CHAPTER - 23

231 2 0
                                    

BEATRIX

Akala ko masaya na ang lahat pero hindi pala. Tama pala ang sabi nila na kapag masaya ang lahat dadating at dadating ang makungkot na pangyayari.

Nagising ako sa balitang may isang babaeng natagpuang wala na ang buhay sa dagat, balita na nagpakaba sa akin pero hindi pa natatapos yun ng pumuntang umiiyak si Paui sa akin at sinabi ang mas kinagulat at kinalumo ko.

"Gurl iniwan na tayo ni Vien" hagulgol nito

Hindi mapoproseso ng utak ko ang sinabi ni Paui hanggang sa tumakbo ako sa mga taong buhat buhat ang isang stretcher na may nakahigang babae.

"SANDALI" sigaw ko na kapag paagaw ng atensyon nilang lahat

Agad na naglakad papalapit sa akin si Ryzer kahit na naglalakad ako patungo sa babaeng nalunod.

Pagkarating ko doon ay nakabalot ito ng puting kumot pero agad akong napaluhod ng mapansin ang bracelet na nasa kamay nito.

"V-vien" nanghihinang saad ko habang hawak hawak ang kamay niyang nakalabas

Nilakasan ko ang loob kong tumayo at unti unting tinanggal ang kumot sa kanyang mukha.

"Vien bakit?" patuloy lang ang pag agos ng luha ko habang hawak hawak ang mukha niya

Nakaramdam ako ng yakap mula kay Ryzer sa likod ko.

"Ma'ma kailangan na po namin syang dalhin sa morgu3" saad ng isang nurse

"Dalhin niyo na susunod nalang kami" rinig kong saad ni Ryzer

Ayokong bitawan ang kamay ni Vien pero hinawakan na ni Ryzer ang kamay ko at pilit na tinatanggal sa nakahawak na kamay ni Vien.

"Love kailangan na niyang dalhin sa morgu3" saad ni Ryzer at marahang tinatanggal ang kamay ko sa kamay ni Vien

Napahiwalay niya ang kamay ko sa kamay ni Vien kaya tuluyan na ngang naipasoksa sasakyan ang walang buhay ni Vien.

Hindi ko alam o paano ko sasabihin kay Inang ang nangyari kay Vien.

Kanina pa ako umiiyak dito sa kubo na kung saan tinatawanan pa namin si Paui. Pero ngayon sobrang tahimik at mumunting iyak ang maririnig dito.

Patuloy parin ang pag iimbestiga ng mga pulis kung ito ba ay krim3n o nag su!cid3 talaga si Vien.

Napabalik ako sa ulirat ng biglang tumayo si Paui ng makita niya si Edward.

"HAY0P KA" pagsugod niya rito kaya nataranta na si Nay Cora

"Ano ba Paui wala akong kinalaman sa pagkawala ni Vien" diing sabi ni Ed

"Napakahay0p mo Edward kung hindi dahil sayo sana nandito pa si Vien" hagulgol ni Paui na nakaluhod na sa buhanginan habang nakakuyom ang kamao sa buhangin

"Edward hijo lumayo ka muna rito" mahinajong saad ni Mamita

Gusto ko syang sisihin pero wala eh, wala akong proweba na sya ang may gawa. Kahit na may kinalaman sya sa mga sakit na naranasan ni Vien ay wala parin kaming karapatan sisihin sya.

Tumayo ako at naglakad lakad sa dalampasigan na malapit sa pinangyarihan ng crime.

Naiiyak ako lalo na pag na aalala ko ang mga bonding namin nila Vien, kung pano sya tumawa, ngumiti, turuan si Xie sa mga assignment niya, pag  rambulan nila ni Paui at pano sya mangarap sa magiging pamilya niya.

"Ok lang na di ako tanggapin ng ama ko basta ba ang magiging ama ng anak ko ay tatanggapin" hiling niya noong nakaraang birthday niya

Umupo ako sa buhangin at tanaw na tanaw ko ang dagat na umaalon sa mga paa ko.

Pangalawang araw na sana namin itong mag sasaya pero nauwi lang sa malungkot na pangyayari.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Inang Selda.

"O anak ba't ka napatawag?" halata sa boses ni Inang ang saya

Tumikhim ako para di halatang umiiyak ako.

"N-nay kamusta?" tanong ki sa kanya

"Ay eto nasa bahay kasi medyo nadagdagan na naman ang rayuma ko" natatawang saad ni Inang

"Bakit naman po?" saad ko sa kanya

"May nagbigay ng bulalo kaya imbes na masayang kinain ko kaya eto naku hirap mag lakad" tatawa tawang saad ni Inang

"I-inang sorry" agad akong humagulgol ng hindi ko na makayanan

"Bakit anak?" nahimigan ko ang pag aalala sa boses niya

"S-si Vien po~" di ko na natuloy ang sasabihin ko ng marinig ko ang hikbi ni Inang

"Anak alam ko.....alam kong wala na sya" tuluyan na ring umiyak si Inang

Ansakit sakit marinig ang iyak niya sa kabilang linya.

Nang mawala ang tawag ay agad kong tinakpan ang bibig ko para pigilan ang iyak ko.

May tumabi sa akin at nakita kong si Deanna ito.

"D-di man po kami close ni Vien ay nalulungkot po ako sa nangyari lalo na po at parang ako yung may kasalanan" nakayukong saad ni Deanna. Binalik ko ang tingin sa dagat at tahimik lang

"Sinabi po nu Edward na buntis sya at si Ed ang ama pero dahil nga sinabi ni Ed na wala na sila ay pumatol parin ako sa kanya" tumikhim ito para ayusin ang boses niya at humingang malalim

"Pero kagabi kita ko yung lungkot ni Vien sa mga mata niya habang kami ni Ed masaya" saad niya sa akin

Tumingin ako sa kanya at niyakap sya.

"Deanna alam kong wala kang kasalanan kasi biktima ka rin at saka kung wala ng pag ibig yung isang tao hindi natin pwedeng pilitin na ibalik ito" saad ko sa kanya

Alam ko naman na wala syang kasalanan dahil ramdam ko ito at ramdam ko rin ang pagiging sincere nito sa mga sinabi niya.







Bumalik kami sa kubo dahil may sasabihin daw ang mga pulis tungkol sa insidente.

"Su!cid3 po ang nangyari man" saad ng pulis sa amin

"Jusko" iyak ni Nay Cora

Pagkatapos ng pakikipag usap ay inihanda na namin ang mga gamit dahil uuwi na kami. Hindi ko alam kung papaano ko haharapin si Inang dahil dito. Sinabi ko pa naman sa kanya na aalagaan namin si Vien pero eto uuwi kaming lahat pero nasa kaba0ng na si Vien.

Nasa van na kaming lahat habang kandong kandong ko si Xie ay umiiyak rin ito.

"Mama mamimiss ko si Minang Yen" umiiyak niyang sabi habang hawak hawak ang hairclip na kuromi na pagmamay ari ni Vien

"Ako din nak mamimiss ko rin ang Minang mo", saad ko at hinalikan sya sa sentido



A/N: THANK YOU SA LAHAT NG NAGBASA MGA LUVS KO MWUA MWUA.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
🤍🤍🤍

My Ex-Husband Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon