CHPTER - 31

301 3 2
                                    

BEATRIX

Umiiyak akong nasa harapan ng bahay nila Nay Cora at kung hindi pa yata lumabas ang nakakabatang kapatid ni Paui ay nakatulala parin ako sa pintuan.

"Ayy....halla ate....KUYA ANDITO SI ATE TRIX" rinig kong sabi niya

Nakarinig ako ng kalabog at mga yapak na tumatakbo papalapit sa akin.

Nakaramdam ako ng mahigpit na yakap at pag hushed sa akin.

"Anak pasok ka" nag aalalang saad ni Nay Cora

Inexplain ko lahat ng nangyari kanina pati narin ang ginawa ni Frinzein sa akin. Nagngingitngit si Paui sa mga kwento ko.

May narinig akong tunog ng sasakyan at kita ko na ang sasakyan na yun ay ang ginagamit nila Roxanne sa paghatid sundo kay Xie. Pagkapasok ni Xie ay agad ko syang niyakap na umiiyak.

Takang taka pa sya ba't ako umiiyak at ba't dito sya dinala.


Gabi na pero nasa tabi ako ng bintana at nakatanaw ako sa labas nito. Kitang kita ko ang buwan na sobrang bilog na bilog kasama ang mga bituin na sobrang kinang. Tinaas ko ng kaunti ang kamay ko na parang inaabot ang bituin at buwan.

"Baby sorry ah kung nawala ka agad" naiiyak na saad ko habang nakatingin sa langit

May kamay akong naramdaman sa balikat ko at paglingon ko ay si Inang pala. Dito kasi kami pumunta ni Xie pagkatapos nina Paui at naikwento ko na rin sa kanya.

"Anak iyak mo lang para mabawasan ang sakit na nararamdaman mo" payo niya sa akin

Kinuha niya ang isang monoblock sa gilid at tumabi sa akin.

"Kung napapansin mo may mga bituin na di masyadong makinang diba?" saad ni Inang habang nakatanaw din ang sa langit, tumango ako at tumingin ulit sa bituin

"Ang mahinang kinang daw ng bituin ay nagpapahiwatig na malungkot sila dahil nawala nalang sila bigla o hindi pa nila gustong mawala dito sa lupa" paliwanag ni Inang kaya napatingin ako sa kanya

"Isa po kaya dyan ay ang anak ko at si V-vien inang?" mahinang tanong ko

"Pwedeng isa sa mga yan ay ang anak mo pero si Vien mukhang nakasama sa malalakas na kinang ng mga bituin" saad niya sa akin

"Bakit naman po?"

"Kasi alam kong masaya na ang anak at apo ko sa langit" nakangiting saad ni inang

Tumayo ako at nagtungo sa kanya at niyakap habang nagpapasalamat.

"Inang thank you po" saad ko habang yakap yakap sya

Pinapatahan naman niya ako at sinasabing walang anuman yun.




Magkatabi kaning natulog ni Xie sa hapag ngunit may kutson na makapal pero malambot naman at malapad.

Hindi ko na naiexplain sa kanya ang nangyari alam kong takang taka sya bakit nandito kami at nadatnan niya pa akong umiiyak kahapon pero di sya nagtanong at sinamahan niya lang ako.

Saturday ngayon kaya wala syang pasok. Ang yaya nito at ang driver ay umuwi na kahapon.

Ano kayang ginagawa ngayon ni Ryzer.......iniisip niya kaya kami? Naulungkot kaya sya sa pagkawala ng anak namin? Namimiss niya kaya kami? O baka naman........

"Good morning mama" napalingon ako kay Xie na nakangiti

Hinalikan ko ang noo niya at niyakap sya ulit habang nakaunan sya sa isang braso ko.

"Good morning baby ko" gigil kong saad kaya napahagikgik din ito

"Mama call natin si papa" saad niya na kinatigil ko

"Baby...." saad ko habang nakatingin sa kanya

"Mama alam kong may problema kayo ni papa at di na ako makikialam kasi bata pa ako. And mama sorry kung nakinig ako sa pag uusap niyo kahapon and nalaman ko na wala na akong baby brother" malungkot niyang sabi at nagsumiksik sa akin

"Baby sorry ah.....wala na si baby brother mo" parang maluluha na naman ako pag pinag uusapan namin ang isa kong anak





Nasa bahay nila Paui ang anak ko dahil kinuha niya dito dahil umuwi ang kapatid ni Nay Cora na nasa abroad dahil OFW sya doon at tumanda ng dalaga.

Wala akong ganang lumabas kaya nagkulong nalang ako sa kwarto at naiintindihan naman ni Iang yun at kasalukuyan ngang sinasamahan si Xie sa bahay ni Paui ngayon.

May kumatok sa labas ng bahay kaya nagtaka ako dahil kung si Inang yun hindi na kakatok ganun si Paui.

Lumabas ako sa kwarto at nagtungo sa pintuan. Pagbukas ko ng pintuan ay ganoon na lamang ang gulat ko ng bumungad si Ryzer sa akin na magulo ang buhok at pulang pula ang mukha dahil sa kalasingan.

Pagkakita niya sa akin ay agad niya akong niyakap at halos matumba ako dahil sa bigat ng katawan niya buti at nakasandal agad ako sa pintuan.

"I miss you so much love" saad niya habang sumisinok pa dahil sa kalasingan niya

Pilit ko syang tinutulak pero mas lalo lang niya dinidikit ang katawan nito sa akin.

"Ryzer ano ba" iritang saad ko habang tinutulak sya

"Love di ko kaya na mawala ka" saad niya habang sumisinok parin

Pilit ko parin syang tinutulak hanggang nagkusa syang ilayo ng kaunti ang katawan niya sakin at ang kamay niya naman ay napunta sa bewang ko.

"Umalis ka na Ryzer" saad ko sa kanya at pilit na pinipigilan ang luha ko

"Umuwi kana dahil hinding hindi kita mapapatawad sa ginawa mo sa akin" unti unti na akong lumuluha habang sya nakatingin lang sa akin

Magsasalita pa sana ako ng bigla niya akong siniil ng halik at kahit anong tulak ang gawin ko ay mas dinidiin niya ang katawan niya sa akin lalo na ang labi niyang nasa labi ko.

Kinagat ko ang labi niya pero imbes na bumitaw sa halik niya ay naramdaman ko pa syang ngumisi at nagpursigi sa labi ko.

Lumambot ang mga tuhod ko sa tagal ng pag galaw ni Ryzer sa labi ko. Mas hinapit niya rin ang katawan ko papalapit sa kanya.

Unti unti ay gumagalaw narin ang labi ko at nahiging marupok na naman ako pagdating sa kanya. Ngumisi pa sya bago niya ako buhatin ng pa-bridal style.

Nakita niya ang kwarto ko dito sa bahay ni Inang kaya dumiretso sya doon habang hinahalikan parin ako sa labi. Narinig ko nalang ang pagsarado ng pintuan dahil sa pagtulak ng paa niya doon........


A/N: Bombayah na naman hahaha choss lang. Thank you readers (luvs) ko mwua mwua mwua.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
🤍🤍🤍

My Ex-Husband Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon