CHAPTER - 33

230 4 0
                                    

BEATRIX

Gaya ng pangako ni Ryzer ay lumaban kami at tumulong din si Mamita at mga kaibigan ni Ryzer. Ginamit nila ang lahat ng kapangyahiran nila.

Dahil matibay ang ebidensya na hawak namin lalo na ang gamot na pampalaglag ay nasistensyahan itong makulong ng forty years sa kulungan, natanggalan din sya ng lisensya sa pagiging doctor niya at dahil kay Mamita ay ipapatapon sya sa malayo at naghihirap na bansa at di nasya makakabalik pa ng pilipinas.

Nagsitayuan na kaming lahat pagkatapos sabihin ng judge na tapos na. Pagkaalis ng judge ay muntikan na akong sugudin ni Frinzein buti at napigilan agad ng mga pulis.

"HAYOP KA......WALA KANG KARAPATAN~" di ko na sya pinatapos ng sampalin ko ito ng malakas at tumabingi pa ang mukha niya

"MAY KARAPATAN AKONG IPAKULONG KA AT DANASIN ANG LAHAT NG YAN SAYO FRINZEIN........ng dahil sayo nawala ang magiging anak ko......ng dahil sayo muntikan na naman kaming masira ng magiging asawa ko" gigil kong sambit pagkatapos ko syang sampalin

"Dalhin niyo na yang babaeng yan" saad ni mamita sa mga pulis

Agad namang kumilos ang mga pulis na ilabas ito at kahit na pumapalag ito.

Agad akong niyakap ni mamita at gumanti din ako ng yakap sa kanya.

Pagkatapos kong yakapin si mamita ay tumingin ako sa mga kaibigan ni Ryzer at ngumiti.

"Patrick, Wendelleson, Edward, Deanna, Kylie and Paui thank you" nakangiting saad ko sa kanila

"Tsk wala yun" Patrick

"Ank paba ang silbi naming kaibigan kung di kami nagtutulungan" Wendelleson

"Bawi narin namin to sayo" nakangiting saad ni Deanna na malaki na ang tyan habang si Edward ay tahimik lang at nakatingin sa asawa niya

"I know na my mga past tayo but kalimutan nalang natin yun masaya akong masaya na kayo" saad ni Kylie habang nakangiti

"Andito kami lagi para sayo" naiiyak na sabi ni Paui at yumakap na sa amin

Di pa man kami nakakalabas sa korte ay may pumasok na isang lalaki na gwapo at matipuno ang katawan.

"Baby sorry I'm late" ganoon nalang ang gulat ko ng hagkan nito si Paui

"Ok lang baby date nalang tayo sa labas" saad ni Paui

"Kelan pa?" sa isip ko lang sana itatanong yun pero napalabas ito sa bibig ko

"Ayy girl naging customer sya sa Cafè kaya ginayuma ko na" biro ni Paui kaya natawa kaming lahat......






Pauwi na kani ni Ryzer sa bahay namin pagkatapos dumaan sa drive thru sa Jollibee para kay Xie.

Hinatid muna namin si Mamita sa companya dahil sya ang namamahal ngayon doon. Si Patrick naman ay bumalik na sa hospital dahil madami daw syang patient ngayon. Si Wendelleson naman ay bigla nalang nawal ng may makita syang babaeng may kasamang lalaki. Sina Deanna naman ay pansamantala munang sa hotel sila tutuloy ng limang araw dahil uuwi din sila agad sa ibang bansa. While Kylie ay dito daw muna sya sa pinas para magrelax at magtago kuno sa isang mayamang foreigner na suitor niya. Si Paui ay nauna na saamin kanina kasama si Noli na BF niya.

"Anong iniisip mo?" sad ni Ryzer sa akin

"Sana matagal muna dumating yung susunod na problema para makapagsaya tayo" saad ko sa kanya

Hinawakan niya ang kamay ko habang ang isa niyang kamay ay nagmamaneho. Hinalikan nito ang kamay ko at kita pa niya ang suot kong singsing.

"Ba't yan na agad iniisip mo?" natatawang tanong niya

"Ry hindi natin mapipigilan ang problema na dumating" sagot ko sa kanya

Ngumiti ito at hinalikan ulit ang likod ng palad ko.

"Love what if tumira nalang tayo sa Germany?" suggestion ni Ryzer kaya napaisip ako

"How about Xie? For sure maninibago yun" sagot ko sa kanya

"Hindi naman muna ngayon after the wedding nalang siguro" saad niya kaya tumango nalang ako

Ang bilis ng lalaking to kasi lahat ready na at mag susukat nalang daw ng gown an gagawin namin.

Napatingin ako sa cellphone ko ng tumunog ito.

Roxanne:
Mam@ a$an na$& k#y∅? 💢😠

Napatawa nalang ako dahil nangialam na naman ang anak ko sa cellphone ni Roxanne.

"Pinakealaman na naman ni Xie yung cellphone ni Roxanne" natatawang saad ko kay Ry kaya pati sya ay napangiti narin

Di pa kasi namin nilalagyan ng sim card o account yung tablet ni Xie dahil baka kung ano ano na naman ang makina niya sa mga social media. Pero nagugulat nalang kami pag nagtetext yung number ni Roxanne.

Dumating kami sa bahay at kita namin ang anak kong palihim na nakikinig kina Roxanne at Jeannette na nagkukwentuhan. Sumaside eye pa ang anak namin.

"My daughter is gossiping" natatawang saad ni Ryzer

Saka lang lumingon sa amin si Xie ng makita niyang lumingon din dito ang dalawa.

"Mama" saad niya at tumakbo agad patungo sa akin

Hinalikan niya ako ganun din ang ama niya saka nagpabuhat.

"Anong ginagawa mo sa tabi nina Ate Roxanne at Ate Jeannette mo?" tanong ni Ryzer

"Wala po andun lang ako naglalaro gamit ang tablet ko......pero papa alam mo ba may crush si Ate Roxanne sa hardinero natin" bulong niya pa kaya natawa nalang kami buti at wala na yung dalawa dito

"Hmmm may dala kami sayo" saad ni Ryzer kaya pinakita ko sa kanya ang one bucket chicken joy and cheese burger

Nagtatalon ito at agad na kinuha ni Xie ang supot na dala ko at pinunta sa kusina. Kahit na makulit si Xie ay di parin niya nakakalimutang magbigay sa mga taong nakapaligid sa kanya.

Nang magtungo ako sa kusina ay nandoon na sina Manang Wena, Jeannette, Roxanne at tatlong drivers namin. At si Xie na hawak hawak ang isang hita ng manok.

Tatayo sana sila at babati pero pinigilan na namin.

"Naku wag na ituloy niyo nalang yan" nakangiting saad ko at dumiretso sa ref saka kumuha ng tubig

"Ma'am salamat po sa pagkain" pasasalamat nila ng nakangiti kaya ngumiti nalang ako

Umakyat ako at nagtungo sa kwarto namin at sakto naman na kakatapos lang ni Ryzer na maligo.

"Love pwede ka bang bumili mamaya ng mangga" saad ko at nakita ko pa syang tumingin sa akin ng gulat

"Bakit?" tanong niya ng makabawi ito sa gulat

"Feel kong kumain tas isawsaw sa toyong may dinikdik na sili na may suka" sagot ko at nagsimula ng ilapag ang bag ko

Nakaramdam ako ng yakap at paghalik nito sa balikat ko.

"Love diba hindi pa naman tayo nag memake love?" saad niya na kinataka ko

"Ano kaba gusto lang kumain ng mangga paghihinalaan mo na ako" natatawang saad ko sa kanya

"Pero what if lang naman" saad niya habang yakap parin ako

"Ganito nalang mag papacheck up nalang tayo bukas ok para hindi ka praningin dyan" tawa kong daad at saka nagtungo na sa banyo......

A/N: lapit ng matapos ito guys 🤧. Thank you sa lagi niyong pagbabasa nito at sana samahan niyo rin ako susunod pang story ah. Thank you so much luvs mahal na mahal ko kayo mwua mwua mwua.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
🤍🤍🤍

My Ex-Husband Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon