutulong pa daw sya sa pagluluto.

"May surprise si mama sayo" nakangiting saad ko

"Mama ngumingiti ka na" nakangiting saad ni Xie kaya nakita ko pa ngipin niyang may mga chocolate

"Halika sa kwarto" saad ko ng maitapon na niya ang balat ng chocolate

Pumunta kami sa kwarto at nanlaki ang mga mata niya ng makita ang ama niyang nakangiting nakatingin sa kanya.

"PAPA" hiyaw niya at tumakbong patungo sa ama niya

Nagyakapan ang dalawa kaya umupo muna ako sa kutson. Nakangiti akong nakatingin sa kanilang dalawa.

Napagod ang dalawa sa kakulitan nila kaya lumabas muna ako at sakto namang paglabas ko ay pagpasok ni Paui sa bahay na may dalang pagkain.

"Oh kain ka na baka napagod kayo" makahulugang saad niya kaya sinamaan ko sya ng tingin

"Kala mo di ko nakita ang tukaan niyo kanina sa pintuan" pang aasar niya kaya namula ang mukha

"Tumigil ka na nga dyan" saad ko habang tinutulungan syang mag lipat ng pinggan

"Anong sabi niya?" tanong niya kaya alam ko na kung ano yun

Kinuwento ko sa lahat sa kanya at nabali pa ang kutsara dahil sa gigil niya.

Niyakao niya ako ng mahigpit at sinabihang kakampi niya ako at nandito sya lagi sa oras ng pangangailangan ko.

"May palaro si Tita mamaya kaya kukunin ko si bagets saka si Nay Selda makikitulong daw muna doon at kayo kung wala kayong gagawin mamaya pwede kayong pumunta doon" makahulugang saad niya ulit bago umalis sa bahay

Nagtungo ulit ako sa kusina para takpan ang mga bigay nila Paui na ulam. Pagkatapos kong takpan ay bumalik na ako sa kwarto. Naabutan kong nakatingin si Ryzer sa anak namin habang hinahaplos ang buhok nito. Nang mapansin ako ay ngumiti ito naglakad ako papalit sa kanya dahil hindi niya maigalaw ang isa niyang braso dahil nakaunan si Xie doon.

"Sino yung kausap mo kanina?" tanong niya habang hawak ang kamay ko

"Si Paui naghatid ng ulam" sagot ko sa kanya

Tumayo ako at pumunta sa isang gilid ng higaan at humiga doon. Pinagigitnaan namin si Xie na tulog ngayon.

"I love you and I'm sorry love" sad niya at inabot ang pisngi ko saka hinaplos

"Pareho lang tayong naging biktima Ryzer" saad ko sa kanya ng may ngiti sa labi

Nakatulog din ako at di ko namalayan na umalis na pala si Xie at nagising nalang ako na magkayap kami ni Ryzer. Naka patong ang binti niya sa akin at ang sobrang higpit pa ang yakap niya sa akin pero di naman yung nasasakal ako. Habang ako naka yakap sa kanya at nakaharap sa kanyang dibdib........




A/N: Thank you mga luvs sa pagbabasa. Mwua mwua mwua love you luvs ko.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
🤍🤍🤍

My Ex-Husband Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon