CHAPTER - 26

233 6 0
                                    

BEATRIX

Hanggang ngayon ay di parin ako makapaniwala na may bahay na kami.

Dahil sinabi ni Ryzer na lilipat na kami ay nag impake na ako ng gamit naming tatlo.

Inuna ko na ang mga gamit ni Xie saka sa amin at habang nag iimpake ay may nakita akong papel sa isang bag ko.

At ngayon ko lang naalala na may sulat palang binigay si Inang sa akin na ginawa daw ni Vien para sa amin.

Umupo ako sa gilid ng kama at binuklat ito......

Hi my dearest Ate Beatrix. Ate masaya ako kasi kompleto na ang pamilya niyo at di narin maiinggit pa si Xiexie sa mga kaklase niyang may Daddy.

Ate nung nalaman kong buntis ako saya yung naramdaman ko pero ng tanggihan niya ang anak namin napalitan yun ng lungkot at sakit.

Akala ko mabibigyan ko sya ng buong pamilya pero hindi pala kasi yung ama ng dinadala ko tinanggihan hahaha gaya ng pagtanggi ng ama ko sa akin.

Ate sorry ah kung wala na ako pati narin ang magiging inaanak mo di ko na kaya eh. Masakit na iwanan kayo lalo na si Nanay pero durog na durog ako at nahihiya na rin ako sa inyo ni Kuya Ryzer.

Ate mahal na mahal kita lalo na si Xie.

VIVIEN

Agad akong napahagulgol sa nabasa kong sulat pinaghandaan na niya pala. May plano na pala syang gawin yun.

Kung alam ko lang na mangyayari yun sana, sana hindi nalang kami nagpunta, sana binantayan ko nalang sya, sana hinawakan ko nalang ang kamay niya lagi lagi, sana hindi ako umalis sa tabi niya.

"Hey what's wrong?" di ko namalayan na pumasok na pala si Ryzer sa kwarto

Lumuhod sya sa harap ko at dahan dahang pinagtagpo ang paningin. Pinahid niya ng unti unti ang mga luha ko na umaagos sa pisngi ko.

"Hush......andito lang ako hmmm" saad niya sa akin

Agad ko syang niyakap at tinago ang mukha ko sa leeg niya. Humikbi ako doon ng humikbi at hinayaan niya lang ako.







Nang kumalma ako ay di na ako pinag impake ni Ryzer at sya nalang daw dahil kailangan ko daw magpahinga.

Nakatingin lang ako sa kanya habang naglalagay sya ng mga damit sa maleta.

"Gwapong gwapo ka na naman sa akin" natatawang saad niya kaya napairap ko

"Che" pagsusungit ko sa kanya

My Ex-Husband Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon