CHAPTER - 25

245 4 0
                                    

BEATRIX

Napanganga ako ng makitang may kasamang pregnancy test ang biniling puto and itlog milktea ni Ryzer.

"Para saan to?" taas kilay na tanong ko sa kanya habang pinapakita ang sampung piraso ng pregnancy test

"PT" saad niya na kinainit ng ulo ko

"Alam ko Ryzer......alam kong PT eto pero bakit ka bumili nito ang ibig kong sabihin" inis na saad ko rito

"Gusto ko lang makasiguradong buntis ang asawa ko" maalumanay na saad niya

"Pano mo nasabi aber?" mataray kong sagot sa kanya

Umupo sya sa kama kung saan ay nakaupo ako sa gitna at nakasandal sa headboard ng kama.

"Love sino naman magpapabili ng milktea na ganyan ang flavor?" saad nito sa akin

"At isa pa sinabihan mo pa akong mabaho at si Xie  naman pinanggigilan mo ang pisngi diba di ka naman ganoon" saad niya sa maalumanay na boses

Uminit bigla ang ang mga gilid ng mata ko dahil feeling ko andami kong kasalanan na ginawa sa kanila ngayon.

Agad akong humiga at nagtalukbong ng kumot.

"I-ibig sabihin d-di mo na ako l-love?" parang batang tanong ko na humihikbi

Naramdaman kong dahan dahan niyang tinanggal ang kumot at ng matanggal niya ito ay nanatili akong nakatalikod sa kanya.

Ang kamay niya ay gumagapang sa bewang ko at ang mga labi niya ay dumadampi sa balikat ko patungo sa pisngi ko.

"Mahal kita" rinig kong bulong niya sa tenga ko

Ang lambing ng boses niya na nakapagpawala ng mga luha ko.

Bumangon ako at nanatili ang mga kamay niya sa bewang ko habang nakahiga ito.

Lumingon ako sa kanya habang nananatili ang mga iilang hibla ng buhok ko sa  mukha ko. Lumingon ako sa kanya habang sumisinghot.

"Mahal mo ako?" mahinang tanong ko sa kanya

"Oo. Sobrang sobra" saad niya habang nakahiga pa rin

"Paabot naman yung milktea oh" nakangusong saad ko

Bumangon sya at kinuha ang milktea na nasa bedside table na nakalagay parin sa plastic bag.

Iniabot niya sa akin ang milktea na wala ng supot at inilagay niya narin ang straw doon.

"Mahal mo talaga ako ah?" saad ko sa kanya na kinatango niya habang inaalis ang mga hibla ng buhok ko sa mukha ko

Binigay ko sa kanya ang milktea na kinataka niya.

"Bakit?" takang saad niya sa akin

"Ininumin mo nga yan king mahal mo ako" saad ko na kinanganga niya

Agad akong lumuha ng hindi niya pa kinukuha pero ng makita niyang papaiyak ako ay kinuha niya ito.

"Sabi ko na di mo ako ma~" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng inumin niya ito ng isang lagukan lang dahil tinanggal niya na rin ang takio nito...........



Alas dose na ng hating gabi at di parin ako makatulog. Si Ryzer ay nakayakap na sa akin at mahimbing na natutulog.

Napadako ang tingin ko sa supot na naglalaman ng Pregnancy Test Kit.

May kutob na akong baka may laman na ang tyan ko dahil di rin naman gumagamit si Ryzer ng protection habang ako ay di naman umiinom ng pills.

Dahan dahan kong tinanggal ang kamay niyang nakayakap sa akin.

My Ex-Husband Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon