CHAPTER - 36

279 3 0
                                    

BEATRIX

Lumapit ako sa gwapong mapapangasawa kong nakaupo sa kanyang office dito sa bahay. Nakakunot ang noo niya habang nag titipa.

Nakasuot ito ng pambahay lang saka yung salamin niyang proteksyon sa mata niya.

Agad syang napatingin sa pinto na kung saan ay sumisilip ako.

Tumayo ito at naglakad kung saan ako. Niluwagan niya ang maliit na siwang ng pinto.

Agad niyang hinapit ang bewang ko at hinalikan sa labi na sinang ayunan ko naman.

"What are you doing here? Baka mapagod ka?" oa niyang saad pagkatapos ang halikan namin

"Hmp....OA mo" natatawang saad ko

Binuhat niya ako pa-bridal style at tuluyang pinapasok sa office niya dito sa bahay. Umupo sya sa inuupuan niya kanina at ngayon ay kandong kando na niya ako. Ang isang kamay niya ay nasa likod ko na parang inaalalayan niyang di ako matutumba. Ang isang kamay niya ay hinahaplos ang pisngi ko habang at dalawang kamay ko ay nasa batok niya.

"Konting buwan nalang at magiging Mrs. Huxley ka na" saad niya habang nakatingin sa mata ko

"Lovey" malambing kong saad at dinampian ng halik ang tungki ng ilong niyang pagkatangos tangos

"Hmm? What my future wife wants right now?" tanong niya at tinataas baba ang kamay niya sa likod ko. Sht biglang nag init ang katawan ko.

"Lovey pwede ba tayong magpunta sa isla?" i asked with a puppy eyes

Kumunot ang noo niya kay mas lalo akong nagpa cute sa kanya.

Bigla ko kasing gustong pumunta sa isla para makita ang dagat at ang sunset.

"Pero baka mapagod ka?" nag aalalang saad nito

"Please......gusto ko kasing makakita ng dagat tas  yung sunset kaya naisipan kong magpunta sa isla at isa diba aalis na tayo after the wedding" saad ko at para na naman akong maiiyak dahil hindi niya ako mapagbibigyan

"Nag aalala lang ako sayo" marahang sabi niya

"Just three days lovey please and beside andyan ka para alagaan at bantayan ako" pagpupumilit ko

"Fine lovey basta tatlong araw lang tayo doon hmm" pagpayag niya napatalon ako habang kandong niya kaya agad na bumaba ang kamay niya patungo sa bewang ko para pigilan ako






Bukas ang punta namin sa isla at napagpaalam narin namin si Xie sa skwelahan niya. Nag impake ako ng ilang gamit namin at ang ibang kasambahay naman namin ay konting pag kain lang na abot hangang tatlo o apat na araw.

Pinagbakasyon namin muna ang mga kasambahay dahik wala naman silang aasikasuhin dito sa pag alis namin. Nangako naman ako na hindi kakaltasan ang sweldo nila sa pagbakasyon nila ng tatlong araw.

"Mama hindi naman halatang excited ako noh?" natawa ako sa tanong ni Xie na hindi mapakali at naghahanap ng dadalhin niyang laruan sa dagat

"Hindi naman anak" sagot ko sa kanya

"Mama can you sing a lullaby? Gaya noong baby ako?" naglalambing saad ni Xie bago humiga sa kama

Nagtungo ako sa kama niya at humiga sa tabi niya. Hinaplos ko ang buhok niya at pisngi nito at hinalikan sa sintido niya.

"Of course baby" nakangiting saad ko sa kanya

"Mama excited na akong makita ang baby brother ko" ngiti ngiti niyang saad

"Kami din ng papa mo baby" saad ko

Sinimulan ko ng kantahan sya at pumikit na rin ito.

"You are my sunshine my only sunshine you make me happy......" napatigil ako sa pagkanta ng marinig ko na ang hilik niya

Hindi ko namalayan na nakatulog na rin pala ako dito sa kwarto ni Xie nagising lang ako ng may maramdaman akong paghaplos sa buhok ko.

"Halla nakatulog pala ako dito" saad ko sa kanya

"It's ok lovey mukhang naalimpungatan kapa dahil sa akin" saad nito at hinalikan ang noo ko

"Punta na tayo sa kwarto" saad ko at nginisian ko. Alam ko agad ang nasa isip nito kaya hinampas ko ang braso niys

"What?" natatawa niyang saad saka ako binuhat na pabridal style

"Alam ko yang iniisip mo" saad ko at tumawa naman sya

Dahan dahan niya sinara ang pinto ng kwarto ni Xie at naglakad patungo sa kwarto habang buhat buhat ako.






Napatigil si Xie sa paglalakad ng makita niya ang chopper na  sasakyan namin patungong isla.

"Mama dyan tayo sasakay?" tanong nito

Binuhat na ni Ryzer si Xie dahil hindi pa ito gumagalaw sa pagkagulat. Tama nga ako dahol mukhang namana niya kay Paui ang pagiging OA. Nasa bewang ko naman ang isang kamay ni Ryzer patungo sa helicopter. Nandun na rin ang mga gamit namin dahil bago umalis ang mga kasambahay at driver ay inilagay muna nila ang ilang bagahe namin sa helicopter.

Walang ibang ginawa si Xie kundi kumuha ng litrato mula sa bintana o di kaya ang piloto. Iniiwasan lang namin na may masagi o mapindot sya dahil sa kakulitan niya.

"Papa pag lumaki na ang baby brother ko turuan niyo po syang mag drive ng helicopter para mas madali kaming makagala tas di pa kami ma-i-stuck sa traffic" napanganga si Ryzer sa sinabi ng kanyang anak

"Kahit yata sa motor di ko na kayo tuturuan" natatawang saad niya kaya napasimangot si Xie

Alas otso kami ng umaga umalis sa bahay at mag a-alas dose na ng makarating kami sa isla. Umalis na muna ang nag drive ng chopper at babalikan nalang kami pagkatapos ng tatlong araw.

Hindi pa man kami nakakapasok ay dumiretso ako sa upuan na may payong at agad na umupo doon rinig ko pa ang sigaw ni Ryzer na magdahan dahan ako.

"What the.....baka mapano ka sa pagtakbo mo" nag aalalang saad ni Ryzer ng makarating ito sa tabi ko

"Ang ganda ng dagat" binalewala ko ang sabi ni Ryzer dahil talagang namamangha ako sa dagat kahit na medyo malayo pa dito sa kinauupuan namin

"Pero mas maganda ang katabi ko" saad niya kaya napalingon ako sa kanya

Nakatingin sya sa akin lalo na sa mukha ko. Ngumiti ito at hinalikan ako sa labi.

"Gutom na ako pero parang mas gutom si papa" naitulak ko si Ryzer ng marinig ko si Xie sa likod namin

Lumapit ito sa amin habang may hawak hawak na nova chips at kinakain ito.

"Di ka pa kumakain ng lunch tas inuuna mo yan" sita ni Ryzer ng makaupo si Xie

Ngumuso ito pero nakuha niya paring sumubo.

"Gutom na po ako papa eh" saad ni Xie habang nakanguso parin

"Hmm nakita mo na ba ang kwarto mo?" tanong ni Ryzer

"Papa ayaw ko dun mukhang nagtatransform yung puting kurtina to white lady" sabi ni Xie kaya napatawa ito at ginulo ang buhok niya....








A/N: yiiiieeee next chap wedding scene na. Thank you luvs sa laging pagbabasa. Luvlots mwua mwua mwua.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
🤍🤍🤍

My Ex-Husband Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon