CHAPTER - 20

287 4 0
                                    

BEATRIX

"Ate pwede ba tayong lumabas?" tanong ni Vien sa kabilang linya

"Oo naman.....kailan mo gustong lumabas?" tanong ko sa kanya

"Ngayon po sana ate" saad niya sa akin

"Sige magkita nalang tayo sa park?" saad ko sa kanya at agad naman itong pumayag

Nagpaalam ako kay Ryzer para samahan mamasyal si Vien. At pumayag naman sya.

Pagkarating ko sa park ay nakita ko sya sa may bench na naka upo at may tinitignan sa cellphone niya.

Akala ko kasama niya si Paui pero mukhang mag isa lang sya.

"Vien" tawag ko sa kanya

Agad syang nag angat ng tingin at ngumiti peri may kakaiba sa ngiti niya.

"Ate" saad niya at niyakap ako ng mahigpit

"Kamusta ang baby mo?" tanong ko sa kanya at tumingin sa maliit niyang tyan

"Eto malungkot kasi di na talaga nagpakita si Ed sa akin" malungkot niyang saad sa akin

"Andito ako.....kami nila Paui hmm..." pagpapanatag ko sa kanya

"Ate thank you ah sa mga tinulong mo sa akin" parang naiiyak niyang sabi sa akin

Naglakad lakad kami at kumain sa mga gusto namin. Madami kaming ginawang dalawa na parang wala ng bukas pa.

Habang naglalakad kami sa mall ay may nakita syang store na para sa mga baby.

"Gusto mo bang bumili ng gamit ni baby?" tanong ko sa kanya

Tumingin sya sa akin at  umiling ng dahan dahan.

"Wag na ate masyado pang maliit si baby.......baka di rin niya masuot" saad niya sa akin

"Basta sabihan mo ako ah at sasamahan ka naming mamili" saad ko sa kanya

Dumaan kami sa isang restaurant para kumain ulit bago umuwi. Habang naghihintay ng order ay nagpicture kami ni Vien gamit ang cellphone ko.

"Ate" tawag niya sa akin at hinawakan ang kamay ko

"Bakit?" nagtatakang tanong ko ng makita ko ang mata niyang nanunubig

"Ate pwedeng bang wag mong pababayaan si Nanay?" malungkot na sabi nito sa akin

"Oo naman di ko kayo pababayaan ni Inang mahal na mahal ko kayo eh" saad ko sa kanya

"Ate alam mo ba na ang pangarap ko sa anak ko? Mabigyan sya ng buong pamilya may nanay at tatay......para di sya magaya sa akin na lumaking walang ama dahil di ako kayang tanggapin ng ama ko.....pero mukhang matutulad din sa akin ang anak ko ate kasi di rin sya kayang tanggapin ng ama niya" huminga ito ng malalim at tumingin sa itaas para  pigilan ang luha niya

"Hindi ako kayang tanggapin ng ama ko tas yung baby ko hindi rin matanggap ng ama" saad niya na habang unti unti ng bumabagsak mga luha niya

Napaiyak narin ako sa mga sinabi niya. Tumayo ako at niyakap sya ng mahigpit at pinatahan sya.

"Hush.....sabi ko nama  diba na kahit anong mangyayare andito ako hmmm" saad ko sa kanya

Pinagtitinginan narin kami ng mga ibang kumakain dito. Para naman kasing may shooting na dito ng drama.

Bumalik ako sa upuan ko at hinawakan ang kamay niya.

"Ate may naipon ako sa bangko at balak kong ibigay kay nanay yun pero sana ikaw mag abot ate" saad niya

"Bakit di nalang ikaw ang mag abot?" tanong ko pero ngumiti lang sya

"Basta ate pangako mo na aalagaan mo si inang ah" saad niya sa akin

Dumating ang orders namin na pagkain at inumin. Nag picture kami at nagkwentuhan rin ng mga balak niya sa magiging anak niyan.







6pm na akong nakauwiaa condo namin dahil kinausap ko pa sila Inang Selda at Nanay Cora ng inihatid ko si Vien kanina.

Kinamusta nila ako at si Xie at saka binigyan din ako ni nanay Cora ng Bibingka at Suman na paboritong paborito ni Xie.

Pagpasok ko ay nadatnan ko sila sa sala nanatutulog.

Si Ryzer na nakahiga sa sofa na may mga tali ang buhok habang si Xie naman ay nakahiga sa dibdib ng kanyang ama.

Inilapag ko muna ang supot sa kusina saka nagsimula ng magligpit ng kalat nila.

Lahat yata ng laruan ni Xie ay ginamit nila. Andoon ang kanyang cooking set na laruan, mga barbie na medyo may kalakihan, mga dollhouse, make up set na pang bata at mga pang hairstyle.

Dahil naaliw ako sa itsura nila ay agad ko silang kinuhanan ng litrato.

Pagkatapos kong mailigpit lahat ng kalat ay nagsimula narin akong magluto.

Binuksan ko ang refrigerator at may karne pa dito. Kinuha ko ang karne ng manok at ang itlog saka mga sangkap narin.

Balak kong lutuin ay paksiw na manok na may nilagang itlog.

Patapos na akong magluto ng may maramdaman akong yumakap sa akin.

"Gising kana pala" saad ko habang hinahalo halo ko ang karne ng manok

"Sabi ni Mamita mag beach daw tayo" saad niya habang nakayakap sa akin

Itinigil ko na ang paghalo at inilagay ko na muna ang panghalo sa lababo saka tinakpan ang niluluto ko.

Humarap ako sa kanya habang nakayakap sya sa akin.

"Pwede ba akong magsama?" tanong ko sa kanya

"Oo naman basta bawal ka lang mag suot ng swimsuit" saad niya kaya sumimangot ako

"Ryzer beach nga diba so need kong mag suot ng swimsuit.....alangan naman na mag leather jacket ako habang lumalangoy" saad ko na kinatawa niya ng mahina

"Pwede naman sigurong mag suot ka ng ganun basta tayong dalawa lang" saad niya sa akin

Bigla kong naalala ang mukha niya kanina kaya napatawa ako na kinanuot naman ng noo ng nasa harap ko.

"By the way ang ganda mo pala" natatawang saad ko

"C'mon" saad niya sa akin na kinatawa ko

"Kung hindi ko pagbibigyan lalayas daw ang anak natin kaya ayun nagpa hairstyle at nagpa make up nalang ako" natatawang saad niya sa akin

"Wag mong masyadong i-ispoiled ang anak natin please" saad ki rito

Hahalikan na sana ako ng may magsalita sa bukana ng pinto na naka crossarmed pa.

"Mama gutom na ako kanina pa alam mo yung mga bulate ko sa tyan ko nagiging cannibal na kasi kinakain na nila yung isa't isa" saad ng anak ko at hinimas pa ang tyan niya

Lumapit si Ryzer sa kanya at binuhat ito at inilapag sa high chair para maabot niya ang lamesa......








A/N: yun oh hahaha. What if maging mapanakit ako sa mga susunod na chapter? Sa maka hula edi baka manghuhula ka noong past life mo. Thank you sa mga nag aantay ng update ko mwua mwua.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
🤍🤍🤍

My Ex-Husband Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon