Chapter 33 (He is Evil)

8.2K 558 192
                                    

CHAPTER 33

"COME WITH ME, ERIXELLE." Hinila siya ng daddy niya.

"Dad, I'm...waiting for Warren. He will fetch me and—"

"Shut up. I know he couldn't fetch you. You're a liar now, huh? Iyon ba ang tinuro niya sa'yo, ang magsinungaling sa ama mo? Alam kong nasa ospital siya ngayon dahil nabaliw na ang kapatid niya. Let them go to hell. Nararapat lamang ang nangyari sa kanila dahil isang demonyo ang asawa mo, Erixelle. Sumama ka sa akin at huwag ka nang bumalik sa lalaking iyon!" Galit na galit ito habang nagsasalita.

"Dad, I won't come with you," mariing sabi niya sabay kuha sa kamay nito na nakahawak sa kaniya.

"You're not obeying me now?!" Tumaas ang boses nito at namumula sa galit ang mukha ng ama.

Hindi naman niya mapigilang tingnan ang isa nitong kamay. Putol na ang isang kamay ng ama niya.

"Sumama ka sa akin. Lumayo ka kay Warren. Hindi mo alam ang ginawa niya sa akin at sa mommy mo. Don't you know that your mom is about to go crazy because of what your husband did to her? Halos hindi ko na makausap ang mommy mo dahil sa ginawa ng asawa mo sa kaniya!"

Awtomatikong kumunot ang noo niya.

"What do you mean, dad?" naguguluhang tanong niya.

"Just don't ask and come home with me. Doon tayo sa bahay mag-uusap. Besides, I miss your fucking body. Paligayahin mo ako ngayong gabi bilang kabayaran sa mga ginawa ng asawa mo sa akin." Ngumisi ito at muli siyang hinawakan sa kamay.

Akmang hihilahin siya ng daddy niya nang makarinig sila ng napakalakas na tunog.

Awtomatikong nanlaki ang mga mata niya nang makitang may bumangga sa kotse ng ama niya.

Napatingin siya sa itim na kotse na bumangga sa sasakyan ng daddy niya. She couldn't see the man's face but he's wearing all black.

Muli nitong binangga ang kotse ng ama niya. Her father keeps shouting, very shocked at what just happened.

Lumabas naman ang lalaki mula sa loob ng kotse at diretsong naglakad patungo sa kinaroroonan niya.

Napaatras siya dahil hindi niya kilala ang lalaki.

"Hindi kita sasaktan, Ms. Erixelle. Pinapasundo ka ni Mr. Ramirez sa akin. If you'll excuse me, can you go inside the car now?" Napakagalang ng pagsasalita nito sa kaniya.

Napakurap naman siya. Warren sent this man to her?

"I'm sorry I was a bit late. Your husband will make me pay for this for sure," mahinang sabi nito.

"Erixelle!" Akmang lalapit ang ama niya sa kaniya nang hinarang ng lalaki ang katawan nito sa unahan niya na tila ba pino-protektahan siya nito.

"You! How dare you break my car? Who the fuck are you and why are you—"

"I am only following orders from Mr. Ramirez. He told me to break your car or even break your bone once you touch Ms. Erixelle. You already lost your one arm. I was giving you some mercy for breaking your car instead of breaking your bone, Mr. Sion." Ang kaninang magalang na boses ng lalaki ay biglang naging mapanganib at seryoso.

Who is this man?

Tumingin naman ito sa kaniya.

"Ihahatid na kita sa kotse, Ms. Erixelle. I'm sorry it's a bit damaged because I bump it to your father's car. Pangako bukas ay maayos na sasakyan ang susundo sa'yo," sabi nito at iginiya siya patungo sa itim na kotse.

"Erixelle! Sumama ka sa akin! Demonyo ang napangasawa mo at—"

"Mr. Sion, wala pa sa kalahati ng sungay ni Mr. Ramirez ang nakikita mo. I suggest you stop doing this. If he finds out what you just did today, do you really think he will stay still? Baka magulat ka na lang isang gabi na nasa loob na siya ng kuwarto mo at nakabaon ang kutsilyo sa leeg mo." Nakita niya ang pag-ngisi ng lalaki bago tuluyang pumasok sa driver's seat.

Isla Fontana Series #6: Loving Her (COMPLETED)Where stories live. Discover now