BEATRIX MAVIS - HUXLEY
"ITIGIL ANG KASAL!"
Napalingon kaming lahat sa sumigaw. Ryzer immediately furrowed his brows when he turned around.
Naabutan namin si Paui na nakatayo at naka-peace sign sa kinauupuan niya.
Siya lang naman kasi ang sumigaw kanina na itigil ang kasal. Nakita ko pa na pinalisikan siya ng mata ni Nay Cora mula sa kabilang upuan.
"Gusto ko lang naman itry yung mga nababasa ko at napapanood ko... pero ayyy ang sarap palang gawin 'yon... ayyy sorry Father, tuloy niyo na ang kasal," mahabang saad niya sabay upo ulit.
Natuloy ang kasal namin pagkatapos ng paandar ni Paui.
"BEATRIX, I KNOW, I know I wasn’t the best first husband to you. I did a lot of wrong and hurtful things back then… but now, you’re marrying the new Ryzer. I know marriage can change many things, but I promise—I'll put my pride aside… because if I don’t, I’ll end up sleeping on the floor."
"I love you—both of you, you and our baby," Ryzer said emotionally while holding my hands. He even wiped his tears, which made me smile.
"Ryzer, the day I woke up in your arms on the island, I thought I didn’t love you anymore. I thought all I felt was anger. But I was wrong. When I looked into your eyes, my heart started racing again like it used to."
"I tried to stay away from you, even if it was impossible… we lived under the same roof. So instead, I pretended I hated you. But Ryzer, the truth is, my feelings never changed—not once. I love you so much, no matter what happens," I said through my tears.
Muling nagsalita si Father hanggang sa inanunsyo na kasal na kami.
"And now, you may now kiss your beloved wife," anunsyo ni Father.
Hindi ko alam kung ako lang ba, pero parang biglang naging slow motion ang lahat. Unti-unting tinanggal ni Ryzer ang puting harang na nakatakip sa mukha ko. Ang isang kamay niya ay nasa bewang ko, habang ang isa ay nasa pisngi ko. He slowly leaned in—and his lips met mine.
"I love you," saad niya pagkatapos ng halik.
"I love you more," sagot ko, at nakangiti ko siyang hinalikan pabalik.
NAGKUHANAN PA kami ng litrato kasama ang family, friends, at mga bisitang gustong makipag-picture. May solo shots kaming dalawa, o di kaya kaming tatlo nila Xie.
Pagkatapos ng kuhanan, ang ibang guests ay nagpunta na sa reception, habang ang iba naman ay umuwi na rin.
Sumama si Xie kina Mamita papunta sa venue, pati sila Paui at Inang.
Pinagbuksan ako ni Ryzer ng pinto ng kotse. Pagkapasok ko, patakbo siyang lumipat sa driver's seat. Before he even started the engine, he kissed me and told me “I love you” several times.
Ang kanang kamay niya ay nasa manibela habang ang kaliwa ay minsan sa tiyan ko, o di kaya ay hawak ang kamay ko at hinahalikan ito.
PAGKARATING SA Villa De Montavelino, nandoon na halos lahat. We chose this venue for our reception because the place was beautiful—with a view of the sea and especially the sunset.
Buti na lang at pinayagan kaming magpalit ng damit. Request ito ni Ryzer para raw hindi ako mabigatan sa gown.
Pagpasok namin, ang ganda ng setup ng upuan namin. Sa likod, may nakapalibot na fairy lights na kulay dilaw, mga bulaklak (kahit plastic), at butterflies. In the center, our wedding photoshoot and both our names were displayed.
Nang makaupo kami, nagsimulang magsalita ang emcee. Nakatuon lang ang atensyon namin sa harap nang biglang kalabitin ako ni Ryzer at bumulong:
"Look—Xie," sabay turo niya.
Hinahanap ko agad si Xie, nakita ko siyang kasama sila Inang at malungkot na nakatingin lang sa cake. Hindi niya man lang ito ginagalaw.
Kinuha ko ang cellphone ko at nag-text kay Paui. Nasa isang mesa lang naman sila kaya madali siyang makapunta.
Nabasa ni Paui ang text at inalalayan si Xie papunta sa amin. May dala pa siyang upuan para sa anak namin. Agad itong binuhat ni Ryzer at inilagay sa gitna namin.
May pamusic din sa venue kung saan pwedeng mag-request ang mga bisita.
"Song request from Zander Montavelino: Sweet Music," anunsyo ng emcee.
Nagpatugtog ng slow music at nakita ko ang isang lalaki at babae na pumunta sa gitna at nagsayaw ng swabe, bagay sa kanta.
Marami pa ang nag-request at sinayawan din kami ni Ryzer. Minsan ay sinusundo kami para magsayaw sa gitna.
Pagkatapos akong isayaw ni Nay Cora, nakita ko si Xie na pumapalakpak at namamangha.
"Mama, ang ganda naman ng sayaw niyo!" saad ni Xie.
"Kahit ang mama mo, maganda rin," sabat ni Ryzer kaya napamula ako.
"Papa, ang daming gwapo!" kinikilig na sabi ni Xie habang nakatingin sa isang mesa.
"Xie, bata ka pa. Tignan mo sila—para mo na silang lolo!" saad ni Ryzer kaya napatawa ako.
Pwede naman niyang sabihing tatay o kuya, pero lolo talaga ang naisip ni Ryzer.
"Pa! Grabe ka naman maka-lolo sa kanila," naka-pout na sagot ni Xie kaya nagtawanan na lang kami.
Natahimik kami sandali, hanggang bigla na namang nagsalita si Xie, na ikinagulat naming lahat:
"Siguro, Papa, kaya binabawalan mo akong makakita ng pogi dito... kasi mas maraming pogi sa Germany?"
BINABASA MO ANG
MY EX-HUSBAND OBSESSION 🌻
RomanceSi Beatrix Mavis ay isang babaeng matatag at determinado, nagsumikap nang husto upang abutin ang kanyang mga pangarap. Ngunit sa likod ng kanyang mga tagumpay, kaakibat nito ang mga sugat at hirap na dulot ng walang katapusang pagsubok-lalo na sa pi...
