CHAPTER - 24

238 4 0
                                    

BEATRIX

Mabilis ang paglipas ng araw at ngayon ay ang pang apat na gabi na ni Vien na nakaburol at huling gabi narin ito.

Nakapag usap na kami ni Inang at sobrang naguguilty ako lalo na pag umiiyak sya.

"Let's go home?" tanong ni Ryzer

"Ayoko dito muna ako" saad ko habang nakatanaw sa kaba0ng ni Vien

"Ok ihahatid ko muna si Xie sa bahay ni Mamita" saad niya sa akin na kinatango ko

Aalis lang si Ryzer pag ihahatid na niya si Xie sa bahay ni Mamita at agad agad na babalik rito para damayan ako.

Ni isang beses ay di man lang dumalaw si Edward dito at nalaman nalang namin na nasa California na sya. Kahapon ay dumalaw dito si Deanna at nag abot ng pakikiramay at kaninang umaga ay ang flight niya pasunod kay Edward.

Masyadong mabait ang silang mag ina para magtanim ng sama ng loob sa amin ni hindi man lang kami nakarinig ng mga masasakit na salita kay inang o pagkamuhi sa kanila.

Tumayo ako at lumapit sa kinaroroonan ni Inang na nakatingin lang sa anak niya at apo niyang mahimbing na natutulog sa kaba0ng.

Unti unti kong inilagay ang kamay ko sa balikat ni Inang na kinalingon niya sa akin.

"Anak upo ka nga" saad niya sa boses na kakaiyak lang

Hinawakan ko ang kamay nito at unti unti na namang nagsisilaglagan ang luha ko.

"Inang sorry" hingi ko ng tawad sa kanya

"Ano kaba anak tanggap ko na kahit na masakit saka wala kang kasalanan" saad niya sa akin

"At saka may ibibigay pala ako sayo" saad niya at may kinuha sya sa bulsa niya na isang papel

Inibaot ko ito at tumingin kay inang.

"Nakita ko yan sa drawer ni Vien noong umalis kayo, apat na sulat yan.....para sa akin, kay Paui, sayo at kay Edward" saad niya sa akin

Hindi ako makapagsalita kasi kahit anong buka ng nibig ko ay walang lumalabas na salita.

"Ok lang nak wag mong pilitin magsalita" saad ni Inang sa akin kaya napayuko nalang ako at hinayaan ang mga luha kong tumulo

"Noong pinagbuntis ko si Vien ay sobrang hirap kasi iniwan ako ng ama niya at mga magulang ko ay itinakwil ako........nasubukan ko rin noon mamalimos para lang may pagkain ako hanggang sa napadpad ako sa manila na sobrang gulo.......ilang araw akong nagpagala gala sa lansangan noon na kahit buntis ako hanggang may tumulong sa akin na mga taong may mabubuti ang puso.......tinulungan nila ako sa pagbubuntis hanggang sa naipanganak ko si Vivien" kwento ni Inang sa akin habang nakatingin sa nakahigang Vien "Hanggang sa nawala si Madam na nag alaga sa akin kaya umalis kami sa bahay niya ng palayasin kami ng mga kamag anak niya......napadpad kami sa lugar na to at tinulungan nila kami.....nakapagpatayo kami ng kubo" saad ni Inang sa garalgal na boses

Alam kong umiiyak narin ito.

"N-ni minsan po ba naghanap po sya ng ama?" nakayukomg tanong ko

"Oo at sinabi ko ang totoo noo  sa kanya kaya sabi panga niya sa akin noon na kapag nagkaanak sya sisiguruhin niyang hahanap sya ng taong mamahalin sya" sagot niya sa tanong ko

Nanatili ako sa tabi ni Inang hanggang sa huling araw ni Vien. Sabi ko pa sa kanya na sumama na sya sa amin kaso sabi niya mas mangungulila lang daw sya pag nasa ibang bahay.







"Nang ayaw niyo na ba talagang sumama sa amin?" tanong ko habang nasa labas na kami ng bahay

"Anak masaya na ako dito" saad niya habang hinahatid kami sa may kotse

Pagkatapat namin sa kotse ay binuhat niya si Xie at inilabas ang isang garapon na may lamang hair clips na ginagamit noon ni Vien sa pag aayos sa buhok ni Xie.

"Wow it's super duper pretty ng mga ito loya" saad ni Xie na kinatawa namin

"Lola not loya" pag turo ni Ryzer

Naglambingan pa silang mag lola hanggang sa umuwi na kami. Pagkarating sa kwarto namin ay nagtatakbo agad ako sa banyo at nagdududuwal.

"Ayos ka lang ba?" nag aalalang tanong ni Ryzer sa bukana ng pinto

"Hindi ko alam at saka maligo ka nga ang baho mo" reklamo ko at tinakpan ang ilong ko ng dumaan ako sa tabi niya

"W-what? Kakaligo ko lang kaya" kita ko pa ang pag amoy niya sa sarili

"Ang bantot mo" reklamo ko at lumayo sa kanya ng kalapit na naman sya sa akin

Pumunta ako sa kwarto ni Xie at nakita ko syang tinitignan ang mga hairclips na nasa garapon.

Ang taba talaga ng pisngi ng anak ko ansarap pisilin.

"Hi baby anong ginagaws mo?" tanong ko sa kanya at umupo sa tabi niya

"Tinitignan po yung bigay ni Minang" saad niya sa akin

"Baby ok lang ba kung hawakan ko ang pisngi mo?" saad ko sa kanya na kinanuot ng noo niya

"But why mama?" takang tanong niya

Para akong maiiyak dahil feeling ko hindi ako pagbibigyan ng anak ko pero agad din akong ngumiti ng tumango sya.

"A-ah mama ouch" saad ni Xie kaya tinanggal ko ang kamay ko

Agad syang tumakbo papalabas ng kwarto. Nang sundan ko ito ay umiiyak syang nagsumbong sa kanyang ama.

"Si mama ginawang lechon ang pisngi ko papa dahil sa pagpisil niya" sumbong ng anak ko na kinalabi ko

"Hush baby baka sign na yun na may baby sister or baby brother kana" saad niya na kinataka ko

"Hmm? Kailangan ba mahurt muna ako para malaman na may baby na si mama?" tanong nito sa ama niya

Umalis ako at nagpunta sa kwarto saka humiga at nagtalukbong ng kumot. Narinig ko ang pag bukas at sara ng pinto saka ang pag galaw ng higaan.

"Pinanggigilan mo daw yung mukha ni Xie" saad niya pero nanatili akong tahimik at pinipilit na pigilan ang paghikbi

"Alam kong gising ka" saad niya at pilit na tinatanggal ang talukbong kong kumot pero di ako nagpadaig

"Buntis kaba?" mahinahong niyang saad na kinatigil ko

"Fine. May gusto ka bang kainin?" saad niya na kinangiti ko

Tinanggal ko ang kumot saka umupo at humarap sa kanya.

"Bilhan mo ko ng milktea" saad ko sa kanya

"Yun lang ba? Anong flavor?" saad niya kaya napaisip ako

"Hmm.....puto and itlog flavor" saad ko na kinanganga niya

"What the......confirm" saad niya na kinalito ko




A/N: thank you sa pag basa mga luvs ko mwuah mwuah mwuah. Love you all
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
🤍🤍🤍

My Ex-Husband Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon